"So how was your first day?" tanong sa akin ni Jazz matapos kong mag-photoshoot ng iba't-ibang dresses at gowns kanina. Six na ng gabi nang matapos kami sa shoot. Naka-ilang palit rin kasi ng make-up at hair style sa akin kaya sobrang tagal at buong araw ang naging photoshoot namin. "Hindi pa nga training mismo ang nagagawa ko pero sobrang nakakapagod na. What more if my training really starts?" sagot ko sa tanong niya. Natawa naman siya dahil doon. "You can do it, girl! I-ready mo na ang katawan mo dahil bukas na magsisimula ang training mo. Hindi pa pagod ang nararamdaman mo ngayon dahil simula bukas mo pa lang mararamdaman ang tunay na pagod." Handa naman na ako para sa training na 'yon lalo na at iyon nga ang pinaka-hihintay ko. I am willing naman na dumaan sa hirap dahil worth it di

