Tamara’s POV Dumating na ang pinakahihintay namin ni Nathan. Ang araw ng aming kasal. Lahat ay maagang nagising upang maghanda. At kanina pa lamang madaling araw ay kinukulit na ako ni Nathan. Hindi talaga niya ako tinantanan hanga’t hindi ako bumabangon sa higaan. Kaya maaga rin akong gumayak at naghanda ng aking sarili. Ang dapat na magiging mauuna siya sa simbahan dahil yun naman talaga ang dapat. Pero mas gusto niyang sabi kami. Baka daw kasi may mangyari na hindi maganda habang papunta kami doon. Niloloko pa nga siya ni Raul na baka daw mangyari sa amin yung nangyari kila Alixane bago ito ikasal kay Brian. Nabalitaan ko din na nanganak na pala ito ng triplet’s. Parang gusto ko tuloy maingit sa kanila. Ang balak kasi ni Nathan ay maraming anak. Kapag triplet’s ang maging bunga ng pagm

