Maaga akong nagising kinabukasan dahil magsisimula na ang training ko. Ang sarap ng tulog ko kagabi dahil wala na akong inaalala pang iba. Sobrang tahimik ng isipan ko kagabi lalo na noong nawala na sa landas ko ang doppelganger at ang obsessed na kaluluwa ni Joshua. Agad akong pumasok sa banyo at naligo. Mabuti na lang at hindi man lang ako nagka-pimple kaya mukhang hindi naman ako nakaramdam ng stress nitong nakaraang araw. Nang matapos ako maligo ay naghanap na ako ng susuotin. Ang sabi ni Jazz ay kahit naman simpleng damit na lang ang isuot ko kapag pupunta sa Elite Agency building dahil sila naman ang bahala na sa mga susuotin ko. Magpo-photoshoot rin kasi muna bago magsimula ang pagtuturo sa akin ng tamang pagrampa. Kumuha na lang ako ng isang high waist denim short and croptop na d

