Mia's Point of View "Did you eat?" "Yes, Mom. Dad cooked for me," sagot ng anak ko. Kanina pa ako nagugutom pero ayaw kong lumabas dahil alam kong nasa labas lang ang lalaking iyon. Mabuti na lang at mahilig akong bumili ng mga biscuits para kay Pauline kaya iyon ang kanina ko pa kinakain. "Aren't we going out?" Umiling ako sa tanong ng anak ko. May bago na naman siyang hawak na libro. Mukhang binigay na naman iyan ng butihin niyang ama. Huminga ako nang malalim at pinilit ang sarili na huwag magalit pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nagpapakatanga ako sa kakaiyak sa kaniya tapos hindi ko alam na buhay pa pala siya. "Let's stay here. Tomorrow we will leave, we are going to meet your grandparents from my side," sabi ko sa kaniya. Hindi naman ako palaging nahihirapan magpaliwanag

