Tamara’s POV “Mom!” Sigaw ni Nathan sa kanyang Ina. Pero hindi man lang ito natinag at ngumisi pa nang walang kahirap-hirap kong pinigilan ang binato niyang patalim. “Dalawang daliri? Mahusay!” Pumalakpak pa siya na parang donya, isang hibla na lang ang layo ng patalim papunta sa noo ko. “Kinompirma ko lang ang sinabi ni Nathan na magaling ka daw sa pakikipaglaban. At base na nakita, mukhang magkakasundo tayo. By the way itago mo yang dagger na yan. Pinagawa ko pa yan kay Flavio.” Nakangiting wika niya. Pinagmasdan ko ang patalim na regalo daw niya sa akin. Halatang matibay nga ito at may hawakan na ginto. Nakaukit ang at maganda ang pagkakasulat ng Mrs. Murray? “Mom, mukha ba akong nagsisinungaling? At isa pa kung nagsisinungaling ako ngayon at hindi bihasa si Tamara maari na a

