Nalalapit na ang pageant at ngayon ko lang nararamdaman ang kaba. Kung noong una ay mataas pa ang confidence ko at iniisip ko na kaya kong manalo kahit unang beses ko pa lang, pero ngayon ay nababahala na ako. Pakiramdam ko ay hindi ko kaya na kahit man lang makapasok sa top ten. Bumababa na ang self-confidence ko at pinanghihinaan na ako ng loob. Mabuti na lang at hindi pa masyadong busy ngayon sa second semester namin kaya mas focused ako sa paparating na pageant. “Okay, ang susunod na natin na gagawin ay ang i-try ang mga gowns mo,” sambit ni Jazz. Nasukat ko na ang lahat ng dresses ko kanina and nakapag-photoshoot na rin. Nairampa ko naman na nang ayos ang mga ‘yon dahil hindi naman mabigat sa katawan. Limang dress ang nirampa ko tapos ngayon ay tatlong gown naman. Papalit-palit din

