Chapter 6

4075 Words
Chapter 6 Few days later ..... Nag mumukha na akong zombie sa bahay na to. Lagi akong wala sa mood at laging tulala. Ilang araw kung iniisip ang boses na yun. Ang boses ng babae. Ang boses ni Allyson. Ang boses ng dati kung matalik na kaibigan. Ang dating fiancee ni Austin. Ang babaeng hinihiling kong mawala sa puso ng asawa ko. Mula ng araw na narinig ko ang boses niya ay halos hindi na ako mapakali. Ito ang ika apat na araw mula nung nalaman kung nakauwi na siya. ** FLASHBACK ** "Helo?" ako.       "H-helo? Austin..." natigilan ako. Boses babae. "This is Maddison." matagal bago ko siya nasagot. Kinakabahan ako pero hindi ko pinahalata. "Ah-hhh." parang kinakabahan niya namang sagot. "Hi Madd. Tumawag lang sana ako para kamustahin si A-Austin." dugtong niya pero hindi naman ako makasagot sa kanya. Di ko alam ang sasabihin niya. 'Tumawag siya para makipagbalikan kay Austin?  Para magkabalikan sila?! Mahihimatay na yata ako.' Sobrang bilis ng t***k nang puso ko ngayon. Natatakot ako sa aking naiisip. Gusto kong siyang sigawan at e baba ang telepono para di na marinig ang boses nang babaeng to. Natatakot ako. Kinakabahan ako. Pero ganun paman, gusto kong marinig kung ano man ang sasabihin niya. Alam niyo ba yung pakiramdam na sa dalawang taon na di ko narinig ang boses ng babaeng to tapos all of sudden tatawag siya para kamustahin si Austin?! Ano to? Lokohan lang? Kinakabahan ako kasi alam ko hanggang ngayon...Si Austin parin ang mahal nya...at 'siya' parin ang mahal ni Austin. Natatakot ako dahil sa dalawang taon na yun, wala akong nagawa para mahalin rin ako ni Austin. Sa dalawang taon na yun.....di niya parin ako natutunang mahalin. "A-ahmm.. Sige Mad..Tatawag nalang ako sa susunod. Gusto ko lang sanang sabihin na nakauwi na ako sa Pilipinas." hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero pakiramdam ko ay nakangiti siya habang sinasabi ang linyang yun. Ano bang gusto niyang palabasin?! Na mas lamang siya dahil siya ang mahal nang asawa ko?? Kilala ko si Allyson. Sa matagal na panahon namin bilang magkaibigan ay nakita ko lahat ng good side niya. EXCEPT SA BAD SIDE niya. Kilala ko siya bilang mabait, mapagmahal at matalino. Pero ngayon?! Hindi ko na alam kung anong parte nang pagkatao niya ang nagbago. "S-sge----" di ko na natapos ang sasabihin ko ng binabaan niya na ako nang telepono. ** END OF FLASHBACK ** Mula ng gabing yun, hindi ko alam kung nagkausap na ba sI Austin at si Allyson. Malamang OO kasi yun naman talaga ang pakay ni Allyson sa kanya. Ang masabing nakauwi na siya. Nanlumo ako sa kinauupo-an ko. Di ko namalayan na nakapasok na pala si Austin at nagulat ako nang makita ko siyang nakatitig sakin sa may pintuan. "Bingi ka ba?" inis na tanong nya. "Kanina pa ko kakabusina sa labas para buksan mo yung gate pero di mo man lang narinig?! Bilib rin talaga ako sa kabingihan at katamaran mo noh? Bingi ka ba o bobo lang talaga?" galit na sigaw niya. "Akala ko ba matalino ka? Ang bingi mo na, bobo ka pa, TANGA KA PA!!!!!" malakas na sigaw niya at kulang nalang ay lumabas ang eyeballs niya. Napayuko ako. Di siya si Austin kung hindi niya ako sisigawan ngayon. Gusto kong umiyak sa mga pinagsasabi niya at sumbatan siya sa mga sakit na nararamdaman ko nang dahil sa kanya pero sino ba naman ako sa kanya para pakinggan niya? Kahit nga sigurong konting salita o kembot ko lang nagagalit na siya. Ano pa kaya kung isumbat ko na sa kanya?  Sa katunayan ay wala naman akong masusumbat sa kanya kasi nga Hindi ko naman siya pinilit na ganitohin ako, at hindi niya rin ako gaganitohin kung sa simula palang umiwas na akong mahalin siya. Mahalin siya -------- yan ang natatanging kasalanan ko. Sumagot man ako o hindi nagiging bingi parin siya pag ako na ang pinag uusapan. "Oh ano?! Naging pipi ka na rin? Wag ka ngang umastang nakakaawa Maddison! Nagmumukha kang bobo! Di ka nakakaawa dahil sa mukha mo palang nasusuka at nagagalit na ako!!!" inis na sigaw niya. Di parin ako sumagot at piniling tumahimik nalang. "Anong bang gusto mo Maddison? Ganito lang?! Magsasalita ako, maiinis, magagalit pero para sayo, --------- WALA LANG?!!!!!" halos lumuwa na ang mata nya sa galit nya. 'Bakit ba siya nagkakaganyan? Di ko lang naman nabuksan ang gate pero kung magalit siya akala niya e nakapatay na ako ng tao.' "NAKAKABOBO KA!!!!!!" sigaw niya ulit. Napatingin ulit ako sa kanya pero galit parin siya. Nakita kong madiin niyang pinikit ang mata niya at hinilot ang sintido nya. 'Austin. Bakit ka ba nagkakaganyan? Lagi nalang mainit ang ulo mo sakin.' Gusto ko yang sabihin pero hindi ko masabi sa kanya. Natatakot akong gumawa ng kahit anong hakbang na ikagagalit niya pa ng husto. Di pa nawawala ang sakit ng sampal niya sakin kaninang umaga dahil di ako nakapagluto ng ula---------- O_______________O NAKALIMUTAN KO NA NAMANG MAGLUTO!!!!!! Patay ka na talaga Maddison! Ang tanga-tanga ko talaga. Naiinis akong napayuko at nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. "Alam mo---" di niya natuloy ang sasabihin niya at inis na kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya at nakakunot ang noong sinagot niya ito sa harap ko. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at ramdam kung huminahon siya bigla at saka tumalikot at umakyat sa hagdan. "Oh! Ikaw p-pala. Ano sadya mo?" yun lang narinig kung boses ni Austin hanggang makarating siya sa silid niya sa taas. 'Sino yun?' Napailing nalang ako at tumakbo papunta sa kusina at nagluto ng kanin. Nagluto na rin ako ng ulam para sabay lang maluto ito at nang makakain na rin kami ng TAHIMIK..sana. After 20minutes luto na ang mga pagkain at ilang minuto naman ay bumaba na si Austin at umupo sa harap ko. Inasikaso ko parin siya kahit galit pa siya. Nakakunot ang noo niya at hinihintay na matapos akong ihanda ang kakainin namin. Nagsimula na kaming kumain. Sobrang tahimik, napaka awkward ng sitwasyon namin ngayon. Parang hindi ako sanay na sabay kaming kumakain. Tiningnan ko siya pero nakakunot parin ang noo niya habang kumakain. Alam kong malalim ang iniisip niya sa mga oras na to. 'Siguro ay galit parin siya.' Malapit na siyang matapos ng magsalita ako. "A-austin..S-sorry." nakayukong sabi ko at nagulat ako ng malakas na pagbagsak niya ng kotsara niya sa plato at umalingawngaw ang ingay ng platong yun. Akala ko ay mababasag ito. 'Galit na naman ba siya? Nag sorry lang naman ako ah.. Ano na naman bang ginawa ko na ikagagalit niya?' Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin na parang nagtataka. "Okay." seryosong sagot niya saka tumayo. Tumalikod siya sakin habang nasa bulsa niya yung isang kamay niya. Di ko alam kung anong sasabihin ko. 'Okay???? Okay lang ang sagot nya????' Bigla naman siyang huminto nung malapit na siya sa may pintuan papunta sa sala at nagsalita. "Aalis tayo bukas." sabi niya pa ng nakatalikod. "Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko. "Mag go-grocery." walang ganang sagot niya. Di ako nakasagot dahil lumabas na siya pagkatapos nyang sabihin yun.  Mag go-grocery????? Bukas??? Kelan pa siya naging concern sa stock namin dito sa bahay at kelan niya lang natutunang SABAYAN AKO?!!!! Halos ayaw niya nga akong makasama at parang ayaw niya rin langhapin ang hangin na hinihinga ko kaya bakit ngayon gusto niya akong makasama? MAKASAMA? Gusto kong mahimatay sa saya na narararamdama ko.  