“Are you okay? Your eyes are all swollen. Did you cried last night?” tanong agad sa akin ni Winjorell nang makita ako pagkapasok ko sa gym. Dumeretso ako sa locker at hindi ko siya pinansin. Simula nang umamin siya sa akin kagabi ay napag-desisyunan ko na hindi ko na rin siya masyadong kakausapin simula ngayon. In that way, mas makakaiwas talaga ako sa kaniya. Tuwing training namin dito sa gym ay susundin ko lang ang lahat ng utos niya at sasagutin ko lang siya kapag may tanong siya sa akin tungkol sa training. Wala naman siyang magagawa kung hindi ko siya kakausapin. Siya lang rin naman ang magsasawa na kulitin ako. “Hey, Scarlett? Just tell me if you are not okay. As I have told you last week, don’t pressure yourself. Pwede ka naman na magpahinga kung hindi mo pa talaga kaya,” sambit pa

