Kulang na naman ako sa tulog dahil sa kakaisip ko sa mga nangyari. Kahit anong pilit ko na hindi na isipin pa ang mga nasaksihan ko ay hindi ko maiwasan. Tila ba kusa na lang nagpe-play sa utak ko ang mga nangyari. Fresh na fresh pa sa utak ko ang lahat ng mga nasaksihan ko na kahit kailan ay hindi ko na malilimutan pa kahit anong gawin ko. Hapon pa ang klase namin pero parang wala ako sa wisyo na um-attend. Alas-otso pa lang ng umaga saka ako naghilamos at bumaba para mag-breakfast since hindi na ako nakapag-dinner kagabi. Mabuti na lang at may mga naihanda na ang maids na pagkain ko kaya hindi na ako maghihintay pa na makapagluto sila. As always, wala na kaagad sila Mommy and Daddy dito sa bahay dahil busy sila sa business and work nila. Sanay na rin naman talaga ako na mag-isa lang rit

