Tamara’s POV Awang ang labi ni Nathan nang tignan niya ako mula ulo hangang paa suot ang kulay pulang bikini two piece bikini ko. Kung makatitig nga siya parang hindi niya pa ako nakikitang hubo’t hubad. Isinuot ko ang see through na kulay itim at itinali sa aking beywang. “Wag ka na kayang lumabas?” Pigil niya sa akin nang akmang tutunguhin ko na ang pinto. Hinapit pa niya ako sa beywang at ikinulong sa bisig niya. “Hindi pwede, nakakatakot ang Nanay mo.” Wika ko na ikinatawa niya. “Tamara, ikaw ba talaga yan?” Natatawang tanong niya sa akin. Humarap ako sa kanya at ikinawit ang aking kamay sa kanyang leeg. “Bakit mo naman natanong?” Tumingin siya sa akin at hinagod ng tingin ang buong mukha ko. “Ang kilala ko kasing Tamara. Walang kinatatakutan kahit na sino pa. At handan

