Nahuhulog na kaya si Brint kay Nica? Matutuloy na ba ang kasalang Nica at Brint? Ano naman kaya ang gagawin ni Curtney? *** "Kumusta ang Daddy Brint?" tanong ni Nica habang nag-aalmusal sila. Napabuntonghininga ito at walang ganang sinagot. "Mabuti-buti na. Susunduin ko na siya mamaya, pwede na siyang lumabas ng ospital, dito na siya magpapagaling." Biglang kinabahan si Nica sa sinabi ni Brint. Hindi niya kasi malapitan ang matanda sa ospital dahil sa higpit ng securities, hindi niya tuloy magawa ang plano. "Mabuti naman kung ganun." "Pero he still need a therapy, hindi pa siya makalakad at makapagsalita," patuloy pa nito. Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nitong hindi pa ito makapagsalita. "Ahm... Brint pwede ba ako sumama sa ospital gusto ko sana siyang dalawin." Tinitigan mu

