Kinabukasan ay tama nga ang naisip ko na baka hapon na ako magising. Nilingon ko ang orasan at nakita na alas-kwatro na ng hapon. Saka lang rin ako nakaramdam ng gutom pero wala pa rin akong gana na kumain. Naalimpungatan lang ako dahil sa tawag sa phone ko. Bigla ko lang naalala na papunta nga pala sa bahay namin si Albeles. Mabilis ko naman na kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag. Tama nga ako at si Albeles ang tumatawag. “Hey, I’m on my way to your house now. Kakagising mo lang ba?” bungad niya nang sagutin ko ang tawag. “Yeah. Mag-aayos lang ako. Pwede ka nang pumasok sa bahay namin. I will inform our guard and maids,” sagot ko. “Sige.” “Ingat ka.” Matapos kong sabihin ‘yon ay pinatay ko na ang tawag. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa kama saka dumeretso na sa banyo para ma

