Chapter 3

1656 Words
Hindi pa rin ako makapaniwala ngayon. Nakasakay ako sa Philippine Airlines on the way to United Kingdom. I mean, bibihira lang ang mga katulad kong matataba ang nakakapag-trabaho bilang performer abroad. Pagkatapos kong kumanta ay mabilis pa sa alas-syeteng pinauwi ni Ms. Shamcey ang ibang mga nag-audition na hindi hamak na mas magaganda at sexy sa akin.   Brinief n’ya ako tungkol sa papasukin kong trabaho sa London. Sa una syempre, pa extra-extra lang muna ako sa pag-kanta sa “Frontier Restaurant and Events Center” or better known as Frever. Mamamasukan muna ako bilang part-time waitress habang nasa probation period ako for one week, then after that isasalang na ako slowly sa stage. Sabi pa ni Ms. Shamcey, kailangan ko daw mag-ipon ng pang tag-lamig na damit dahil malapit na mag winter.   Nasa economic class ako ng eroplano at nakaupo sa tabi ng bintana. Gaya ng sinasakyan ko, parang nasa langit din ang isip ko. Para lang kasing panaginip ang lahat. Heto ako, naghahanap ng trabaho, naanod ng baha, tapos performer sa United Kingdom?   “Kinakabahan ka din?”   Napalingon ako sa magandang dalaga na halos kasing tanda ko na nakangiti sa akin. Nahalata ata na kanina pa ako nakatitig sa labas ng bintana at malalim ang iniisip. Katabi ko lang siya. Napangiti naman ako at tumango, “Oo. Hindi ko pa rin kasi akalain na makakapag-trabaho sa ibang bansa.” “Ako rin. Akala ko talaga hindi na ako makaka-alis pero heto, gaya mo, magta-trabaho na sa U.K.” masayang sagot nito sa akin. “Ano naman ang work mo pag-dating mo dun?” curious na tanong ko sa kanya. Mukha kasi itong kasing tanda ko lang at may kagandahan din. Siguro model. Ngumiti ito sa akin bago sumagot ng “Nurse sa isang hospital. Akala ko pagka-pasa ko sa board exam hindi na ako makakakuha ng trabaho sa dami namin.” “Wow! Buti ka pa, magagamit mo ‘yung pinag-aralan mo sa trabaho mo! ‘yung sa akin ang layo. Sobra” malungkot kong sabi sa katabi ko. Napakunot naman ang noo nito “Hah? Ano ba natapos mo?” “B.S Psychology.” “At ang trabaho mo ay?” kasunod agad nitong tanong. Napangiwi ako. Hindi ko alam kung maniniwala ito o matatawa sa sagot ko, “Ah... eh... singer sa isang restaurant.” Hindi ito tumawa as I expected. Sa halip ay nanlaki ang mata nito at mukhang napahanga sa sinabi ko, “Talaga?! Ang galing mo sigurong kumanta!” “Naku, hindi naman magaling. May boses lang” sabi ko sa kanya. “Ano nga pala name mo?” Ngumiti ito at inabot sa akin ang kanan nitong kamay, “Mimi. Mimi Deduyo. Ikaw?” “Rynelette de Toryago. Nice to meet you Mimi” sagot ko dito sabay kuha sa kamay nito at nag-handshake kami. Masaya kaming nag-kwentuhan habang nasa byahe. Newly grad din pala ito at nineteen years old din gaya ko. May kapatid itong first year college na kailangan n’yang suportahan kaya s’ya nag-pilit mag trabaho sa abroad. Mabait ito at masayahin kaso medyo mahiyain at ilag sa mga lalaki. Hindi namin namalayan na naka-landing na pala ‘yung eroplano sa airport. Nang oras na para mag-hiwalay na kami ay nag-palitan kami ng number at address kung saan kami magta-trabaho. “Sige Ryn nandyan na ‘yung sundo ko,” paalam ni Mimi sabay turo sa isang babaeng foreigner na nakaway sa kanya, “pag day-off ko at may pera na ako bibisitahin kita!”   Niyakap muna n’ya ako sabay takbo papunta sa sundo nito. Naiwan naman ako sa entrance ng airport. Sabi ni Ms. Shamcey baka daw ma-late ‘yung susundo sa akin dahil galing pa sa isang event yun.   Mga fifteen minutes na akong nag-hihintay katabi ang aking trusted maleta na kasama ko sa tag-init at baha. Isang backpack ang nakasabit sa likod ko. Wala naman ako masyadong gamit. Sabi ni Ms. Shamcey ay dito na lang daw ako mamili ‘pag may ipon na ako. “Rynelette de Toryago?”   Lumingon ako sa taong nag-sabi ng pangalan ko. Nakita ko ang isang Filipina na halos kasing-tangkad ko, naka-bihis na mukhang galing sa kasalan at grabe sa ka-sexihan at kagandahan. “Ako nga” mabilis kong sagot. Mukha namang nakahinga ito ng maluwag at nakipag-besohan sa akin, “Ako si Mika, ‘yung sundo mo. Sorry ha? Medyo na traffic ako. Matagal ka bang naghintay sa akin?” “Hindi naman. Halos kakadating ko din lang” sagot ko dito. “Mabuti naman kung ganoon. Teka. Taxi! Taxi please!” kumaway ito at pinara ang nakaparadang cab sa di kalayuan. Mabilis naman na dumating ‘yung sasakyan sa harap namin at isinakay na ng driver ang maleta ko sa trunk. Ng nakasakay na kami ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa mga nag-tataasang mga building at mga magagandang tao na nag-lalakad sa daan. Mga past nine na, U.K time, ako dumating kaya naliligayahan akong tingnan ang mga establishment na nagkikinangan. “Rynelette, nasabi ba ni Shamcey kung ano gagawin mo sa Frever?” biglang tanong ni Mika habang isa-isang tinatanggal ang mga alahas na suot at mabilis na isinisilid sa bag.   