Chapter 8 Halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa mga sinabi ni Austin. Ibig bang sabihin nito ay....okay na kami? Narealize niya na ba na kami talaga para sa isat-isa? Bakit niya ba yun nasabi?!!!!!! Di ako mapakali kakaisip nun. Nagising ako ng maaga o sabihin nalang nating hindi ako nakatulog kaya naman pumunta agad ako sa kusina para ipaghanda si Austin ng agahan. Kagabi kasi pagkatapos niyang sabihin yun ay natulala ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. 'For real? Me + Him = Forever na ba to?' Di ko alam kaya naman tinitigan ko lang siya hanggang sa tahimik siyang umakyat sa kwarto niya. Di na siya tumambay sa veranda at pagod na pagod na umakyat sa kwarto niya. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. 'Ano na naman ba ang ginawa mo sakin Austin?' Di ko mapigilang kiligin sa

