Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa nilalang na nasa harapan ko. “Hey, Scarlett? Are you okay? What’s happening there?” rinig ko ang boses ni Joshua mula sa cellphone ko pero ni hindi ko magawang lingunin ‘yon. Tutok lamang ang mga mata ko sa nakakatakot na nilalang na nasa harap ko. Baka sa oras na lumingon ang mga mata ko sa ibang lugar ay bigla siyang lumapit sa akin. Unti-unti ay binaligtad niya ang ulo niya at habang nakalutang sa ere ay inalis niya ang ulo niya mula sa pagkaka-sabit sa lubid. Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa mga oras na ‘to. Masyado akong nilalamon ng kaba at takot at hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Dahan-dahan niyang inilingon ang ulo niya sa akin saka nakangisi ito habang nakalaylay ang dila niya, itsura niya ‘yon noong nawala