GUSTO NIYA AKONG MAKASAMA!!!!!!! Hoooooo!  Parang sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Napatingin ako sa pinto na nilabasan ni Austin at nagulat ako ng nakita siyang nagtatakang nakatingin sa kin. "Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong niya. "H-ha? W-wala.." napapahiyang sabi ko. Napailing naman siya atsaka lumapit sa lamesa para kumuha ng tubig at ininum ito. Kitang kita ko ang adams apple niya habang umiinum ng tubig. 'Bakit ang hot niyang tingnan sa simpleng pag inum lang ng tubig na yun?' napalunok ako bago dahan-dahan binaba ang tingin ko sa may abs niya. *LUNOK* Sobrang init. Parang nanuyo ang lalamunan ko sa nakikita ko ngayon. NAGULAT ako ng malakas na paglagay ni Austin ng baso sa harapan niya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong blangko lang siya na nakatingin sakin. "Bilisan mo ng kumain dyan! Kung anu-anong kalandian yang inaatupag mo!!!!!" sigaw niya bago umalis. Napangiti ako. Ano pa bang aasahan ko sa mainitin na ulo na si Austin? Umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain at mag hugas. Lagi naman ganito. Matutulog na ako ng maaga para bukas. Sinilip ko sa veranda si Austin dahil nakita ko siyang lumabas dun nung naghuhugas ako ng plato. Nakita ko siyang nakakunot na naman ang noo habang nag titext! Halata sa mukha niya ang inis. Napatingin naman siya sa akin kaya nagulat ako ng magtama ang mata namin. "Anong tinitingin mo dyan? ALIS!" sigaw niya. Tss. Sungit! Kaya naman nakayuko akong umakyat sa kwarto ko at sinirado ito. "Maddison!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Malakas na sigaw ni Austin sa labas ng bahay namin. Mag go-grocery na kasi kami at hinihintay niya ako sa labas. Di naman kasi ako sinabihan na sobrang aga pala naming aalis. Alas syete palang ng umaga at kailangan ko pa siyang asikasuhin bago maligo at magbihis. Lumabas ako at humarap sa kanya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakapalda kasi ako na hanggang tuhod na maong, nakapolo ng orange na may desenyong bulaklak na hanggang siko at may scarf sa kwelyo, naka rubbershoes, makapal na salamin sa mata at nakatali ang buhok ko yung tipong walang kahit isang hibla na buhok ay di mo makikita. E dagdag mo pa ang braces ko. Nagpa brace kasi kami ni mommy nung magkita kami. Niyaya niya ako sa mall at hindi ko maiwasang ibalik yung dating itsura ko. Ganito naman talaga ako dati pa. "Baduy." sabi niya at tumawa. Napayuko naman ako at nakangusong naglakad papalapit sa kanya. "Wala nabang e babadoy to?!" tukso niya. Di ko naman siya pinansin at pumasok nalang sa loob ng kotse niya. "Oh? Ba't dyan ka sasakay? Gagawin mo talaga akong driver mo?! Sino ka ba sa tingin mo?!!! Dito ka sa tabi ko." utos niya ng makaupo ako sa likod ng kotse niya. Kaya naman lumipat ako sa passenger seat at nag seatbelt. Tiningnan ko siya habang dahan dahang pumasok sa kotse. Naka V-neck shirt siya at naka short. Simple pero alagante tingnan. Gusto kung hawakan siya. Gusto kong maramdamang akin si Austin. "ANO!?" sigaw niya ng makitang nakatingin ako sa kanya. "Sobrang bagal mo kanina tapos ano na naman yang tingin na yan ha?!!! Nagagalit ka ba dahil di agad tayo umalis?!!" galit na sigaw niya. Hawak niya pa kasi ang cellphone niya at kitang kita ko na dahan dahan niya itong nilagay sa bulsa at pinaandar ang makina. "F-fasten your seatbelt." sabi ko nalang at yumuko. "Unbelievable!" di makapaniwalang sabi niya kaya napatingin ako sa  kanya pero di naman siya nakatingin sa kin. Sa kalsada lang siya nakatingin habang tinatahak namin ang daan. Nakita ko naman na inayos niya ang seatbelt niya kaya napangiti ako. Ilang minuto rin akong nakatingin sa kanya pero parang wala lang sa kanya. Hanggang sa hindi ko namalayan na andito na pala kami sa parking lot ng mall. "ANO BA!!! Kanina mo pa ako tinitingnan ah?!! Ano bang problema mo?" sigaw niya. "W-wala." kinakabahan kung sagot. "Kung ganun bakit ka tumitingin sa akin?!!!! Ang ayaw ko sa lahat eh yung tinititigan ako!! LALO NA KUNG IKAW RIN MAN LANG ANG GAGAWA NUN SAKIN!!!!!!" galit na naman siya kaya napayuko ulit ako. "S-sorry." mahinang sabi ko. "Puro ka sorry! WAG KANG DIDIKIT SAKIN MAMAYA HA!! Sobrang baduy mo! Mukha ka nang lola ko sa tuhod kung manamit!" saka niya naman ako tiningnan mula ulo hanggang paa bago lumabas kaya naman lumabas narin ako. Sumunod naman ako sa kanya na parang walang nangyari. Kung sanay ka na sa ugali niya, parang wala nalang yung mga insulto niya. Nasanay narin naman ako kaya ganun. Pumasok kami sa supermarket at kumuha ako ng basket at nagsimula ng mag grocery. Sobrang bigat na ng dala ko pero nakasunod parin ako kay Austin. Nakita ko siyang kukuha ulit ng basket kasi puno na yung basket na hawak ko kaya naman mabilis akong lumapit sa kanya. "A-austin." usal ko. "Ano ba?! Dba sabi ko wag kang lumapit sakin?! Baka may makakita at pagtawanan pa nila ako." bulong niya. "S-sorry." sabi ko at kinuha ang basket na kukunin niya sana. "Ano ba! Akin na nga yan! Kitang kita naman na nabibigatan ka na dyan sa isang basket na hawak mo!" sabi niya pa. "Okay lang ako Austin." ngumiti ako sa kanya. Napailing naman siya. "Akin na." "Ako na Austin." sabi ko pa. "Mabigat to pero okay lang. Kaya ko naman." nakangiting sabi ko tyaka naman siya tumingin sa akin na blangko parin ang mata. "Bahala ka na nga!" sabi niya at umalis. Sinundan ko naman sya pero nadulas ako at nahulog yung ibang dala ko. May mantika palang nahulog sa sahig. Kainis! Bakit di nila agad nilinisan! "Payatot na nga, LAMPA PA!" sabi niya pa at umalis. Di man lang ako tinulungan. Napatingin ako sa mga nakatingin sa akin sa unahan at nakita ko ang nagpipigil tawa nila. Tumayo ako kinuha yung mga nahulog ko at mabilis na sinundan si Austin. "Austin sandali." naghahabol ang hiningang sigaw ko. "Diba sabi ko wag mo kung dikitan at lalong lalo nang wag mong isigaw ang pangalan ko!! May mga tao rito Maddison! ANG BOBO MO!! Isipin mo nga na wala kang kasama para di ka dikit ng dikit sa akin. Naaalibadbaran ako sa mukha mo!!!!" diin ni Austin. "So-sorry." "Puro ka sorry! Di ka naman nag tatanda!! Ang tanga-tanga!!!!" inis na sabi niya. "Pasensya na Austin." sabi ko at kinuha ko yung mga bitbit niya at nilagay sa isang basket na dala ko. "Ano bang ginagawa mo? Ano bang tingin mo sa sarili mo?! Anong akala mo sa katawan mo? Malaki at malakas?" inis na sabi niya pero nginitian ko lang siya. 'Ayoko lang mapagod ka Austin. Di baleng ako nalang. Di baleng ako nalang ang mahirapan kesa ikaw.' Naglakad ako at dinaanan lang siya. "HA! Ginagawa mo lang to para kaawaan kita diba?! Anong gusto mo Maddison? Na mamahalin kita dahil sa paawa-awa mo?! Pwede ba?! GUMISING KA!!!" inis na sabi niya. Nagpapaawa ba ako sa lagay na to? Naawa ba siya? Di ko nalang siya sinagot at naglakad papunta sa cashier. Lumapit siya sa likod ko at binayaran lahat ng binili namin. "Ma'am ako na po ang magdadala." ngumiti lang ako sa lalaking tagabalot at nilagay niya sa cart ang pinamili namin at dumiretso na kami sa parking lot. Nilagay niya sa likod ng kotse ang pinamili namin at binigyan siya ng tip ni Austin. "Thank you sir pero bawal po samin yan." sabi niya pa kaya naman hindi na siya pinilit ni Austin. Nakita ko namang nakatitig lang si Austin sa kanya kaya naman napatingin rin ako sa lalaking nagdala nun at nagulat ako ng makita siyang nakatingin sa akin. "Come again ma'am." nakangiti niya pang sabi. Tumango lang ako tyaka naman siya umalis. Tiningnan ko pa siya naglakad papasok sa loob ng mall. Napatingin ako kay Austin at nakita ko siyang nakatingin sakin ng blanko. "Ano tinutunganga mo dyan?" inis na tanong niya. "Ha?" wala sa sariling sagot ko. Di niya naman ako pinansin at naglakad papasok ulit sa loob ng mall. Wala akong nagawa kaya naman sinundan ko ulit siya na pumasok sa loob. Sinundan ko sya hanggang sa makapasok kami sa isang restaurant. "Austin." pabulong kong sabi. "Ano?!"  "Gusto ko don oh." turo ko sa Jollibee. "Matagal na kasi ako di nakakain dun. Favorite ko yun eh." nakayukong sabi ko. "Ang cheap mo talaga." "Masarap naman dun. Mura na nga busog ka p-pa." napayuko ako ng tiningnan niya ako ng masama. Di niya ako sinagot kaya naman sinundan ko lang siya at naupo siya sa gitna. Uupo na sana ako ng tiningnan niya ako ng masama. "Don ka sa ibang table! Ayokong makita ang pagmumukha mo. Baka may makakita!" sabi niya pa kaya naman napayuko akong naglakad sa kabilang lamisa. Di naman sya masyadong malayo pero sapat na para makita ko ang bawat galaw ni Austin. Napangiti ako sa kanya habang hinihilot ang sintido niya. Di ko alam kung anong iniisip niya eh. Ganyan siya. Pag nag iisip napapahilot sa sintido. Lumapit naman sa akin yung waiter at tinanong ako kung anong order ko. Tumingin muna ako kay Austin bago umorder ng pagkain. Kahit naman di ako kumakain sa Restaurant ng mag isa ay okay lang. Iisipin ko nalang na magkasama kami sa table nato. "Hmm.. Pwede ba ang e serve mo sa kanya.."turo ko kay Austin. "E yung masarap.." parang tangang usal ko. Ngumiti naman siya. "Masarap po lahat ng foods namin dito ma'am." nag pout naman ako sa sinabi niya. "Okay.. pero wag kayong mag serve sa kanya ng foods na may hipon ah?" sabi ko. "Ma'am?" nagtatakang sabi ng waiter. "Allergy kasi siya sa hipon eh." sabi ko pa. Tumingin muna ang waiter kay Austin at tumango. Saka siya umalis at lumapit kay Austin. "ANO?!!!! BAKIT DI KO TO PWEDENG ORDERIN!?? MAGBABAYAD NAMAN AKO AH!!!" sigaw ni Austin kaya natuon ulit sa kanya ang mata ko. "Eh--Si-sir sabi po kasi niya..." turo ng waiter sakin kaya nya ako tiningnan ng masama. "At sino namang may sabing kilala ko yang pangit na baduy na babaeng yan?!" inis na sabi ni Austin. "Ha? Sabi nya po s-sir. Allergy daw po kayo sa hipon." nakita kung medjo nagulat si Austin sa sinabi ng waiter tyaka naman siya tumingin sa akin. Nakita kung nagtaka siya at mabilis namang napalitan ng inis ang mukha niya bago humarap sa waiter. "Di mo naman sinabi na hipon pala to! Tss!" inis na sabi niya at nag order nalang ng iba. Tapos na kaming mag lunch ni Austin kaya naman lumabas na kami at sabi nya gusto nya munang maglakad-lakad. Kung pagod na daw ako pwede naman daw akong matulog sa kotse habang hinihintay siya. Pero syempre di ako pumayag. Para narin kasi kaming nag de-date nito eh. Kaya nga lang nasa unahan siya habang ako parang buntot niya na nasa likuran niya. Huminto kami sa isang shop sa mall na may mga kwentas, earings at bracelet. Tumingin-tingin sya sa mga womens accessories kaya naman sinundan ko sya at nagtingin tingin din. May tinuro sya at tiningnan yun. Maganda yung pinili niya at masyadong mahal. Bibilhin niya ba to para sakin? O__O "Austin." tumingin siya sa akin at tumingin ulit sa kwentas at sinauli yun sa babae. 'Ayyyy..' Akala ko para sakin yun. May tinuro na naman siya pero earings na naman yun. Simple lang ito pero masyado ring mahal. Sa katunayan lahat ng acccessories dito ay puro mahal pero magaganda. "Kukunin ko to." napatingin ako kay Austin. "5, 468 pesos sir." sabi ng cashier at binayaran niya naman to. Pagkatapos niyang bayaran ay kinuha nya ito at naglakad naman kami palabas. Kanino niya yun ibibigay?! Nilagay niya sa bulsa niya yung binili niya dahil napakaliit naman ng lalagyan nun. Lakad lang kami ng lakad at bumili rin siya nang bagong damit at di man lang niya ako pinapansin. Nakakainis. Magkasama lang naman kami pero pakiramdam ko ay sobrang layo niya naman sa akin. "Austin." tawag ko sa kanya at inis naman siyang napaharap sa akin. "Bagay sayo to. Di pa kita nakitang naka long sleeve na black eh. Bagay to s-sayo kasi m-maputi ka naman." sabi ko pa at pinakita sa kanya yun. Tiningnan niya naman ang hawak ko at kinuha ito sa kamay ko. "May taste ka pala eh, bat di mo maapply sa sarili mo?" sarcastikong sabi niya at binayaran yun sa cashier. Ngumiti nalang ako sa sinabi nya. Binili nya naman eh. Yiiiiiiieeeeee. Di mawala sa mukha ko ang malaking ngiti sa labi ko. "Anong ngiti-ngiti mo dyan?" napatingin ako sa kanya at nilapitan siya para kunin yung binili niya. "Anong ginagawa mo?!" nagtatakang tanong nya. "Ako na mag bibitbit!" nakangiti kung sabi. "TSS!" singhal niya pero pinabayaan lang ako. PAGKATAPOS niyang mamili ng damit ay umalis na kami at pumunta sa parking lot. Bago ako pumasok ay nilagay ko muna ang pinamili niya sa likod ng kotse para di ako mahirapan. Sobrang dami kasi. Mahilig talaga siya mag shopping, kabaliktaran ko. Pumasok na ako at umupo sa passenger seat at nag seatbelt at tiningnan niya lang ako habang nag se-seatbelt kaya naman inayos ko rin yung sa kanya at kinabit ko sa kanya ang seatbelt niya bago ngumiti at humarap sa harapan kasi naiilang ako sa tingin niya at higit sa lahat ayaw ko ring sigawan niya ako sa harap ng tenga ko. "HOY!!!" nakaramdam naman ako ng malakas na pag alog sa akin. "Ano bang akala mo sa sarili mo? Snow white?!! Kahit matulog ka dyan habang buhay di kita hahalikan!! HOY BADUY!!!!" sigaw niya. "Hmmmmmm.." napamulat ako at nakita kong nasa harapan na pala kami ng bahay. "Buti naman at gumising kana!" napatingin ako sa kanya at seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin.  "Oh.." bigay nya sa akin ng maliit na box. O____O Ito yung earings na binili nya kanina ah. "Sakin nato?" gulat na tanong ko. "Malamang! Ibibgay ko ba sayo kung hindi?! BOBO talaga." "Pero bakit mo ko bibigyan??" di makapaniwalang tanong ko. "Bakit naman hindi?" inis na tanong niya. "Pwede ba magpasalamat ka nalang dahil binigyan kita nyan!" inis na sabi niya. "A-aahh-- Sala-salamat Austin." nauutal na sabi ko. "Dapat lang magpasalamat ka!" mayabang na sabi niya. "At ingatan mo yan dahil mahal yan. Narinig mo naman yung sabi nung cashier kanina!" sabi niya pa. Tss! Kala mo naman mamumulubi kami sa presyo! "Oo naman. Iingatan ko to Austin. Aalagaan ko to gaya ng pag aalaga ko rin sayo." parang wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa earings. Ang ganda nito kahit napaka simple lang. Napatingin ako kay Austin pero blanko na ang mata niya. "Bakit?" nakangiti kung tanong. "Umalis ka na nga sa kotse ko at kunin mo lahat ng pinamili natin at dalhin sa loob!!! GAWIN MO YAN NG MAG ISA!!!!" naiinis na naman na sabi niya. Bakit ba napaka moody nito?! Masaya akong sinunud ang utos niya at pinasok lahat sa loob ang pinamili namin ng mag isa. Oo, MAG ISA LANG AKO dahil si Austin ay nasa loob na at nag bibihis. Pumasok ako ng pagod na pagod. Napayuko ako habang hawak ang tuhod ko sa sobrang pagod at bigat. Pag angat ko ng tingin ko ay nakita ko si Austin na may dalang isang basong tubig habang nakatingin sakin. Anjan na naman ang blanko niyang tingin. Tumayo ako at ngumiti sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at ... BINUHOS NIYA SA MUKHA KO ANG TUBIG!! "A-austin." nauutal na sabi ko. "Pagod na pagod ka na ba?" tanong niya pero di ako sumagot! "Pagod ka ba?!!!" sigaw niya ulit. Napayuko lang ako. Marahas niya naman akong tinulak papunta sa may hagdan. "Maligo ka muna! Halatang pagod ka. Bilisan mo." seryosong sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya pero mabilis syang tumalikod at naglakad papunta sa kusina. Napayuko ulit ako at palihim na nangiti sa ginawa nya. Alam ko namang sa ganun nya pinapakita kung pano siya mag alala sa kin. Mabilis akong tinahak ang kwarto ko at naligo. Sinuot ko na yung pangtulog ko na kulay gray. Tumingin muna ako sa salamin at nagsuklay at inayos ang buhok ko. Nalulungkot ako sa itsura ko. Bakit ba kahit na mag effort akong mag mukhang dalaga parang may kulang parin. Braces, salamin na makapal, nahati sa gitna ang buhok ko at lutaw na lutaw ang noo ko. Kainis! Para sakin okay nato pero bakit sinasabi ng utak ko na may kulang parin?! Ano bang kulang sa kin?? Napangiti ko ng makita kung nakahanda na ang pagkain sa lamesa at nakita ko pang inaayos ni Austin ang mga plato namin. Di niya ako nakita kaya naman tinitigan ko na siya at kinikilig sa ginagawa niya. Nagulat siya ng mapatingin siya sa dereksyon ko. O________O "Oh?! Anong tinitingin mo dyan?! Tititigan mo lang ba ako buong gabi?!" tiningnan ko lang sya at napayuko ulit na parang napahiya. Pakiramdam ko ay sing pula ng kamatis ang mukha ko. "Lumapit ka na dito at kakain na tayo." sabi niya pa at naupo. Gaya ng dati, sobrang tahimik namin habang kumakain. Ayaw niya kasi ng maingay at ayaw na ayaw niyang naririnig ang boses ko. Ganun pa man ay masaya parin ako kasi kahit hindi kami madalas nag uusap ay mas madalas ko naman siyang kasama at naalagaan kahit ayaw niya. Natapos rin kaming kumain ng lumabas sya sa kusina at dumeretso sa veranda kaya naman tiningnan ko muna siya bago nag hugas ng plato.  NATAPOS ako sa paghuhugas at tumungo sa sala at in-on ko yung tv ngunit hindi para manood. Napasulyap ako sa veranda at nakita ko si Austin na nag te-text. 'Baka yung secretary niya lang?! May problema kaya sa kompanya??' Napailing ako. Imposible naman yun. alam ko namang di pababayaan nila dad si Austin lalo pa't alam nila kung gaano ko kamahal ang lalaking to. Sobra akong magmahal. Sobra-sobra. Ngumiti ako habang nakatitig kay Austin. Wala akong ibang naririnig kundi ang t***k ng puso ko. Sobrang bilis...parang aatakihin na yata ako. Napahawak ako sa puso ko at muling tumingin sa tv para pakalmahin ang puso ko. 'Baka ikamatay ko na to?' Akala ko na pag tumagal ay kusang mawawala ang nararamdaman ko kay Austin pero mali pala ako. Maling mali ako. Lalo ko lang siyang minahal habang pumapatak ang bawat segundo. Tiningnan ko ulit siya at muntik na akong mapatili nung makita ko siyang nakatitig pala sa akin kaya naman napayuko ako dahil sa hiya. Sobrang init ng mukha ko. Di ako makaharap sa kanya at lalong di ko naman siya matingnan sa mata. Wala naman siyang ginagawang nagpapakilig sa akin pero kinikilig ako? May deperensya na yata ako sa puso. "TSS!" singhal niya at tiningnan ko ang likod niya habang naglalakad paakyat ng hagdan. Napabuntong hininga naman ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD