"Nasaan si Cara bakit ikaw nagpapakain kay Ali?" tanong ni Brint nang mapansing hindi si Cara ang nagpapakain sa bata. "Umalis kanina pa. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Hindi naman nagpaalam, mukhang nagmamadali," sabat naman ni Nica. Napakunot ang noo ni Brint sa sinabi nito. "Siya nga pala babe darating ngayon araw ang damit pang kasal natin. Excited na ako," saad nito. Pero wala lang reaksiyon ang mukha nito. "Magsusukat ako mamaya, ikaw?" excited na sabi nito. "Ikaw ang bahala," tipid niyang sagot. *** "Ano'ng nangyayari rito?" tanong ni Brint nang puntahan ang kwarto ng ama. Pinagtatabig nito ang pagkain na dala ng katulong na nagpapakain rito. "Ayaw niya pong kumain senyorito," malungkot at may bahid ng takot na saad ng katulong. "Bakit ikaw ang nagpapakain? Nasaan

