
Masakit ang naging karanasan ni Amalia mula sa naudlot niyang unang pag-ibig mula sa binatang hindi niya inaasahang iiwan siya nito. Hindi niya alam kung bakit siya basta na lang nito iniwan ng walang sinasabing dahilan at labis siyang nagtampo sa lalaki. Kaya ng ipag-utos ng kanyang ama na doon na siya mag-aaral sa ibang bansa ay hindi na siya tumutol.
Mga ilang taon na nag-aral at namuhay siya sa Europa at ang tanong tuluyan na kaya niya itong nakalimutan? O, patuloy pa rin niya itong dinadamdam o inaasam?
Pagkatapos na mag-aral ay naisipan niyang umuwi ng Pilipinas dahil nabobored na siya doon.
Sa pangalawang pagkakataon ay nagtagpo muli ang kanilang landas. Maari pa ba kaya na maisakatuparan ang naudlot nilang pag-iibigan o tuluyan na itong wakasan.
