"Aalis na ako, mag-iingat ka dito. Call me if anything happen. Tatawagan rin kita araw-araw," paalam ni Bob kay Curtney. She smiled and nodded. "Salamat." "Wow, ang sweet naman," may bahid ng pang-iinis na saad ni Nica nang makaalis na si Bob. "Ano ba naman ang babaeng 'to pasulpot-sulpot," sigaw ng isip niya nang magulat siya nang magsalita ito. "May relasyon ba kayo ni Bob?" curious na tanong nito kay Curtney. "Po?" pagtataka niyang tanong. "Nothing. You know what, parang may kamukha ka? Someone I know." "Nakilala niya ako kahit sa ganitong itsura ko?" nag-aalala niyang tanong sa sarili. "Po? Sino naman po?" "There is something in your eyes, that looks familiar." Hinakabahan na siya baka nga nakilala na siya ni Nica "Wag naman sana," bulong niya sa sarili. "Magkatulad talaga

