Chapter 17

2778 Words

Kinakabahan akong pumasok. Ngayon lang akong kinabahan sa pag-pasok sa campus. May kung ano akong nararamdaman ngayon na siyang dahilan kung bakit ako kinakabahan. Pakiramdam ko ay hindi tama na pumasok ako ngayong araw at sa mga susunod pang araw. May bumubulong sa’kin at sinasabing may mangyayaring hindi maganda ngayon sa campus. Inalis ko ang lahat ng mga negatibong bagay na naiisip ko. Ayokong maging praning dahil hindi ko naman ugali 'yon. Hindi ako sanay na may kinakatakutan bukod sa mawalan ng lalaking makaka-usap. Ngayon ay para bang kay rami ko nang dapat katakutan at ikabahala. Hindi ko alam kung normal pa ba talaga akong tatawagin sa lagay na 'to kaya alam kong kailangan ko na talaga magpakunsulta sa doctor para maging maayos muli ang lagay ko. Nilakasan ko ang loob ko bago a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD