Chapter 4

1018 Words
Chapter 4 Maaga akong nagising para ipagluto si Austin. Lagi ko tong ginagawa kahit pa ayaw niyang kainin ang mga niluluto ko. Maybe you think na napaka ulirang asawa ko naman dahil sa pagsisilbi ko sa asawa ko kahit lage naman denedeadma ang beauty ko, but it doesn't matter. I love him kahit pa pagsilbihan ko siya mula ulo hanggang paa.  Martyr ba? No. It's not martyr. I'm not martyr. I'm in love. Tanga ba? Siguro nga tanga ako sa tingin nang ibang tao pero you will really become idiot when it comes to love.  Bigla ko tuloy naisip si Allyson. Utang ko lahat kay Ally kung ba't ko kasama ngayon ang lalaking matagal ko ng mahal. Sana dumating ang panahon na mapatawad niya rin ako. Nakita kung pababa na si Austin kasama ang babae na dinala na naman niya kagabi. Tudo kapit naman ang malanding babaeng to sa asawa ko at feel na feel niya talaga ang braso ng asawa ko. Umupo silang dalawa na mag katabi. May karapatan naman akong mainis diba? Karapatan ko yun bilang asawa niya. Kung si Ally lang siguro tong kasama niya siguro matitiis ko pa, pero ewan ko lang makakaya ko ba. Napayuko ako dahil sa biglang pag hina ng tuhod ko. "Baby, say aahhh." sinubuan naman ng malandi ang asawa ko. Ang kati. Hellooooo. WIFE HERE. Martyr na kung martyr. Mahal ko si Austin. Kahit na sinasaktan niya ako. Mahal na mahal ko siya. Siguro sawang sawa na kayo na lage kong sinasabi na mahal na mahal ko siya pero wala akong magagawa. Yun ang nararamdaman ko at yung ang sinisigaw ng puso ko. Mahal ko sya at di ako magsasawang ulit-ulitin to sa istoryang to. "Hey? Diba maid ka? Pwede ba umalis ka sa harap namin? Kumakain kami! Shoo!" b***h. I'm his wife! Gustong gusto kung sabihin yun sa kanya pero natatakot ako na baka masampal na naman ako ni Austin dahil sa pangingialam ko. Pag may babae siya na dinadala dito, wag ko daw aawayin at wag daw akong makikialam pero anong gagawin ko? Kailangan kung ipaglaban kung anong akin. Napatingin ako kay Austin. Nakatitig lang siya sa akin. Ramdam kung mainit na naman ang ulo niya kaya tumayo ako at dinala ang plato ko at pumasok sa sala. Wala na naman akong nagawa para ipaglaban siya sa ibang babae. Dito nalang ako kakain sa kusina. Malayo sa kanila. Malayo kay Austin. Napabuntong hininga ako. Hanggang kailan mo ba ako mapapansin Austin? Hanggang kailan mo itatago na may asawa ka? Walang ibang may alam na kasal na kami ni Austin maliban sa pamilya namin at mga kaibigan niya. Ang paniniwala ng iba katulong lang ako ni Austin sa bahay nato. Di rin alam ni dad and mom ang istado ng buhay namin. Kaya ko namang mag tiis eh. Gaya ng nababasa ko na novel mahuhulog din ang lalaki sa babaeng pinakasalan niya kahit pa arrange marriage lang ito. Sana lang maging ganun din ang takbo ng buhay ko. Umaasa ako na darating din ang panahon na sasabihin ni Austin na mahal na mahal nya ako at ako lang ang huling babaeng mamahalin niya. Maghihintay at mag hihintay parin ako. Di ko sasayangin ang dalawang taon nato para lang pakawalan siya. Mag sasawa ka rin Austin at sakin parin ang bagsak mo. sakin ka parin uuwi at sakin kalang .. Kahit wala pa sa akin ang puso at pagmamahal mo, pagtatrabahohan ko yan. Pagsisikapan ko yan. Para saan pa ang talino ko kung si Austin lang di ko pa makuha ng buo. Think positive Maddi. Tapos na akong kumain. Tumayo na ako para bumalik sa kusina, nagulat ako ng makita ko ang dalawa na nag hahalikan. Madiin kung pinikit ang mata ko at dumiritso sa kusina para ilagay ang plato. 'Wala akong nakita.' 'Wala akong nakita.' Wala akong nakita.' Kahit may nakita man ako wala rin naman akong magagawa. Tumulo isa-isa ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Di ko na mapigilan. Napahikbi nalang ako sa harapan nila. Nakatingin ako sa asawa ko na may kahalikang iba. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Aasa lang ba ako sa wala? Gusto ko ng mapansin mo ako Austin. Kating kati na akong maging akin ka. Gusto ko ng ako naman. Mahaba ang linya papunta sayo pero di naman ako magsasawang tatayo sa pinadulodulohan para lang mapansin mo rin ako. Napahinto sila sa paglalandian ng makita nila ako. Akala ko kakausapin ako ni Austin o papatahanin pero mali ako. Tumalikod silang dalawa at umakyat sa kwarto. Ang sakit na. 'Bakit ba ang manhid manhid mo Austin Chase Ford? Mahal kita. Di pa ba yun sapat para patunayan ko ang sarili ko sayo?' Tumakbo ako palabas ng bahay at pumunta sa bench ng garden namin. Dun ako umiyak ng umiyak. Ilang buwan pa ba akong nasasaktan? Ay mali, ilang taon pa ba? Dalawang taon? Ang sakit na eh. Araw araw niya akong pinapatay. Tapos ano? Pagkatapos niya sa babae niya babalik ulit sya sa akin at ako na naman ang pagkakasayahan niya. Paglalaruan. Tapos ano? Sasaktan? Nakakasawa na. Pagod na akong ipag tulakan ang sarili ko sa lalaking di ako kayang mahalin. Dalawang taon akong nag tiis sa kanya. Bakit ang tanga tanga ko? Ano bang mali sa akin. Ha-ha. Anong mali sa akin? Seryoso. Natanong ko pa yun sa sarili ko? Bukod sa nerd ako, ang baduy ko pa manamit. Isa akong manang na patay na patay sa asawa kung ubod ng gwapo pero kahit kelan di naman ako minahal at kahit kailan di ako mamahalin. Nandidiri siya na ako ang pinakasalan niya. Sino ba naman ako? Napakalaking kabaliktaran ako sa mga babaeng minahal niya. Sa babaeng dapat pinakasalan niya. Sa babaeng matalik kung kaibigan. Sa babaeng unang nagpatibok ng puso niya. Ang babaeng perpekto sa mata niya. Ang babaeng si Allyson. Di ko alam kung anong mali sa pagiging nerd. Sinikap ko namang maging matalino sa klase para mapansin niya. At nag tagumpay naman ako. Napansin niya ako dahil ako ang paboritong laruan ng mga barkada nya. Ano pa bang dapat ko gawin? Lahat ng libro na konektado sa sitwasyon ko pinatulan ko na. Naniniwala ako na tulad nang ibang kwento na nabasa ko ay makakatuluyan ko rin siya. Kailangan ko na yatang ipagamot ang utak na to. Konting konti nalang at mababaliw yata na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD