Emerald
Problema nitong lalaki na to. Makahila kanina wagas. Gabi na... yez nasa kuwarto parin ako. Iniisip ang nangyari kanina. Pero bat ako kinikilig. Kunwari kami talaga ni Nathan Wwhhaaa siguro ako na pinakamasayang babae. Pero hindi pala masungit nakakainis na lalaki yun.
"Kamusta ka na Bebs" Ani ng isang boses babae.
Bebs? May kausap sya? Hindi ka chismosa Emerald. Pero hindi chismosa ako since birth. Lumabas ako sa kuwarto and may babae nga. Nakaakbay si Nathan nakaupo sila sopa nanunuod na masayang nagtatawanan. First time ko makita syang tumawa ngumiti. Bat sa akin hindi ka ganyan? Lagi seryuso, yung mga mata mo parang papatayin ako unfair mo sana sya na lang yung FAKE GIRLFRIEND mo bwesit ka!
"Who is she?" Tanung ng babae na to. Na agad akong natauhan ayan tulala pa Emerald.
"Maid.." Walang buhay yang sabi. Kanila lang nakita ko sya nakangiti ngayun seryuso na naman.
Maid? Sabagay bagay sa akin. Tsk! Kaya pala sabi GIRLFRIEND ko?!
"Ahh ganda naman nya para maging maid mo." At ngumiti ito sa akin.
Dapat lang! Mas maganda ako sayo! Ngiti ngiti tsk! Di tayo close. Imbes mawala mood ko sa kanilang dalawa nagluto ako ng pagkain ko. Yes! Pagkain ko lang. Gutom na din ako syaka may sipon na ako. Dahil sa pagbuhos nung dalawang babae sa akin kanina.
"Bebs di bagay HAHAHA!" Sigaw nung babae.
Di bagay tsk! E di wow sainyu.
"Ayusin mo na kain tayo sa labas." Nathan
Ah kakain kayo sa labas tapos ako? Kakain dito sa pesteng bahay mo? Pwes mauuna ako! Inubos ko pagkain ko canton lang naman ito eh. Umakyat ako agad then nagpalit yes nakadress ako. Kahit wala aking pera may mga damit akong maayus.
"Saan ka pupunta?" Tanung nya na ngayun nasa harap ng pintuan ng kuwarto ko.
"Hindi mo na kailagan pang alamin." Pero hinila nya braso ko. Yes braso ko na naman. Masakit na to kanina pa."Nasasaktan ako." Diin kong sambit.
"Masasaktan ka talaga. Saan ka pupunta?" He asked again.
"Pake mo ba? Mag saya ka sa baba."
"Nagseselos ka ba?"
Ano?! Nang-laki mga mata ko. Kapal ah?
"Hindi naman makapal muka mo no?" Tanung ko dito. "Kasi ang kapal eh." At tinarayan ko to. Pake nya ba kung nagseselos ako. Eh masama sya dun eh.
"Hindi ka aalis."
"Sino ka ba para sabihin sa alin yan? Magulang ba kita?" Galit ba ako? Ang alam ko selos lang to.
"Girlfriend kita." Mahina pero dinig ko.
"Corrections Fake Girlfriend." At nilagpasan ko to. Pero nasalubong ko yung babae.
"Maid ka ba talaga?" She asked.
"Hindi." Tipid kong sambit.
"Eh ano?"
"Hindi ko alam." Pasensya na wala ako sa moods. Hindi ko na sya pinansin alam ko may sinasabi pa sya. Basta ang alam ko makalayo sa kanila. Ayaw ko sya makita kasama babae nya. Sinubukan kong tawagin si Margareth and this time salamat naman.
"Nagtatampo ako." Sambit ko dito. Dalawang araw walang ulam kamustahan.
"Sorry..." Mahina man yun pero dama ko nasasaktan sya.
"May problema ba?" Margareth? Minsan ko lang sya makita na mahina. Margareth is a positive girl. Sya ang dahilan kung bakit kompleto ako. Minsan naisip ko na din sumuko pero dahil sa pangarap ko kaibigan pamilya hindi ako susuko.
"Emerald... Park..." Sabay end ng call. Alam ko na ibig yang sabihin sa park kami mamemeet. Dahil Gabi na din wala nang sasakyan kaya nahirapan akong sumakay pero sa awa ng Diyos andito na ako sa park kung saan ang dabest memory ko.
"Margareth?" Tawag ko sa pangalan nya. Saglit syang natigilan sa ginagawa nya. At tumakbo sabay yumakap sa akin. Radam ko umiiyak na sya. Kaya hinayaan ko muna sya humikbi.
