Chapter 5

1981 Words
Chapter 5 Sobrang tahimik nang bahay. Tapos na ako sa laging ginagawa ko sa bahay na to. Gigising ng maaga para pagsilbihan si Austin. Maglilinis, magluluto, kakain, maliligo at pagkatapos tutunganga para hintayin na naman ang pagdating ng asawa ko. Ito ang lagi kong ginagawa at walang nagbago rito. Ganito talaga ang buhay ko mula ng maikasal kami ni Austin. Narinig ko ang pag doorbell sa may gate kaya nagtaka ako.  Sino naman ang bibisita sa akin? Kaibigan? Isa lang naman ang kaibigan ko at yun ay si Elvis. Pero imposible namang dalawin ako ni Elvis rito. Ayaw na ayaw nya akong pinupuntahan rito kasi para sa kanya itong bahay nato ang bahay ng demonyo at ng isang martyr. Wag na kayong magtaka kung bakit ganun siya mag isip. -_- Paglabas ko bigla akong natulala sandali at naramdaman ang pagyakap ng isang babaeng may katandaan na at pamilyar sa akin ang kanyang pabango. Ang pabangong matagal ko ng hindi na naamoy mula ng mag asawa ako. "Mommy." Mangiyak-ngiyak kung bigkas sa kanya. "My baby." alam kung may halong pagkamiss ang pagbigkas niya sa salitang yun at sa mga oras na to naramdaman ko kung gano ko ka miss ang taong kayakap ko. "Kamusta kana ba ngayon Maddi, anak?" wika ng aking ina habang nilalagay ko sa mini table ang kanyang juice at umupo sa tabi nya. "Pasenya ka na kung ngayon pa kita nadalaw pagkatapos ng kasal niyo. Sana ay di ka nagtatampo sa akin, anak." nakangiting wika ni mommy. Mula ng kinasal ako kay Austin ngayon ko lang ulit siya nakita at nakasama. Masyadong naging abala sila sa kompanya dahil sa merging na naganap mula ng ikasal kami at naiintindihan ko rin naman iyon. Ginagawa lang naman nila ang trabaho nila dahil sa maraming umaasa sa kompanya namin. Siguro nga at ito rin ang dahilan kung bakit kami masyadong pinagpala sa yaman. "Di naman po mommy. Masaya nga ako at dinalaw niyo ako." sagot ko at niyakap si mommy. Napaiyak naman ako sa dibdib niya. Sobrang na miss ko ang ina ko. "Bakit tila napaka iyakin mo na ngayon? Don't tell me you're pregnant?" nakangiting tanong ni mommy habang tinitingnan ako ng nakakaloko. "Mommy! I--I'm no-not!" nauutal kong sabi. Bigla naman niya ako niyakap. "Just tell me if you need me, sweetie." malambing na wika ng aking ina. Niyakap ko lang din siya. Ganito naman talaga kami ni mommy. "You're tita Maggie asked about you. Kinakamusta ka." Ngumiti ako. "I'm okay mom. Alam mo naman si tita. Masyadong paranoid." Tumawa siya. "She cares, sweetie." Napaisip ako sa mga bagay bagay. Magiging tulad rin ba ako sa mommy ko? Nang tita ko? Isang mabait at mapagmahal na ina? Maging ina? Kaya ko ba yun? Teka . Teka? Ano ba tong naiisip ko? Mabuting ina? Eeeehhh bakit ba nag iinit ang mukha ko?  Tss. Sa totoo niyan wala pang nangyari sa amin ni Austin. Ayaw niyang maniwala na wala pa talaga. Nung unang gabing yun na akala niya may nangyari sa amin ni Austin ay isang malaking pagkakamali lang. Hinubaran ko lang siya dahil napuno ng suka ang damit niya. ** Flashback ** "Haist! Ano bang gagawin ko sa taong to? Sobrang lasing tapos ang baho baho pa ng suka! Gusto niya yatang maligo sa suka!" sabi ko habang nakalatay sa kama si Austin at tulog na tulog. Lumapit ako sa kanya at hinubaran siya. Sobrang bigat niya at talagang pawis na pawis akong nagbuhat sa kanya.  Binagsak ko siya sa kama pero hindi parin siya natinag. Pinilit ko rin siyang ginigising pero lagi nalang ungol ang sinasagot niya. Namumula ang mukha ko habang pinagmamasdan ko siya ngayon. May kung ano-anong imahe ang naglalakbay sa aking isipan kung anong maari kong gawin sa isang gwapong nilalang dito sa harapan ko. Bumalik ako sa ulirat ko ng biglang sumuka si Austin. 'Ano ba yan? Mukha na ba talaga akong inidoro sa mukhang to?' Inis akong napatingin sa kanya pero bakit ganito? Kahit naiinis ako, nagagawa ko paring ngumiti at kiligin. Matagal ko ng pinangarap to. Ang makasama si Austin sa iisang silid. Iisang kama. Iisang lugar. Iisang hangin at iisang init sa ---- Aish! Ano ba to! Ang kulit ng mga imaheng naglalaro sa aking isipan. Di ko maiwasang kiligin. Sumigaw ako pero walang kahit anong tunog ang maririnig sa sigaw ko. Yun bang sobrang kilig ka na at gustong-gusto mo ng sumigaw ng bongga pero pinipigilan mo? Para akong sasabog. Hinawakan ko si Austin at pinilit na maghubad. Hinubaran ko siya at nagtagumpay ako.  *dugdog*dUGDOG*DUGDOG* Nararamdaman ko ang init ng mukha ko habang nakatingin sa katawan ni Austin. Gusto kong sisirin ngayon din ang pinakamasarap na aking nakita sa tanang buhay ko. Juice ko! Pano ka gumawa ng isang napaka perpektong nilalang sa harap ko?! Paano mo ito nagawa at naging perpekto ang kabuohan nito?!! Ngiti-ngiti ako habang pinupunasan ang katawan niya. Dahan dahan. Feeling ko walang aircon at nasa isang oven ako sa sobrang init na nararamdaman ko. Bakit ba ang landi ko? O_o? Pinilit kong pigilan pero sadyang tao lang at natutukso at ....naglalaway. Pinakiramdaman ko siya at naririnig ko ang halos pabulong na ungol nya habang pinupunasan ko siya.O_o Paano mo nagagawang umungol ng ganyan samantalang wala pa naman akong ginagawa para ..para.. para.. ALAM MO NA YUN!!!! Aish! -_- Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko kahit na parang umakyat lahat sa mukha ko ang dugo ko. SA SOBRANG BILIS NG PAGKAKATAON.... Naramdaman ko nalang ang mga labi ni Austin sa mismong labi ko!!! MYGAD! Kill me! KILL ME!! Bumukas ka lupa at lamonin mo ako! Kyaaaaaaaaaaaaa! Nakadilat parin ang mga mata ko habang hinahalikan niya ako. Nasa ibabaw ko siya at parang wala sa sarili. Kahit wala akong karanasan ay ginantihan ko rin sya ng halik. GRASYA NA, TATANGGI KA PA? Sa sobrang landi ko ay gumanti ako, at dahil ngang tanyag na matalino ay naging fast learner din ako sa klase ng aming tinatahak ngayon mismo. Sa iisang kwarto. Sa iisang kama. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh  Gusto kong tumalon at mag sisisigaw pero wag nalang kasi O.A na masyado. -_- DI KO NA ALAM ANG SUMUNOD NA NANGYARI. Bigla akong napatigil ng maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko na pilit nilalaro at hinahaplos ito. Parang bumalik lahat ng mga anghel sa utak ko napatulak bahagya sa kanya. Nakapikit parin siya at alam kong ako ang dehado rito dahil nasa katinuan ako at siya naman ay wala.  Pilit niya ulit akong hinahalikan at naramdaman ko ang kanyang mga halik at hawak sa parte kung saan ako nakikiliti. At dahil nga nadala narin sa kalandian at katangahan na hindi na inisip ang kalalabasan ay muntik ng maisuko ni Eva ang kanyang bataan. SOBRANG BIGAT. Nakatulog ang walang hiya sa aking hubad na katawan. Napangiti ako habang iniisip na nasa ibabaw ko ang lalaking ito. HA! Magiging akin ka rin Austin. KINABUKASAN  "Di ko alam kung maniniwala pa ako sayo! *PAK* Sinungaling! *PAK* MANLOLOKO! *PAK* At talagang sa bestfriend ko pa!" sigaw ng ex fiance niya. Ayokong banggitin ang pangalan niya. Nahihiya ako. Nasalikod lang nila ako habang hawak ang kumot na nakapalibot sa buong katawan ko. Parehas kaming hubad ni Austin pero hindi naman bonggang hubad na talaga. Wag O.A! Naka boxer pa naman sya. *SAYANG* at ako naman ay naka panty. Tss. Proud pa talaga ako? Syempre , AVON TO! -_- HAHA Yun na nga. TODO MMK na si -- Ang ex fiancee niya sa kanya. With all the iyak-iyak effect at ako naman tong si tanga, di ko alam ang gagawin ko. Ano bang dapat e react ko? Alangan naman sabayan ko sila sa pag iyak nila at mag iyakan kami pareho?! Ang totoo niyan ay nahihiya ako sa kanilang dalawa. sSaaming tatlo, ako lang ang nakakaalam ng totoo. Yun na, Crying Diva na si Ate pero si Austin todo paliwanag naman. So anong role ko rito? Audience? Tss. So yun na nga, audience lang ako sa kanila. Nakinig lang talaga ako sa kanila dahil hindi naman nila ako hinintay na magpaliwanag sa side ko. Nakakatanga diba? Pwes wag kana mag tanga-tanga dahil dumadami tayo. Tama na yang ako na. -_- Nagalit silang dalawa sa akin pagkatapos nilang mag away kaya ayon, NAG WALK OUT SILANG DALAWA!!!  FLASHBACKS END ****** Mula nun, nagkaroon ako ng pag asa sa kanya. Di ako nagpatalo at kinapalan ang mukha ko. The two of them against the world ang drama nilang dalawa nun pero mahal ko eh. Di ko sinuko. Sabi nila pag mahal mo pakakawalan mo. No! Para sakin kung mahal mo ipaglaban mo, bahala na kung ikaw lang isa yung lumalaban at least sa inyong dalawa may isang kayang lumaban. At syempre, ako yun. "Anak." napatingin ako kay mommy. "Parang ang lalim naman ng iniisip mo." sabi ni mom. "Di ko masisid eh." Nakangiting tuloy niya. "Oh. Mom, about that.. Hmmm.. May kailangan po ba kayo mom?" pag iiba ko ng usapan. "Kailangan ba pag pumunta ako kailangan may dahilan? Kinamusta lang kita. Nag aalala narin ang tita mo dahil hindi ka nagpaparamdam sa kanya." nagtatampo niyang sabi. Ngumuso naman ako at tumawa siya. "Baby ka parin hanggang ngayon, sweetie." malambing nyang sabi. "Mom! I know you have something to tell me. Spill it." malumanay kong sabi. Napabuntong hininga naman siya at ngumiti na tumingin sa akin. "Gusto kong pasukin mo ang mundo ng showbiz." O______________________O Di ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. WTH?! "NO!!!!!" hysterical na sagot ko kaya naman humahalak na siya. "I'm sorry baby.,.HAHAHA. I just want you to try." Nakangiti parin niyang sabi. "Mom, no." malungkot na sabi ko at napabuntong hininga. "Mom, look. I'm married. Hindi ko kaya. " mahinang sabi ko. Seriously mom? Kung kailan ako nag asawa saka ko pa papasukin ang buhay showbiz? No way! I like being a house wife.  "Kaya nga kita tinanong kung buntis ka. Isa pa baby, bakit di mo subukan? Wala ka namang ginawa dito kundi ang tumunganga at hintayin si Austin." gulat akong napatingin sa kanya. "Alam ko anak, sinabi sa akin ng bestfriend mo na baka mabaliw ka na raw rito---" "Tapos?" gulat na tanong ko. Baka kasi may nabanggit siya. NAKU! LAgot ka talaga saking bakla ka. At ano raw? Mababaliw ako? Lintek talagang Elvis yun! I enjoy being a house-loving-wife! "Patapusin mo muna kasi ako. So, yun na nga. Baka daw mabaliw ka na so I suggest him na magpabuntis ka na pero parang sira naman yung kaibigan mo at nag hysterical rin akala mo e siya yung magdadalang tao." napabuntong hininga naman ako. O.A lang talaga yung si Elvis mom. "Kaya he suggested na sumabak ka sa showbiz." "Mom. Alam mo naman na wala akong lugar jan. Isa lang akong hamak na nerd." sagot ko. "Anak, I want you to be yourself. May ganda kapang mailalabas. Pag nalabas mo na lahat konting kembot mo nalang at sisikat ka na." parang natutuwa niya pang sabi. "Mom, I said no." umiling naman siya. "Di ko naman sinabi na sagutin mo ngayon, honey. I can wait. Mom is always here." nakangiti niyang sabi. LUMIPAS ang araw mula nung nakausap ko si mom. Tama nga siya at sobrang walang ka kulay-kulay ang mundo ko ngayon. Si Austin? DI KO MAHANAP sa MAPA. Gusto ko siyang ipahanap kay Dora dahil minsan ay lulubog lilitaw. Wala paring nag bago sa istorya naming dalawa. Wala yung kilig, wala yung masasaya at kadalasan ay lungkot lang. Naiinis ako. Nagagalit na ako. Pero ano bang kayang gawin ng galit ko? Wala naman diba? -_- Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang kabuohan ng aking mukha. Tinanggal ko ang salamin na makapal sa aking mata. Maganda ba talaga ako? Bakit sinasabi nila na maganda ako pero sa twing titingin ako sa salamin at masyadong plain lang naman ako. Hindi ko alam kung iniinsulto ba nila ako o ano? O_________O Tss. Ano ba tong naiisip ko?! Para naman akong natarantang umalis sa salamin! Hindi. HINDI! AYOKONG MAGING MAGANDA. Mahihirapan akong harapin ang mundo. Baka sabihin nila na isa lang akong loser na nerd na pilit nagpapaganda. Ayoko! AYOKO! Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhh.. Pero anong masama kung susubukan ko? Ay hindi!! Eh pano kung tumalab ang kulam at maging maganda nga ang kuba sa ilalim ng banga? Teka? Bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kuba?  Hindi naman ako kuba? -_- E ano pala? Hmmm.. Babae sa imbornal? Parang ang sagwa. Pano ba? Anong gagawin ko? Nararamdaman ko na! NARARAMDAMAN KO NA! MALAPIT NA! MALAPIT NA AKONG MABALIW! Narinig kung may tumatawag sa telepono kaya naman dali-dali akong pumasok sa loob. Na hampas ko pa ang pwet ko sa sahig dahil sa pagkadulas ko. Sinagot ko agad ang tawag at.. "Helo?" ako. "H-helo? Austin..." natigilan ako. Boses babae. Di lang boses babae. Kilala ko ang boses na to. Is she's back?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD