Halos hindi ko mailabas ang hangin sa katawan ko. Kumakabog ang dibdib ko at para bang nag-uunahan ang mga kung ano sa tyan ko na hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman. Matapos sabihin iyon ni Byron ay ni-lock niya ang seatbelt ko sa akin. Nakalimutan ko pala na isuot kanina pagka-sakay ko sa kotse niya dahil na rin sa mga pinagsasabi niya kay Winjorell kanina at dahil sa inis na nararamdaman ko sa kaniya. Mabuti na lang at hindi ko nagawang ipikit ang mga mata ko kung hindi ay naipahiya ko lang ang sarili ko sa harapan ni Byron! Umayos siya sa upo niya saka muling pinaandar ang sasakyan dahil nag-go light na senyales na pwede na kaming umandar ulit. Nakakainis! What the hell are you thinking earlier, Scarlett? Inakala ko ba na hahalikan ako ni Byron? Napaka-kalat naman kung do

