Habang umaandar ang Lamborghini, masayang nakatingin sa bintana si Gabi. Halos dumikit na ang mukha niya sa salamin sa sobrang excitement.
Ngumiti si Gibo habang nagmamaneho.
“Saan mo gustong pumunta, anak? Doon tayo pupunta.”
Napalingon si Gabi kay Maricel.
“Mama… saan ba ‘yon? Yung pinuntahan natin ni lolo… yung pinagbilhan nitong laruan ko?”
Itinaas niya ang hawak niyang fire truck.
Napangiti si Maricel.
“Ah… sa Mall City daw ang gusto ng bata,” sabi niya habang natatawa nang bahagya.
Napatingin si Gibo sa rearview mirror.
Bahagya siyang napangiti.
“Ganun ba?”
Saglit siyang tumingin kay Gabi.
“Gusto mo bang bumili ulit ng toys?”
Nanlaki ang mata ng bata.
“Opo!”
Tumawa si Gibo.
“Sabihin mo lang kung anong gusto mo.”
Pero agad nagsalita si Maricel.
“Wag mo sanayin ang bata.”
Medyo naiilang ang boses niya.
“Wala akong palaging pambili. Don’t spoil him too much, okay?”
Bahagyang ngumiti si Gibo.
“It’s fine.”
Saglit siyang tumingin kay Maricel.
“I can spoil my child. Don’t worry.”
Bumalik ang tingin niya sa kalsada.
“Hindi naman ako mawawalan. I have plenty of money to buy.”
Napairap si Maricel.
“Tssk… yabang.”
Mahina niya itong binulong.
Pero biglang nagsalita si Gibo.
“Narinig ko ‘yon.”
Nanlaki ang mata ni Maricel.
“Ha? Wala akong sinabi!”
Napailing na lang si Gibo habang pinipigilan ang ngiti.
Ilang minuto pa ang lumipas at unti-unting lumitaw sa harapan nila ang malaking gusali ng Mall City.
“Yooooon!”
Sigaw ni Gabi habang tumatalon sa upuan.
“Andito na tayo!”
Napangiti si Gibo habang ipinarada ang sasakyan sa VIP parking ng mall.
Pagkababa ng tatlo mula sa kotse ay agad silang napansin ng ilang tao sa parking area.
“Wow Lamborghini…”
“Ang yaman siguro niyan.”
Pero hindi na iyon pinansin ni Gibo.
Hinawakan niya ang maliit na kamay ni Gabi.
“Ready?”
“Opo!”
Habang naglalakad sila papasok ng mall ay bahagyang naiilang si Maricel.
Hindi niya alam kung bakit—
pero pakiramdam niya parang ibang-iba ang trato ng mga tao kay Gibo.
Pagpasok pa lang nila sa main entrance—
biglang tumayo nang tuwid ang guard.
“Good afternoon, sir!”
Napatingin si Maricel.
Nagulat siya.
Bumati din ang isa pang guard.
“Good afternoon, Mr. A!”
Napakunot ang noo ni Maricel.
“Mr… A?”
Napatingin siya kay Gibo.
Pero parang wala lang dito.
Diretso lang siyang naglakad habang hawak ang kamay ni Gabi.
“Mama ang laki!” sigaw ng bata.
Ngumiti si Maricel pero hindi pa rin nawawala ang pagtataka niya.
Habang naglalakad sila sa loob ng mall ay napansin niyang binabati ng mga empleyado si Gibo.
“Good afternoon sir.”
“Good afternoon Mr. A.”
“Welcome sir.”
Mas lalo siyang napaisip.
Bigla siyang huminto sa paglalakad.
“Sandali…”
Napatingin sa kanya si Gibo.
“Ano?”
Tinuro ni Maricel ang paligid.
“Bakit parang kilala ka ng lahat dito?”
Saglit na natahimik si Gibo.
Pagkatapos ay bahagya siyang ngumiti.
“At ngayon ko pa lang ba sasabihin?”
Napakunot ang noo ni Maricel.
“Ano?”
Huminga nang malalim si Gibo.
Tumingin siya sa buong mall.
“At sa’yo rin naman mapupunta ang sagot.”
Bahagya siyang ngumiti.
“Sa akin ang mall na ‘to.”
Nanlaki ang mata ni Maricel.
“Ano?!”
Samantala si Gabi naman ay walang kamalay-malay na tumatakbo papunta sa toy store.
“Mama! Papa! Toys!”
Napahawak si Maricel sa ulo niya.
“Diyos ko…”
Tumingin siya kay Gibo.
“Ikaw ang may-ari ng Mall City?!”
Ngumiti lang si Gibo.
“Welcome to my mall.”
Napatingin si Maricel kay Gibo, halatang gulat at medyo naiilang.
“Sayo to… as in sayo lang?” tanong niya, parang hindi makapaniwala.
“Nope,” sagot ni Gibo nang may kaunting ngiti. “May business partner ako—si Carlo, the best friend ko. Did you remember him?”
Napakunot ang noo ni Maricel sandali, bago siya nakangiti ng bahagya.
“Ahhh… oo… si Mr. Limpin, diba?” tanong niya, dahan-dahang nag-recall ng pangalan.
“Yeah,” sagot ni Gibo, simple lang pero may halong pride sa tono.
Napatitig lang si Maricel, sabay hinga ng malalim, halatang marami pa siyang naiisip sa mga pangyayari, lalo na sa biglang pagbabalik ni Gibo sa buhay nila.
Si Gabi naman, abala sa pagtingin sa mga laruan sa paligid,
Napangiti si Gibo habang tinitingnan si Gabi na masaya sa napiling large dump truck. Agad naman niyang binili ito para sa bata, at napansin niya ang pagkagulat ni Maricel.
“What else do you want, anak?” tanong ni Gibo, halatang handang ibigay ang gusto ng anak nila.
“Wala na po, Papa. Eto lang po,” sagot ni Gabi, hawak-hawak ang truck.
“Sure ka? Isa lang?” tanong ni Gibo, medyo natatawa sa kasimplehan ng sagot ng bata.
Napangiti si Maricel at medyo napailing. “Nasanay kasi siya na isa lang ang binibili kapag umaalis kami. Well, sorry… ‘yon lang ang kaya namin ni Papa noon eh.”
“Ayy, ganun ba? It’s fine… well, bata pa lang si Gabi, pero I think na disciplina niyo na agad siya ng maayos,” sabi ni Gibo, halatang humahanga sa paraan nila ni Maricel sa pagpapalaki ng anak.
Si Gabi naman, tuwang-tuwa at abala na sa pag-explore ng bagong laruan.
Napansin ni Gibo ang mga luha ni Maricel habang pinagmamasdan ang anak nilang si Gabi na naglalaro nang todo sa playground. Hindi niya mapigilan ang sarili niyang mapansin ang emosyon ng babae. Agad siyang umabot ng panyo.
“Ito oh, panyo. Punasan mo luha mo. Bakit ka naman kasi umiiyak diyan?” sabi niya, may bahagyang ngiti.
Sabay kuha ni Maricel sa panyo at dahan-dahang pinunasan ang mga luha niya.
“Tears of joy… ngayon ko lang nakita si Gabi na ganyan kasaya. Sobraaa,” sambit ni Gibo, ramdam ang tuwa sa boses niya habang tinitingnan ang anak nilang masayang-masaya sa paligid, kasama ang maraming kalaro.