Chapter 47

2924 Words

Tulala lang ako sa kabaong ni Joshua habang nakaupo ako ngayon. Wala ni isa sa akin ang kumakausap ngayon at ang iba naman ay nag-iiyakan pa rin. Hindi ko na nga namalayan na alas-dose na pala ng madaling araw. "Scarlett, kumain ka na muna. Mukhang hindi ka nakakain ng dinner kanina, e." Nilingon ko naman si Pia na inaalok akong kumain ngayon sa dining area nila. Pinilit ko naman na ngitian siya saka bahagya akong umiling. "Wala akong gana ngayon na kumain at mukhang hindi rin naman ako makakakain sa ganitong sitwasyon ngayon. Ayos lang ako, Pia. Huwag mo na akong alalahanin," sagot ko. Bakas naman sa mukha niya na nag-aalala pa rin siya sa akin. "Sigurado ka ba? Baka kasi matulad ka pa mamaya kay Tita na bigla na lang nawalan ng malay. Concern lang ako sa'yo." "Ayos lang talaga ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD