Chapter 7
"Aalis na ko." paalam ni Austin sakin habang naglalakad palapit sa pinto. Dali dali naman akong tumakbo palabas sa kusina para habulin siya.
"Ahhhhhhhhyyyyyyyyy......" sigaw ko nang madulas ako. Natapakan ko kasi yung rug namin at nadulas ako at sa sobrang katangahan ay sa harap pa talaga ako ni Austin nadulas. Nakakahiya na nga, nakakatanga pa.
"Ano ba?! Bobo ka ba talaga?! Ang tanga tanga! Halika nga!" inis na sabi nya at inabot ang kamay niya. Napangiti naman ako inabot ang kamay niya. Marahas niya naman akong hinila nung nagdigkit ang kamay namin. Napatingin ako sa kanya pero napayuko rin ulit dahil naiinis naman siyang tumingin sa akin.
"Mag ingat ka kasi!" sabi nya pa. "Ano bang tinatakbo mo? Kung makatakbo ka parang nakita mo ang sarili mo sa salamin. Takot na takot!" nag pout lang ako bilang sagot at dahan dahang lumapit sa kanya. Inangat ko ang tingin ko at napatingin sa kanya.
Ito ang ikalawang araw na wala na akong nararamdaman na masasakit mula sa lalaking to dahil hindi na siya nagdadala ng babae sa pamamahay namin. Kahit marahas at masakit sya magsalita, okay lang. Natatanggap ko naman yun kahit papano. Basta lang......Basta lang wag siyang mawala sa akin.
Hinawakan ko may bandang kwelyo niya at inayos ang necktie niya. Ramdam ko ang titig niya sa akin kaya hindi ko man lang makuhang tumingin pabalik sa kanya. Okay lang Austin...Okay lang kung itulak mo ako basta hayaan mo lang akong gawin to. Dati ko na kasi tong ginagawa sa kanya at ang lagi ko lang natatanggap ay isang malakas na pagtulak at sampal. Pero......iba na ngayon. Tapos na akong ayosin ang necktie niya at pinagpagan ang tela kalapit sa damit niya kahit wala namang dumi. Gusto ko lang ayusin to dahil kanina ay minadali dali ko 'tong plansyahin. Maaga talaga akong nagising para maasikaso lang siya. Kahit na mag mukhang losyang ako sa harap niya okay lang basta naasikaso ko siya...Bilang asawa niya.
Tiningnan ko siya pero agad ulit napayuko dahil kita ko na naman ang salubong na kilay niya. 'Bakit?' Naramdaman kong umiling siya kaya naman ay napatingin ako sa kanya.
"Lumapit ka lang ba para ayusin ang necktie ko?" malumanay na tanong niya. Medjo nagulat ako sa kanya. 'Bakit ang kalmado ng boses niya?'
Ito yata ang kaunaunahang pagkakataon na malumanay lang ang boses niya na kami lang dalawa ang magkaharap. Kadalasan kasi ganito lang ang tono ng boses niya pagkaharap namin ang pamilya ko o pamilya niya pero matagal na yun. Non pang nakaraang taon yun nang marinig ko siyang mag salita sa ganung tono.
Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Parang hinihigop niya ang mata ko. Sobrang saya ko ngayon. Sobra sobra! Sa simpleng titig niya parang lulukso ang puso ko.
"T-teka l-lang ha?" hindi ko na siya hinintay na sumagot at tumakbo sa kusina para kunin yung hinahanda kung baon niya para mamaya. Di naman sa ayoko siyang kumain sa restaurant o ano pa dyan, gusto ko lang talagang mag baon siya. Dati ko na to ginagawa pero iniiwan niya lang sa lamesa. 'Sana ngayon hindi niya tanggihan.' malungkot na sabi ko sa aking isipan.
THINK POSITIVE MADDISON! WAG KANG AAYAW d^___^vb
'Tanggapin niya man o hindi, okay lang.' ngiti kong suporta sa sarili ko. Kasi tanggapin niya man o hindi.....Hindi parin magbabago ang nararamdaman ko sa kanya.
"MADDISON!!!!!" galit na sigaw ni Austin sa akin kaya naman tumakbo palabas.
"E-eto na...eto na.." sabi ko pa at lumapit sa kanya at inabot ang baon niya.
"Austin...s-sana kainin m-mo to. B-baon ko pa-para sa-say-o." nauutal na sabi ko habang nakayuko. Medjo inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya. Nakakunot ang nuo nya habang nakatingin sa lunchbox na inaabot ko sa kanya.
"Padadalhin mo ako ng baduy na lunch box? Nauulol ka na ba?" inis na tanong niya.
"H-ha? Masarap naman a-ang l-laman nito Austin. P-paborito mo to. H-hinanda ko to habang kumakain ka ng a-almusal kanina." nakayukong sabi ko. Matagal ko pang hawak to pero tinanggap niya naman.
Napaangat ako ng tingin at ngumiti sa kanya.
"Wag kang ngumiti ng ganyan." sabi niya pa pero di ko talaga maiwasan ang hindi mapangiti. Nakita ko siyang napailing at tiningnan ang relo niya.
"S-sge na.. late ka n-na." sabi ko pa pero sa kaloob looban ko. Di ko siya gustong umalis. Y_YTT_TT
"Mamaya na." sabi niya kaya naman nagulat ako at tiningnan siya. "Ayusin mo muna to." sabi niya pa ipinaayos yung office suit nya. Napangiti ako at inayos yun. Ramdam ko ang titig niya sa akin at palihim naman akong kinikilig.
"Bakit pag nasa bahay tayo panay suot mo ng kulay gray?" tanong niya.
"H-ha?" tanong ko pa kahit narinig ko naman.
"Napansin ko lang kasi." inis na sabi niya. Kung ganun ay napapansin niya rin pala ako kahit papano.
"A--aahh. O-oo. Favorite color k-ko." nauutal na sagot ko.
"Ahhh." walang gana nyang sagot.
Kinuha niya sa bulsa niya ang cellphone niya ng bigla itong nag ingay. Tiningnan niya naman kung sino yung tumatawag at bahagya akong tinulak at tumalikod. Nagmadali naman siyang sumakay sa kotse niya. 'Tinatawagan na yata nila ang asawa ko.' Yiiiiiieeeee.
Di ko mapigilang mapangiti.
Mabilis lang ang oras at heto na naman ako at nagluluto ng ulam namin ngayon habang iniisip si Austin. Lahat ng parte ng pagkatao niya ay napapasaya ako. Sa simpleng pagkainis niya kinikilig ako, sa galit niya napapakilig ako at lalong lalo na sa pa simple niyang pag aalala sa akin. Di ko alam kung assuming lang talaga ako o ano pero pakiramdam ko nag aalala siya sakin kahit 'konti'. Parang sasabog yung puso ko ng tinanong niya ako kung ba't panay suot ko ng kulay gray dito sa bahay. Kung ganun.......napapansin niya pala ako.
Bakit ba ganito? Simpleng bagay lang----napapakilig niya na ako. Simpleng galaw lang -- kinikilig ako. Ano pa kaya pag may ginawa siyang galaw na sadyang pagpapakilig sa akin---malamang ikababaliw ko yun. Kakalimutan ko lahat nang pananakit niya sakin dahil alam ko magiging maganda ang resulta nang paghihintay ko.
Pakiramdam ko ay namula na naman ulit ang pisngi ko kaya naman napahawak ulit ako sa pisngi ko at tiningnan ang niluloto ko. Yiiiiiiieeeeeee. Bakit hindi ko mapigilang ngumiti at kiligin?
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.." kinikilig na sigaw ko pa.
*"I’ll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control"*
Dati parang ang baduy na baduy ako na marinig ko ang kanta na to pero ngayon?! Parang buong puso ko pang kinakanta at tanging si Austin lang nasa isip ko habang kinakanta ko ito.
*"So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you’ve had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
Oh all I wanna do is grow old with you"*
Kahit mapagod ako kahihintay sayo at kakaalaga sayo Austin. Mananatili parin ako sa tabi mo kahit anong mangyari. Hindi ako magsasawang gawin lahat bilang asawa mo. Dahil gusto ko.....gusto kong ikaw na ang makasama ko hanggang sa pagtanda ko.
*"I’ll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you’ve had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you"*
Namimiss ko siya araw araw. Dalawang taon na ang nakalipas mula nung una at huli ko siyang nahalikan pero para sa akin ay parang kahapon lang nangyari yun. Ang mga yakap niya. Sabihin narin natin kahit yung pag sampal, pagsipa, pagsabunot at kung ano ano pa ay na mimiss ko sa kanya. Lahat!
Gusto ko siyang umuwi na at pagsilbihan at alagaan. Gusto ko siyang yakapin sa gabi habang nakatambay sa veranda at malayo ang tingin. Gusto ko siyang pagbawalan kumain ng shirmp kasi bawal sa kanya, gusto kong ayusin ang necktie niya at damit niya. Gustong gusto kong gawin lahat ng naiisip ko, hindi dahil asawa niya ako kundi dahil mahal ko siya at kahit anong pigil ko hindi ko na talaga kayang pigilan pa.
Kung ibang babae lang ako siguro ay hindi ako kikiligin sa nangyari sa min ni Austin kanina kasi kung tutuosin ay wala naman talagang nakakakilig nun pero dahil ako to, Maddison Fuentabella-Ford, ay mababaliw sa simpleng bagay na yun. Napakahalaga sa akin ang mga kilos na pinapakita ni Austin sa akin. Bawat hinga niya parang may dalang mensahe sa akin. Ayoko maging assuming pero heto ako ngayon...nag a-assume.
Gusto ko rin naman ang ginagawa ko dahil sa paraan na to ay mas minamahal ko lang siya at dun ako masaya.
MAG-AALAS OTSO na pero di parin dumadating si Austin. Nagsimula na akong kabahan! Pag ganito kasing oras ay nasa bahay na siya. Gutom na gutom akong napatingin sa hinanda kong pagkain. Malamang malamig nato. Nanlumo ako sa kinauupo-an ko. Pakiramdam ko ay bumalik na naman lahat ng masasakit na naramdaman ko mula nung kinasal kami.
'Di kaya nambabae sya?'
O___O
Napailing ako. Kung mambabae naman sya ay sigurado naman akong e-uuwi niya dito sa bahay ang babae niya at harap-harapan niya yung ginagawa sa mismong tahanan namin. Pero kahit ganun, okay lang sa akin. Parang nasanay na rin ako sa ginagawa niya. Sa ganun paraan mas nalalaman ko ang ginagawa niya. Di naman sa tanga ako....gusto ko lang to. Mas gusto ko yung harap harapan kesa patalikod niya akong niloloko.
Mahal ko siya at hindi mababago ng ginagawa niya ang nararamdaman ko.
Pero baka iba ang nangyari sa kanya?
O___O
'Baka nasagasaan?' *iling-iling* Hindi! Hindi ako makakapayag. Kahit halos gusto niya ng mamatay ako. AYOKO paring mawala siya sa buhay ko. Hindi!
'Baka busy lang sa trabaho?' napayuko nalang ako sa naisip ko. Puro nalang siya trabaho. Nasa trabaho lang nakagugol ang atensyon niya at kahit kailan ay hindi man lang tumingin sa iba. Tumingin sa mga taong naghihintay sa kanya.
"Anong tinatanga mo dyan?" napaangat ako ng tingin ng makita ko si Austin na nakatayo sa harap ko. Magulo ang buhok, hindi nakaayos ang necktie niya at halatang pagod na pagod. Nag aalala naman akong lumapit sa kanya at tiningnan siya mula paa hanggang ulo at napahinto ako sa mata niya na halatang inaantok.
"P-pagod na p-pagod ka." usal ko at hinawakan ang mukha niya. Halata namang nagulat siya dahil sa reaksyon ng mata niya pero agad ring napalitan ng blangko at umiwas ng tingin pero di niya naman inalis ang kamay ko sa pisngi niya.
"Aust-tin." tawag ko sa kanya at napatingin siya sa akin at walang emosyon ang mata niya.
"Kain ka m-muna bago ka m-matulog." sabi ko at mahina siyang hinila sa braso at kinuha ko yung dala niya at nilagay sa lamesa.
"Pin-naghanda ko to p-para s-sayo eh.. Ka-kaya lang parang m-malamig na. Iinitin ko nalang." napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko.
O__O
Nasa balikat ko ang noo niya at hinahawakan niya ang isang kamay ko gamit ang dalawang kamay niya at nakatingin sa sahig.
"A-austin." naiilang na tawag ko sa kanya. Ramdam kong pagod siya pero.....pero...nangibabaw ang lungkot sa mukha niya.
"Mabuti ka pa at may pakialam." bulong niya pero sapat na yun para marinig ko.
"Wag mo ng initin. Kumain nalang tayo." walang emosyong sabi niya at binitawan ako at umupo ng maayos kaya naman umupo na rin ako. Pero bago ako sumubo at napasulyap naman ako sa kanya at tumayo at nag timpla ng kape.
"Inumin mo na rin t-to Austin." sabi ko pa at nakita ko siyang ngumiti habang nilalapag ko sa lamesa ang kape niya. Ngumiti lang ako bilang sagot pero ang totoo ay gusto ko ng sumigaw at magtatatalon sa sobrang kilig. Sa mga oras na to ay hindi ko muna paiiralin ang kalandian ko at tahimik na sinabayan siyang kumain.
Seryoso lang naman siyang kumakain habang nakatitig sa pagkain niya. Nang matapos akong kumain ay nilagay ko na sa lababo yung plato ko at kumuha ng tubig sa ref. Nilagyan ko yung baso ko at nilagyan ko rin yung sa kanya. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin kaya naman yumuko lang ako.
"Wala ba tayong juice sa ref at nag tutubig ka lang?" seryosong tanong niya. "Sa pagkakaalala ko ay bumili ako ng juice nung nag grocery tayo. May softdrinks rin tayo dyan." sabi nya pa at talagang sigurado siya sa tono ng boses niya.
"Gusto mo ba ng juice?" tanong ko pero tiningnan niya lang ako.
"K-kasi Austin na-napansin ko lang na sunod-sunod na ang inum mo ng juice at softdrinks...Ahmm.. Baka makasama na yan sayo. Gusto k-ko lang s-sana mag tu-tubig ka na m-muna.......kung okay la-lang." nahihiyang sabi ko. Napapansin ko kasing lagi nalang softdrinks at juice ang iniinum niya. Makakasama yun sa kanya at ayokong maagang mabaliw pag nangyari yun. Inaalagaan ko si Austin ng higit pa sa pag alaga ko sa buhay ko at ayaw kong kahit lagnat ay dumapo sa kanya.
"Dami mong alam." bulong niya pa pero narinig ko naman. Umupo lang ako sa harap niya at hinintay siyang matapos. Tinitigan ko siya at hindi ko maiwasang tumili sa isipan ko. Napakaswerte kong naging asawa ko ang taong to. Gusto ko siyang subuan. Gusto kong ako lahat ang gumawa sa lahat ng ginagawa niya dahil ayokong magalit siya.
"Salamat." sabi niya at tumingin sakin. Nagtama ang mata namin at nanatiling walang emosyon siyang nakatingin sakin. Matagal kaming nasa ganun posisyon bago ulit siya nag salita.
"Thank you and....." kitang kita ko ang seryoso niyang mukha at ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa boses niya. Yumuko siya at nag salita ulit. "I'm sorry." malungkot na sabi niya.