Lutang ako nang pumasok sa campus kinabukasan. Ni hindi ako maka-usap ni Ashley dahil hindi pa din ako maka-move on sa nangyari kay Lance. Nabalita na rin ang nangyari sa kaniya sa Enchanted Kingdom. Inaasahan ko na rin naman ‘yon dahil isang sikat na amusement park ang Enchanted Kingdom at ang mga ganoong pangyayari ay hindi imposible na hindi maibalita sa TV. My face in the video clips were blurred and hindi na rin binanggit ang pangalan ko dahil na-sort out na rin agad ng parents ni Lance na huwag na akong banggitin pa. Mabuti na lang rin at hindi ko pa napo-post sa social media ang mga pictures ko at pictures namin ni Lance na magkasama sa EK. Wala na akong kawala kapag gano’n. Mukhang wala rin namang idea ang mga tao dito sa campus na ako ang babae na nakita nila sa balita kaninang u

