Teaser
Binuksan ni Thera ang pinto ng kotse saka umibis nang huminto iyon sa tapat ng bahay ni Tiyo Jaime. Minana ni Joshua ang bahay na iyon simula ng mamatay ang huli.
Kasama ni Thera sa biyaheng iyon ang E.S na si Yumi. Nakita niyang napalingon sa gawi nila ang dalawang may edad na babae na parehong nakaupo sa gilid ng daan.
Gusto niyang itirik ang bilugan niyang mga mata. Wala pang alas nueve ng umaga sa suot niyang wristwatch, masyado pang maaga para sa tsismisan.
"Dito ka na lang." baling niya kay Yumi na akmang susunod ito sa kanya.
Sa gitna ng daan, sinalubong siya ni Manang Mamen - ang isa sa dalawang tsismosang nakatambay. Hawak nito sa kamay ang isang patpating dalagita na tantiya ni Thera ay nasa katorse ang edad.
"Ang tagal mong hindi nakabisita, Thera. Si Joshua ba ang sadya mo? Mag uumaga na nang umuwi 'yon kagabi, lasing. Nag away sila nong ka-live in niya."
Thera rolled her eyes. Kapag talaga sa tsismis hindi ito nahuhuli.. Pero alam ni Thera na hindi lang ang impormasyon tungkol kay Joshua ang dahilan ng matamis nitong mga ngiti.
Few years ago, nagpatulong ito sa kanya na mabigyan ng trabaho ang bunsong anak nitong babae. Siya naman itong gaga, binack-up-an niya. Ipinasok niya ito bilang reservation officer sa The Palace Hotel.
Ilang buwan lang ang nakaraan, nasuspende ito. Nanibago ang hitad sa lasa ng beer sa Maynila, gabi gabing p-um-arty kasama ang mga barkada kaya halos araw araw din pumapasok ng late. Worse, pumasok pa ng lasing.
Nang ma-dismiss ng tuluyan sa trabaho, isinisi pa ng mga walang utang na loob sa kanya. Pinag initan niya lang daw kaya ipinatanggal niya.
"Apo ko nga pala, si Kaycee. Baka may trabaho kang puwedeng ibigay sa kanya. Kahit maid. Marunong siya sa gawaing bahay, pagluluto at paglalaba. Maaasahan din siya sa paglilinis ng bahay at pamamalengke. All around. "
Tinapunan ni Thera ng maiksing tingin ang dalagitang nakamata sa kanya saka muling itinuon ang mata sa may edad na babae.
"Kailan pa namatay ang mga magulang nito?"
Tumawa si Manang Mamen, iwinasiwas ang kamay sa ere.. "Kuuh, ikaw talaga, Thera, palabiro.. Buhay pa pareho sina Kuya Leo mo at ang asawa niya.."
"Gano'n naman pala eh. Bakit itong malnourish nilang anak ang pagtatrabahuhin? Kung humihinga pa sila pareho, magbanat sila ng buto. Unahin nilang palakihin, pag aralin at patabain 'tong anak nila bago nila itapon sa ibang bahay para magtrabaho." ang sabi niya, nanunuya ang tono.
Umawang ang bibig ni Manang Mamen. Nawalan ito ng sasabihin. Tinapunan ni Thera ng tingin ang dalagitang nagyuko ng ulo bago siya tuluyang tumalikod.
Lumakad siya papunta sa bahay ng orihinal na sadya. Pinindot niya ang buzzer sa gate ng bahay ng pinsan. Inulit niya nang inulit hanggang hindi niya nakikitang iniluluwa ng pinto si Joshua.
Sa wakas lumabas ng bahay ang hubad baro pang lalaki. Nabigla ito nang makita siya. Mukhang nag hesitate pa na pagbuksan siya ng gate.
"A-ang tagal mong hindi napadpad dito sa atin ah, kumusta ka na?"
Maaskad siyang ngumisi. "Buhay pa, disappointed ka?"
"Pinsan naman.."
Hindi ito pinansin ni Thera. Nalaman niya noong nakaraang taon lang, isinangla nito ang townhouse na binili niya para kay Tiyo Jaime. Nang mailit ng bangko, bumalik ang tinamaan ng magaling sa Baguio. Wala ng perang malustay kaya kung ano anong ilegal na trabaho ang pinapasukan.
"Alam mo na siguro kung bakit ako nandito.. Pagtrabahuhan mo ang utang mo sa 'kin, Joshua kung hindi'y ipapagiba ko itong bahay mo. Matutulog ka sa kalsada kasama ang buong pamilya mo."
Nagbuka ng bibig si Joshua. May balak pang umapela.
"Naalala ko dalawang araw bago ang pasko natiis mong patulugin ako sa convenience store para sa mga barkada at babae mo noon. Sa tingin mo ba hindi ko magagawa 'yon sa inyo?"
"Hindi ba ako puwedeng humingi ng palugit? Naggagatas pa ang anak ko.. Wala namang trabaho ang Misis ko.."
Tumuwid si Thera sa pagkakatayo. Siniguro niyang magmumukha at magtutunog mean siya bago ito sinagot.
"Hindi ko problema kung mamatay kayong lahat sa gutom. Magbayad ka ng utang mo."
Tinalikuran niya na ito. Pagod na siya mga pangakong hindi naman nito natutupad. Ilang beses niya itong binigyan ng puhunan noon, paulit ulit, nauuwi lang lagi sa pagkalugi.
Paglampas na paglampas niya kay Manang Mamen narinig niya ang sinabi nito sa dalagitang apo.
"Ikaw Kaycee, kung yayaman ka pagdating ng panahon huwag kang gagaya sa babaeng 'yon. Ang taas ng tingin sa sarili. Hindi marunong lumingon sa pinanggalingan. Wala namang ibang alam gawin kung 'di lustayin ang pera ng asawa niyang mayaman!"
Thera gritted her teeth. Huminto siya sa paghakbang, hinarap niya si Manang Mamen na natigilan. And then her cold gaze transferred from Manang Mamen to the girl beside her.
She bent a little para magpantay ang mukha nila nito.
"Hija, pagtanda mo utang na loob, huwag kang tutulad dyan sa Lola mo. Alam mo ba kung ano'ng nakita kong ginagawa niyan simula pa ng maliit ako? Inaabutan niya ng pera ang Tatay mong batugan para may pangsugal at pang bisyo."
Namula si Manang Mamen.
"Wala kang alam sa paghihirap ko sa mga anak ko dahil hindi mo pa nararanasang maging Nanay kagaya ko! Yawa ka talaga! Demonyo!"
Thera froze right where she was. Ikinuyom niya ang mga kamao niya. Bago pa siya nakabuwelta, napigilan ni Yumi ang braso niya.
"Thera.."
Pumiksi siya sa hawak ng sekretarya. Matalim ang tingin niya kay Manang Mamen na sa takot, mabilis na tumalikod papasok sa gate ng bahay nito.
It took Thera few minutes bago niya na-realize na nanginginig ang mga kamay niya. Pinagsalikop niya ang mga iyon, mahigpit.
Sunod sunod ang ginawa niyang paghigit at pagbuga ng hininga. Malamig na ng husto sa Baguio pero kumukulo ang dugo niya.
People only see her as a scheming gold digging evil b***h. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sa mga ito.
Sa nakalipas na dalawang masasakit na taon, natutunan ni Thera minsan kailangan pala niyang itaboy ang mga taong hindi grateful sa pagiging selfless niya. Perhaps she's over doing it, pero wala na siyang pakialam.
Pakiramdam niya punong puno na ng disappointment at galit ang puso niya. Wala ng puwang para sa awa at wala ng oras para umasang may mababago kung magpapakabait ulit siya.
Ipinikit ni Thera nang mariin ang mga mata. Nang magdilat siya, nakita niyang nakatingin sa kanya ang apo ni Manang Mamen mula sa labas.. Malungkot ang mga mata.
"Gusto mo bang dumaan tayo sa Sean and Tan's?" Tanong ni Yumi nang umaandar na ang sasakyan.
Tumango siya. Itinuon ni Thera ang tingin sa labas ng sasakyan buong durasyon ng biyahe. Ni hindi niya napansin na huminto na uli ang sasakyan sa harap ng Teacaf.
"Cappuccino?" tanong ni Yumi.
Kumurap si Thera. "Ako na ang bibili."
Itinulak ni Thera pabukas ang pinto ng Teacaf. Dumeretso ang tingin niya sa nakasarang pinto sa dulong bahagi ng coffeeshop. Nakapagtatakang hindi iyon nakapadlock. Marahil, inuukopa na ni Miguel ang dating opisina ni Sean.
Thera walked towards the bar counter. Kasunod ang mga mata ng curious na mga customers.
"Good afternoon, Ma'am Thera." bati ng bartender na nakapuwesto sa cash register.
"Cappucino. Dalawa," aniya kasabay ng pag abot ng isang libong piso dito.
"Your meal is on us, Maam Thera. Paid na po ng owner," ngiti nito.
Tumigas ang anyo niya. Umaalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi ni Manang Mamen kanina.
"Owner?" gagad - putol niya. Numinipis ang mga labi. "Sino sa dalawang may ari?"
Nabitin sa ere ang kamay ng bartender na pumipindot sa screen ng computer sa harap nito.
"May pangbayad ako," Padabog niyang inilapag sa ibabaw ng counter ang isang libong piso. Naguluhan ang bartender, tumitig sa pera bago inilipat ang mga mata sa naniningkit na mga mata niya.
"M-Maam?"
"Ayaw mong tanggapin? Pera ko 'yan, okay?! Pera ko! Pinaghirapan ko! Hindi galing sa bulsa ng isa sa may ari ng Coffee shop na ito!"
Naglingunan ang mga customers, naagaw niya na ng tuluyan ang pansin.
"W-wala po akong.. H-hindi po iyon ang ibig kong sabihin.."
"Shut. Up." she hissed, clenching her teeth. Mariin niyang pinaglapat ang mga labi. Nagtitimpi siyang abutin ang babae at sampalin. "I'm already so pissed right now, Miss. Tatanggapin mo 'tong pera ko o ipapakain ko 'to sa 'yo?"
Lumabas si Miguel mula sa kitchen nang marinig ang komusyon. Nagulat pa ito ng makita siya doon. Lumingon sa likuran nito bago nagsalita, sa pinakakalmadong tonong kaya nito ..
"Thera, mag usap tayo sa opisina--."
Itinuon niya ang tingin sa lalaki. Hindi nabawasan kaunti man ang galit na nakaguhit sa mga mata niya.
"It would be great if you fire this stupid employee of yours, Miguel! Nasa tuhod ang common sense nito! Forget the fu--ing coffee! I'm not buying!"
Mabilis siyang tumalikod, nakalimutan na ang isang libong pisong iniwan sa counter. Nagngingitngit sa galit, nagtuloy-tuloy siya palabas ng pinto. Kung lumingon lang si Thera, makikita sana niya ang paglitaw ni Sean mula sa kitchen.. hinahatid siya ng tingin.
♥
AVAILABLE NA PO AT ON HAND NA ANG MARRIED AT SEVENTEEN. ORDER NOW AT PHP 685 + SF!
Shopee account : iamlatigresaofficial