Chapter 49

2968 Words

Humalakhak siya dahil sa sinabi ko. Miski ako ay nagulat dahil lumabas ang mga salitang ‘yon sa mismong bibig ko. Basta ko na lang naisip ‘yon at maganda na rin na hinahamon ko siya para mas maipakita ko sa kaniya na determinado ako na manalo ngayon at hindi ako natatakot sa kaniya dahil kayang-kaya ko siyang labanan. “Akala mo ba ay madali mo lang akong matatalo? Hindi ko alam kung ano ang klase ng armas na dala mo laban sa akin dahil hindi ko pa nakikita kaya hindi ko inaasahan na ganiyan ka katapang na haharap sa akin ngayon. Para mo na ring hinarap si kamatayan nang hamunin mo ako ngayon,” natatawa na sambit pa niya. Nainis naman ako dahil nagyayabang pa siya at minamaliit niya ako. “Tama na ang pananalita mo. Ang dami mong satsat bakit hindi mo na lang kunin sa akin kung ano ang pak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD