Tahimik pa rin ang maliit na sala ng bahay nina Maricel.
Matapos ang lahat ng sinabi nila sa isa’t isa, pareho silang pagod sa emosyon.
Si Maricel ay nakayuko pa rin, pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi.
Samantala si Gibo ay nakatayo sa gitna ng sala, nakatingin sa sahig na parang may malalim na iniisip.
Ilang segundo pa ang lumipas bago siya muling nagsalita.
Mahina ang boses niya, pero ramdam ang bigat ng bawat salita.
“Gusto ko makilala ng maayos ang anak ko, Maricel.”
Napatingin sa kanya ang babae.
Diretso siyang tinitigan ni Gibo.
“Gusto kong bawiin ang mga taon na nawala sa amin.”
Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
Hindi na galit.
Hindi na puro sakit.
Kundi isang ama na ngayon lang nalaman na may anak pala siya.
“May anak na pala ako…”
Napailing siya nang bahagya.
“Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nang nawala ka.”
Saglit siyang tumigil.
“Tinanong ko ang sarili ko ng paulit-ulit kung ano bang ginawa kong mali.”
Huminga siya nang malalim.
“Pero mas hindi mo alam kung gaano ako kasaya…”
Unti-unting napangiti si Gibo, kahit may lungkot sa mga mata niya.
“…nang malaman kong may anak pala tayo.”
Hindi nakapagsalita si Maricel.
Dahan-dahan siyang lumapit kay Gibo.
“Hindi ko naman ipagkakait sa’yo si Gabi,” mahina niyang sabi.
“Karapatan mong makilala siya.”
Napatingin si Gibo sa pintuan ng kwarto kung saan naroon ang bata.
Sa loob ng tatlong taon—
hindi niya alam na may isang batang lalaki na pala ang naghihintay sa kanya sa mundong ito.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa pintuan.
Huminto siya sandali.
“Pwede ko na ba siyang makausap?” tanong niya.
Tahimik na tumango si Maricel.
“Gabi…”
Mahina niyang tawag.
“Anak, pwede ka nang lumabas.”
Ilang segundo ang lumipas bago bumukas nang kaunti ang pinto.
Sumilip ang maliit na ulo ni Gabi.
Hawak pa rin niya ang laruan niyang fire truck.
Naglakad siya palabas ng kwarto at lumapit sa mama niya.
Napatingin siya kay Gibo.
“Mama… sino po siya?”
Napahinga nang malalim si Maricel.
Ito na ang sandaling matagal na niyang kinatatakutan… at inaasahan.
Lumuhod siya sa harap ng anak.
“Anak… may ipapakilala si mama sa’yo.”
Hinawakan niya ang balikat ng bata.
“Siya ang papa mo.”
Nanlaki ang mata ni Gabi.
Napatingin siya kay Gibo.
Tahimik na nakaluhod si Gibo sa harap ng bata.
Halos hindi siya makapaniwala.
Ganito pala ang pakiramdam.
Ang makita ang sarili mong anak sa unang pagkakataon.
Mahina siyang ngumiti.
“Hello… Gabi.”
Inosenteng tinitigan siya ng bata.
“Papa…?”
Halos mabasag ang puso ni Gibo sa salitang iyon.
Unti-unti siyang tumango.
“Oo.”
Nanginginig ang boses niya.
“Papa mo ako.”
Tahimik na naglakad si Gabi palapit sa kanya.
Pinagmasdan niya ang mukha ng lalaki.
Parang may hinahanap siya.
Tapos bigla siyang ngumiti.
“Kamukha ko pala si papa.”
Napatawa si Maricel sa sinabi ng bata.
Pero si Gibo…
hindi niya napigilan ang sarili.
Bigla niyang niyakap si Gabi.
Mahigpit.
Parang ayaw na niyang pakawalan.
Napapikit siya habang pinipigilan ang luha.
Sa loob ng tatlong taon—
hindi niya alam na may isang batang lalaki na pala ang bahagi ng buhay niya.
Pero ngayon—
sa wakas…
kumpleto na ulit siya.
Pagkatapos ng emosyonal na tagpo sa loob ng bahay ay tila gumaan nang kaunti ang hangin sa paligid.
Nakaupo si Gibo sa maliit na sofa habang si Gabi naman ay nakatayo sa harap niya, hawak pa rin ang laruan niyang fire truck.
Ngumiti si Gibo sa bata.
“Gabi, gusto mo bang sumakay sa kotse ni papa?”
Nanlaki ang mata ng bata.
“Yung nasa labas po?”
Tumango si Gibo.
“Oo. Ipapasyal kita.”
Saglit na nag-isip si Gabi.
Tumingin siya kay Maricel.
Pagkatapos ay umiling.
Nagulat si Gibo.
“Bakit anak?”
Inosenteng sagot ng bata,
“Kung sasama si mama… sasama ako. Pag hindi, dito na lang din ako.”
Hindi napigilan ni Gibo ang mapangiti.
“Ganun ba anak?”
Tumayo siya at napatingin kay Maricel.
“Sige, isama natin ang mama mo. Tara?”
Nagulat si Maricel.
Halos mamula siya sa narinig.
“A-ah… eh… anak kayo na lang. Magluluto pa si mama. Alam mo namang magtitinda pa si mama maya-maya, diba?”
Sumandal si Gibo sa sofa at seryosong tumingin sa kanya.
“How about I pay you double sa kikitain mo for this whole day?”
Napailing si Maricel.
“No need. I’ll take care of this.”
Diretsong sumagot si Gibo.
“No.”
Napakunot ang noo ni Maricel.
“No?”
“No. Sasama ka. No other option.”
Nanlaki ang mata niya.
“Pe—pe—peroooo—”
Umiling si Gibo.
“No buts.”
Pagkatapos ay tumingin siya kay Gabi.
“Hindi ba sinabi ng anak ko na hindi siya sasama kung hindi ka kasama?”
Napakamot na lang sa ulo si Maricel.
Mukhang wala na talaga siyang lusot.
Huminga siya nang malalim.
“Okay… fine.”
Napatingin siya kay Gibo.
“Maliligo lang muna ako at mag-aasikaso.”
Ngumiti si Gibo.
“Yeah. We’ll wait.”
Pagpasok ni Maricel sa kwarto ay napatalon sa tuwa si Gabi.
“Yehey!”
Tumakbo siya papunta kay Gibo.
“Gagala kami ni mama at papa!”
Tapos bigla siyang tumingin sa kisame.
“Thank you Papa Jesus!”
Natawa si Gibo.
“Prayer granted!” dagdag pa ni Gabi habang tumatawa.
Napangiti si Gibo habang pinagmamasdan ang bata.
Hindi niya akalaing mararanasan niya ang ganitong saya.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas si Maricel mula sa kwarto.
Malinis na ang buhok niya at nakasuot ng simpleng damit.
Pero kahit simple lang…
lalo pa rin siyang gumanda sa paningin ni Gibo.
Saglit siyang natigilan.
Tatlong taon.
Tatlong taon niya itong hindi nakita.
At ngayon—
nasa harap niya ulit ang babaeng minahal niya.
“Ready na?” tanong niya.
Bahagyang tumango si Maricel.
“Ready na.”
Tumakbo agad si Gabi papunta sa pinto.
“Tara na!”
Lumabas silang tatlo ng bahay.
Agad na napalingon ang mga kapitbahay.
“Uy lalabas sila!”
“Kasama si Maricel!”
“Family pala sila!”
Halos mapanganga ang mga tsismosa nang makita nilang binuksan ni Gibo ang pinto ng Lamborghini.
“Wow!”
“Ang yaman pala ng papa ni Gabi!”
Tinulungan ni Gibo si Gabi na sumakay.
Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto para kay Maricel.
“Please.”
Medyo naiilang pa rin si Maricel.
Pero sumakay na rin siya.
Pagkasara ng pinto ay pinaandar ni Gibo ang sasakyan.
“Vroooom…”
Napanganga si Gabi.
“Ang bilis!”
Natawa si Gibo.
At sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon—
magkasama ulit silang tatlo.