Agad nabitawan ni Lance ang hawak niyang mga paper bags na binili niya galing sa souvenir shop. Lumayo ako kay Nathan at sinamaan siya ng tingin pero mabilis na siyang sinugod ni Lance at kinwelyuhan. "Tarantado ka pala, e! Bakit mo hinalikan si Scarlett?!" sigaw ni Lance. Nakakahiya dahil pinagtitinginan na kami ngayon ng mga taong dumadaan. Ang ang crew ng Enchanted Kingdom ay hindi alam kung ano ang gagawin kaya nagtawag na lang sila ng security. "Ginusto din naman niya, e!" sigaw ni Nathan pabalik na siya namang dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko. Anong kagaguhan ang sinasabi ng isang 'to?! "What?! You harassed me and now you're telling Lance na ginusto ko ang ginawa mo sa akin? How dare you!" Akmang sasampalin ko na siya nang suntukin na siya sa mukha ni Lance. Hindi pa s

