Mia's Point of View "What do you want?" Bibilhan ko muna siya ng pagkain para hindi siya ma-bored. Pinaiwan ko kasi sa kaniya ang libro niya kaya wala siyang magawa kung hindi ang tumingin lang sa labas at alam kong ayaw niyang wala siyang ginagawa. "Just fries, Mommy," sagot niya sa tanong ko. I ordered what she wanted. Nang matapos umorder ay umalis na kami. Nakasunod pa rin sa amin si Paul. Hindi siya masyadong malapit sa sasakyan namin pero nakasunod siya. Gusto kong bilisan ang takbo ko pero hindi pwede dahil nandito ang anak ko. Kung ako lang siguro mag-isa ay kanina ko pa binilisan ang takbo ng sasakyan. "Ma'am!" gulat na sabi ng guard nang makita niya ako. Tumango ako sa kaniya para pagbuksan niya ako ng gate. Mabuti na lang at pinapasok naman nila ako. It's been years s

