Hindi maiwasang hindi magpasulyap-sulyap si Brint sa asawang katabi niya sa sasakyan. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasama na niya ito ngayon. "Bakit?" natatawang tanong ni Curtney rito. Seryoso pa rin ito. Hinawakan nito ang mga kamay niya at mahigpit na pinisil, dinama sa kanyang pisngi at hinalikan ito. Napapapikit pa siya sa ginagawa, parang natutunaw ang puso niya sa nararamdam. Napapangiti na lang si Curtney sa ginagawa nito. Hindi pa sana nito bibitiwan ang mga kamay nito kung hindi lang sila bababa ng sasakyan. "Mama," tawag ni Ali pagbaba nila ng sasakyan. Patakbo itong sinalubong sila. Nauna na kasi itong umuwi kanina kasama si Bob at ang daddy ni Brint. Dumaan pa kasi sila ng presento para masigurong nakakulong si Nica. "Baby," sabay yakap. "Thank you, Bob," sabi niya n