Tumango ako, “Oo. Waitress muna ako habang probation muna ako para ma-observe ko ng mabuti ‘yung ibang mga performers.” “About that, I think it’s no longer needed” mabilis nitong sagot. Tumaas naman ang kilay ko, “Hah? Bakit naman?” “Mister can you please turn to the right. It’s a shortcut to Frever, thanks” utos nito sa driver sabay lingon sa akin, “Wala na kasing vacant sa line-up ng mga servers. Instead, sasamahan mo na lang ako sa mga events na pupuntahan ko.” “Events?” “Yes. Actually, kakagaling ko lang sa kasalan sa isang hotel dito. Mahirap ang solo. Umuwi na kasi ‘yung partner ko kaya wala akong ka-relyebo sa pagkanta” pagod na sabi nito sa akin sabay sandal sa aking matabang braso at bumuntong hininga. Medyo naguguluhan na ako kaya minabuti ko ng mag-tanong, “Teka, akala ko sa restaurant ang pasok ko? Bakit biglang may kasalan na napasangat?” “Well, restaurant talaga ang Frever pero natanggap din sila ng reservations para sa mga gustong kumuha ng singers sa mga events. Kaya nga events center din, ‘di ba? Mas malaki ang kita ‘pag nakuha ka kasi twenty percent lang ang parte ng company sa bayad sa iyo. Tuwing sabado ang reservations. Nag-tatrabaho din ako sa restaurant. Listen carefully ha? ‘pag lunes ang theme ng restaurant ay “Anime Monday” Tumango ako. Parang nage-gets ko na, “So ‘pag “Anime Monday” it means mga Japanese songs at foods ang theme ng restaurant, am I correct?” “Yes. ‘pag martes naman ay “Family Tuesday” wholesome ang theme at kadalasan ay mga reunions ang nagaganap sa restaurant. Miyerkules naman ay “Blue Wednesday” seryoso ang theme at mga heartbroken ang target na customer sa araw na yun. Huwebes naman ay Throwback Thursday, makaluma ang theme at mga senior citizens ang kadalasang customers. ‘pag byernes ay Hangout Friday, bar style ang restaurant at mga makabago ang playlist para sa mga partygoers. Sabado ay Serene Saturday. Half-day lang nag-ooperate ang Frever at sa araw na din ‘yun natanggap ng reservations ang establishment. ‘pag Sunday naman ay Heartful Sunday. Para sa mga mag-jowa o mag-asawa. Puro love songs ang mga kanta and then repeat the cycle.” Bago pa ako makasagot ay tumigil na ang taxi. Pinababa agad ako ni Mika habang binabayaran n’ya ‘yung driver. Pagkakuha ko sa maleta ko ay dali-dali n’ya akong pinapasok sa isang restaurant na parang valentine ang theme. Dim light na red ang ilaw at tig-dadalwa lang ang nakaupo sa mga tables. Puno ang restaurant at paroo’t parito ang mga waiters at waitresses dala-dala ang mga orders o mga pagkain ng mga customers. Napatingin ako sa center stage at nakita ko ang isang babae, Filipina at nakanta ng “The Way You Look Tonight.” nang makita ako ng babae ay ngumiti ito sa akin at kumindat. “That’s Celine. Two years na s’ya dito. Ang galing n’ya ano? Halika Rynelette, dadalhin kita kay Mrs. Recella.”   Hinawakan ni Mika ang braso ko at hinatak ako papasok sa isang kwarto sa sulok ng first floor. Pagkapasok namin ay nakita ko ang isang babae na naka-office blazer at busy sa pag-pirma sa mga papeles sa table nito. “Ma’am I’ve brought our newest performer!” excited na announce ni Mika sabay tulak sa likod ko para mapalapit ako sa tapat ng table ng babae. Tumingala ang babae at inayos ang suot na salamin. Kung huhulaan ko ang edad nito ay siguro nasa early thirties ito. Maganda ang hubog ng katawan at British. Ang ganda ganda nito at halatang medyo strikta.   Tumayo ito ay umikot sa akin habing tinititigan ako mula ulo hanggang paa. Ang nakakagulat ay ang comment nito. “Finally. Shamcey sent someone who looks competent.” Tumango naman agad si Mika, “I agree Ma’am. Judging by her physique, she is a power belter or a balladeer or maybe both.” Tumango din si Mrs. Recella “I thought Shamcey will send another girl who has big boobs but extra small brain. I need to offer her a pay rise. Mika?” “Yes Ma’am?” “Remove Ms. de Toryago from my sight” mabilis nitong sabi sabay turo sa pintuan. Inakbayan ako ni Mika at iginiya ako palabas ng kwarto. Bago pa kami makalabas ay nakinig ko ulit ang boses ni Mrs. Recella, “Oh and welcome to my restaurant. Mika will show you the ropes.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD