Hindi ko akalain na hindi pa nag-bubukas ang restaurant ay madami na agad nakapila sa labas. Almost five na ng hapon at ready na rin ang mga workers. Mahigit kalahati sa mga trabahador ay mga Filipino. Nakapila ako sa linya ng mga performers habang nagbi-briefing si Layla, branch manager ng Frever London.
"Ok guys, you know what to do. It's Anime Monday so we need to be lively and very Japanese tonight. Don't forget the Japanese phrases that I taught you all right? Are we ready? Let's do this!"
Pagkasabi noon ay binuksan na ng mga bouncer ang restaurant at excited na nagsi-pasukan ang mga customers na ang karamihan ay mga teenagers. Ang mga staff ay naka kimono samantalang kaming mga singers ay nag-cosplay. Si Mika ay naka-sailor moon get-up samantalang ako ay naka-Tsunade from naruto. Obese version nga lang.
Palakad-lakad ako sa palibot ng restaurant at nag-oobserve. Natulong pag kulang sa tao o di kaya ay na-pose pag may gustong magpa-picture. Hindi ko nga akalain na merong magpapa-picture sa akin. Ang cute ko daw kasi. Wow naman!
Hindi ko napuna na almost nine na ng gabi. Mababait naman yung mga katrabaho ko. Halatang disiplinado ng management. Wala akong nakinig na panlalait ni isa mula sa kanila. Unbelievable right?
Maya-maya pa ay lumapit sa akin bigla si Mika, "Ryn alam mo ba itong kanta na 'to? Ni-request nung isa nating regular customer na bata kaso hindi ko sya alam."
Tiningnan ko yung nakasulat sa tissue paper. "Feel Like a Girl."
"Ay oo! Napanood ko ito sa School Rumble!"
Nagliwanag ang mukha nito at dali-dali akong itinulak pa stage, "Sige, kantahin mo dyan ha?"
"Hah? Ang bilis naman teka, hindi pa ako handa!" reklamo ko dito sabay tingin sa mga diners na nakatitig sa akin.
"Our dear customers, let's all give a round of applause for Ryn-chan who will sing for us tonight!" masayang announce ni Mika.
Nagpalak-pakan naman ang mga tao.
Wala na din akong nagawa kundi kumanta. Pumikit na lang ako.
You know you make me feel like a girl
Since I met you, I feel like a girl
It's amazing, so different way to be
And now it seems like I'm falling
Into love, into love...
-0-
"Oh ayan! Meron ka nang coat and scarf! Ready ka na for winter, Ryn!" masayang sabi sa akin ni Mika ng nabayaran ko na yung mga damit ko.
Almost December na at sobrang lamig na talaga sa London. Naka-ipon agad ako ng pambili ng mga winter clothes salamat sa mga tip at sweldo ko. Pag may hindi alam na kanta sa si Mika ay sa akin nya pinapasa ang mic. Salamat sa Diyos at nagagandahan sa performance ko ang mag customer at pag minsan pa nga ay may special request pa para sa akin.
Very supportive si Mika. Tinuturuan nya ako ng proper breathing at kung paano kumanta kahit masama ang pakiramdam. Mababait din yung mga senior performers sa akin at very helpful sila. Pero syempre hindi mawawala ang mga judgemental na customers na mabilis namang dinadala palabas ng restaurant ni Kuya Danny at Kuya Mike ang mga bouncers namin.
Once in a while ay tinatawagan ako ni Ms. Shamcey para kamustahin ay payuhan. Ignore ko lang daw yung mga nanloloko at do my best always.
Masaya ang experience ko dito sa London and I'm enjoying it really. Actually kakagaling lang namin sa kasalan ni Mika at pinakanta nya ako ng dalawang songs para makapamahinga sya sabay promote sa akin.
Sadly, wala pang nakuha sa akin for the event pero sabi ni Mika, sya din naman daw nung bago pa lang sya. Dadating din daw yun.
"So, anong balak mo Ryn?" tanong bigla ni Mika sa akin habang nakain kami sa McDonalds.
"Balak para saan?" balik tanong ko dito sabay subo ng Burger.
"Well, balak mo sa buhay mo?"
Napaisip naman ako, "Well, wala pa as of now. Nag-eenjoy pa ako dito sa trabaho ko. Mahirap at sobrang pressure pero carry parin naman. Ipon ipon lang tapos bahala na. Ikaw ba Mika? Wala ka pang boyfriend ulit diba?"
"Wala pa. Or better yet, wala pa ako mahanap dito" malungkot na sabi nito sa akin.
Napabungisngis naman ako, "Paanong wala kang mahahanap. Morena ka, maganda at sobrang talented. Tsaka, HELLO?! Tumingin ka nga sa palibot mo!" itinuro ko yung paligid nung Mcdo pati yung mga nadaan sa labas "Halos lahat naman ata ng mga binata dito bagay sa iyo! Lahat sila mga gwapo!"
Hindi exaggeration ang sinabi ko. Kung sa standard nating mga Filipino ay tyak na sasangayon kayo sa akin. Bakit ka pa maghahabol kay Justin Bieber at sa One Direction kung kahit yung newspaper delivery boy ay mas panalo na?
Mapuputing balat, matatangos na ilong, multi-colored na mata, magagandang pangangatawan, matatangkad at agaw tingin talaga mapa-babae o lalaki. Naiintindihan ko na din yung mga kababayan kong sobrang desperadang magpa-puti. Pero iba pa rin talaga pag natural. Yung tipong mapapatigil ka na lang para titigan sila at ngumanga.
"Yun na nga ang problem ko my beautiful and voluptuous apprentice. Masyado madaming pamimilian!"
Nagkatitigan kaming dalawa tapos nagtawanan kami ng sobrang lakas. Napatingin sa amin yung mga nakain sa loob at mabilis naming tinakluban ang aming mga bibig at pinigil ang aming mga hagikgik.
Isa ding malaking baliw itong si Mika. May oras na sobrang seryoso sa trabaho pero pag napuno na ng stress ay nalabas din ang tililing. Iisa kami ng kwarto at magkatabi kami sa kama. Bago kami matulog bawat gabi ay pinagkwekwentuhan namin ang nangyayari sa mag-hapon naming trabaho. Pinagtatawanan namin ang mga ewan na customers at may sharing ng mga "past lives" namin bago kami mapatapon sa London.
Pagkakain namin ay dali-dali na kaming lumabas ng restaurant at nag-lakad pabalik ng restaurant. Sabado noon at half-day lang ang Frever. Sa araw na iyon ay tumatanggap ng reservations at requests for events ang restaurant namin. Binilisan namin ang lakad para malaman namin kung may nagpa-reserve kay Mika.
"Finally! They are back! Mika, Kat hurry to Mrs. Recella's office!" mabilis na sabi sa amin ni Kaycee, isang british na dalaga na co-worker namin.
Napakunot ang noo ko at hinarap ko ang dalaga, "Teka, ako din ba?"
"I said your name didn't I? Of course!" sagot nito sa akin. Sa tagal na rin nitong nagta-trabaho dito ay natuto na itong umantindi ng tagalog.
Mag-rereact pa sana ako pero hinila na lang ako ni Mika papunta sa office ng employer namin.
"Ma'am we're here! So what's the news?" mabilis na tanong ng kaibigang ko kay Ma'am na nakaupo sa upuan at nakatitig sa amin.
Binuklat nito ang organizer nito at naglabas ng ball pen, "As usual, Mika, you will be singing at the reception of a wedding tomorrow night at the May Fair Hotel. An opening song and then three sets of seven songs each for the whole night."
"Score!" masayang sagot ni Mika sabay yakap sa akin.
Ligtas ang pang-tuition ng kapatid niya at pagkain ng kaniyang pamilya. Makakabayad na din sya sa utang nila.
Binuklat ni Mrs. Recella ang organizer nito at tumingin sa akin, "As for you Kat. A couple booked you for their wedding tomorrow at One Aldwych Hotel in 1 Aldwych, London, Greater London"
Napairit ng malakas si Mika. Nag-hiyawan din ang ibang mga katrabaho ko na nakiki-osyoso sa amin dahil bukas yung pinto. Hindi din ako makapaniwala sa nakinig ko.
"You must be there before seven in the evening Kat. One opening song and two sets of eight songs each for the rest of the night. I will send to your phone the list of the requested songs later" patuloy nitong sabi.
Ngumiti sa akin si Mrs. Recella at nagpatuloy, "Make us proud Rynelette or should I say, Kat?"
"Kat. Katrina, my stage name!" sagot ko dito at hindi ko na rin napigilang mapangiti habang napaiyak naman sa tuwa si Mika.