"Brint about yesterday?" wika ni Nica. "Sorry sa inasal ko. Napag-isipan ko na 'to kahapon. Wag na lang nating ituloy ang kasal at babalik na lang kami ng America ni Ali." Nagsalubong ang kilay ni Curtney sa narinig habang nagpapakain siya kay Ali. "Dadalhin! Over my dead body. Hinding-hindi mo na mailalayo ang anak ko sa'kin." "Walang aalis hangga't wala akong sinasabi," seryosong sagot lang ni Brint, habang patuloy lang ito sa pagkain. Naglungkot-lungkutan ito. "Eh, ano pa ang gagawin ko rito Brint? Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong binubuhay lang ng nakaraan niya at isa pa Brint ayokong makipag-kompetensiya sa taong patay na. Mas mabuting umalis na lang kami rito ng anak ko." Nagpipigil sa galit na saad nito. "Wow ha! ang galing talagang mag-drama ng babaeng 'to. Ikaw