"Sabi ni Lola okey lang umiyak ng umiyak ilabas ang totoong nararamdaman dahil pagtapos na yun magiging okey na then push ulit." Sobrang bait talaga ng lola ko ang swerte swerte ko pa.
"Push?" She asked.
"Pray Until Something Happen.".Ngiti kong sagot sa kanya.
"Ang unfair nyu eh!" Sabay palo nya sa braso ko. Umuwi ka sa kung saan saan basta sa upuan bakit ba.
"Ha?" Unfair saan?
"Umalis na si Kiana and sumunod ang lukong Lucas na yun."
Yun na ba yun?
"Tapos ikaw jowa mo na pala si Nathan!"
What?! Saan nya nalaman yun? Fake lang hayss.
"Paano mo malaman?"
"Tsk! Kaibigan ko yun. Malamang alam ko din." At tumaray ito.
"Yan lang problema mo?" Ang babaw naman! May paiyak-iyak pang nalalaman.
"Si Kevin may ibang gusto!"
Hindi ko mapinta ang muka ko. Peste?! Yun lang?!
"Nakita ko sya may kayakap na iba. Sakit sa heart."
Ehh ako nga saya saya nya pa. Naka-akbay pa. Maid daw ako. Napangiti sya nung babae samantalang ako hindi.
"Kailagan ko na ba mag give up?"
"Hindi.." Tipid kong sagot. Hindi ko alam pero ito na yung naisip ko. Kasi may gusto na ako sa kanya. Malamang hindi diba same lang situation namin ni Margareth.
"Why?"
"Mahal mo sya diba?"
"Hhmm..."
"Ako gusto ko na sya eh nafall na ako. Hindi ko alam kung bakit."
"Ano?! Seryuso ka talaga?!" Gulat yern?
Hindi ko alam pero ewan. Paano na mag mahal? Yung hindi ka nasasaktan?
"Actually ayus naman si Nathan pero walang puso yun. Kaya yang saktan yung babae eh. Sana di nya gawin sayu yun."
"Sana nga."
"Yari talaga sa akin yun!"
Napangiti ako kahit may gusto sya kay Kevin. Kahit lagi yang sinasabi na susuko na sya pero hindi nya parin inagawa. Lakas ng karisma ni Kevin nakuha agad si Margareth. Tapos itong lalaki na ito pakipot halata naman may gusto sya tapos kunwari wala. Haayysss ang mga lalaki na naman.
"Hindi dapat ako susuko no?" Margareth
"Ako din." Ngiti kong sambit.
"Game!"
"Game!" Ako
Hindi na naman namalayan ang oras 12 na pala ng gabi nandito parin kami sa park. Siguro hindi na ako hahanapin nung lalaki na yun. Masaya na syang kasama yung babae na yun. Hindi naman kami umiinom pero lasing na ata kami. Hindi ko na din alam sinasabi ko sa babae na to. Basta ang alam ko umiyak sumigaw na gusto ko na sya. Pero itong babae na to puro tawa ang gawa. Hangang sa....
"Anong oras ka uuwi?" Ani ng isang boses na lalaki.
Lumigon ako sa likod nakita ko ang mga matang seryuso. Ngumuso ako dahil may narinig pa akong isa.
"Andito lang pala kayo!" Sigaw nung isa. Lumigon ako sa kabila. Kevin ata to. Agad syang lumapit kay Margareth sabay binuhat ito. Ay pak.. Binuhat pano ako?
"Hayss Margareth!" Kevin
Pero tumawa lang si Margareth. Pero ako nakasimangot parin. Tumayo ako kaya ko pa naman pero pak muntik nang matumba pero nabalance ko ito agad. Titigan lang ba sya ako?
"Alam mo nakakainis yang mga mata na yan! Lagi na lang ganyan!" Sigaw ko sa kanya. Pero no response ahh okey!
"Hindi ka naman gwapo? Pero kunti lang." At ngumiti ako ng parang ewan.
"Dami dami mong babae sabagay gwapo ka!" Hindi ko na alam sinasabi ko.
"Tara na." Boses nya.
"Yuko nga! Ang saya kaya dito!" Kahit hindi naman talaga. Lumapit sya hinawakan nya ang braso ako pero."No.. masakit na yan. Lagi na lang hinihilan nung Pesteng Nathan na yun!" Tumigil ito sa harap ko.
"Ang gwapo mo pala kapag malapitan no ang bango pa." Hays lasing na nga ako.
"Uwi na tayo."
"Noo... Ayaw ko sa bahay nung Nathan na yung maid daw ako." Totoo naman eh. Nakakainis sya.
Hinawakan nya braso ko pero what the?! Binuhat nya ako as in parang bagong kasal. Magaan pala ako sana hindi ka matumba. Sabay black ng lahat. Bahala na ang bukas mag problema. Nathan?
_______________________________________