Habang naghahapunan kasabay ang daddy ni Brint. Si Nica naman tudo asikaso sa kanila, tinulungan niya ang mga katulong na maghanda ng kanilang kakainin at ang pag-aayos ng mesa. Nagpapa-empress siya. "Maupo ka na iha. Hayaan mo na sila," utos nito sa kanya." "Opo, salamat po." Samantalang seryoso lang si Brint sa pagkain, kahit walang ganang kumain sumusubo siya habang si Nica naman ay busy sa pagpapakain sa bata. "Bakit hindi pa kayo magpakasal?" seryosong sabi ni Amador ang daddy ni Brint. Napangiti si Nica sa sinabi ng matanda pero hindi siya nagpahalata. "Dad!" "Why not,Brint? Patay na rin naman ang dati mong asawa. Why not marry her? Ano nga ulit ang pangalan mo iha?" tanong nito. "Nica po." "Nica, why not marry Nica! May anak na rin naman kayo." "Dad it's may personal life,

