"Mr. Salvador, halina na po kayo. Kanina pa po nila tayo hinihintay." Ngayon ang araw ng libing sa katawan ni Curtney, nasa sementeryo na sina Bob, Kim at Dane/at ang malalapit na kaibigan ni Curtney. Si Jane, Kat at Aling Mara. Umiiyak ang mga ito sa saradong kabaong sa harap nila. Hindi man lang nila ito napaglamayan. Si Jane na halos nakayakap na sa kabaong nito. Pati ang mga kaibigan niyang si Kim, Dane at Bob/ay kita ang lungkot sa pagkawala nito. Isang seremonya ng pari ang dinaos, bago ito tuluyang ilibing sa ilalim ng lupa. Lahat umiiyak na. Sa bawat pagtapon ng bulaklak sa ibabaw ng kabaong nito ay ang malalakas na hikbi ng mga ito. Kahit may suot na mga black sunglasses ang mga ito, mapaghahalatang na mumugto na ang mga mata nito sa kaiiyak. Samantalang siya halos wala ng l

