“Byron, stop it will you? It’s not funny,” seryosong sambit ko. Hindi na ako natutuwa sa pang-aasar niya sa akin. Tatawa-tawa pa rin siya na lumayo sa mukha ko saka nakataas pa ang mga kamay na parang sinasabi na suko na siya. “Okay, okay. I’ll stop now,” sambit pa pero tumatawa pa rin naman. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na akong kumain ng dala niyang pagkain. Hindi siya galing sa isang restaurant so I am assuming na lutong bahay ang pagkain na ‘to. “Did you cooked it yourself?” tanong ko matapos kong tikman ang pagkain. In fairness ay masarap naman siya at masasabi kong sanay na sanay na sa pagluluto ang naghanda ng mga ‘to. “Yeah, that’s why sabi ko sa’yo ay mga hapon pa ako makakapunta rito dahil busy ako sa pagluluto kanina. Inaasahan ko na rin kasi na tinapay lang ang

