Nathan’s POV Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking luha, habang pinagmamasdan ang kalagayan ni Tamara. Narito kami sa pribadong hospital na walang ibang nakaka-alam kundi si Mr. Mendoza at ang Presidente. Talagang pinondohan nila ang pagpapagawa sa hide-out kung saan pwedeng dalhin ang mga sugatan na Agent. Makabago ang mga kagamitan at magagaling naman ang doctor dito. Malayo din ito sa suidad kaya compyansa kami na hindi kami matutunton ng kalaban. Kung hindi dumating si Mr. Mendoza at si Brian ay baka naubos na kaming lahat. Dahil sa pagdatingan ng mga kalaban. Pero hindi pa rin ako mapalagay. Nang dahil sa balang tumama malapit sa puso ni Raul ay naging critical ang lagay nito. At hangang ngayon ay nasa ICU pa din at ino-obserbahan kasama din nito si Mr. Ricardo na mas malala din

