Six years later… Tamara’s POV “Ma’am! Kinidnap po ang kambal!” Napatayo ako sa sofa nang matangap ko ang tawag ni Manang Flora. Siya ang nag-aasikaso sa kambal namin na sina Luna at Sol anim na taong gulang pa lamang sila at nasa grade one. Inaantay ko na lamang ang pag-uwi nila kaya hindi ako makapaniwala sa natangap kong tawag. Kaagad kong tinawagan si Nathan upang ipaalam sa kanya ang nangyari habang binabaybay ko ang daan patungo sa school nila Luna at Sol. “Hon bakit?” Tanong niya sa kabilang linya. “Nasan ka? Pumunta ka sa school ngayon din.” Mahinahon kong sabi sa kanya. Sa aming dalawa ay ako ang pinaka-kampante kaya hindi ako pwedeng mataranta. Dahil paniguradong magdadala na naman siya ng batalyon kung sakaling makompirma nga naming nawawala ang kambal. Nangyari na

