[Outside of Luna Academy]
(11:45 A.M.)
Shace's POV
"Fix yourself. " malumanay na sabi ko kay Alysia.
Agad naman nyang pinunasan ang mga luha sa mukha nya at inayos ang sarili.
Nasa harap na kami ng gate ng school at hinihintay nalang ang pagdating ni Butler Haru.
Tinawagan ko na sya kanina ng makalabas kami ng room. Kailangan na naming umuwi dahil sa itsura naming dalawa.
Punit punit ang blouse namin at magulo ang buhok. Puno rin ng malagkit na itlog, harina at juice ang katawan namin kaya sobrang inis ang nararamdaman ko pero pinipigilan ko lang.
Baka kung ano pa ang magawa ko at balikan ko ulit sila Clarrise dahil sa sobrang inis ko. Tsk.
Ilang minuto lang ay dumating na si Butler Haru kaya agad na kaming lumabas ng gate kahit na hindi pa tapos ang klase. Wala rin magawa ang guard na nakabantay dahil sa itsura namin ngayon.
"S-san tayo pupunta, Shace?" Nauutal na sabi ni Alysia na katatapos lang sa kakaiyak.
Hindi ko sya pinansin at tumingin nalang ako sa labas ng bintana.
Hayss.. Bwiset na araw to! Ano bang problema ng babaeng yun at ang laki ng galit sakin?!
Imbes na isipin yun ay kinuha ko nalang ang phone ko at tinawagan si Claudine.
"Est tu a la maison?"
Translation : Are you home?
"Non pourquoi? "
Translation : No, why?
"J'ai besoin que tu rentres maintenant à la maison et que Stacey soit avec toi." I said and hung up the phone and looked outside the window.
Translation : I need you to go home now and bring Stacey with you.
Minutes passed and we arrived at the Mansion of the Nirvana. I looked at Alysia and saw her face filled with amusement that made me smile a little.
"We're here." I said then get out of the car.
Sumunod naman sya at pumasok na kami sa loob. Maids greeted us as we walk inside.
"Wow, bahay mo to Shace?" Manghang tanong ni Alysia.
I just nod and continue walking hanggang sa makapunta kami sa sala. Doon nakita ko sila Stacey at Claudine na nag uusap.
"Hey." Pag agaw ng atensyon ko sa pag uusap nilang dalawa.
"Mon Dieu! Qu'est- ce qui t'est arrivé?!" Gulat na tanong ni Stacey ng makita ang itsura ko.
Translation: My god! What happened to you?!
"Tsk. Aidez-la à changer." Utos ko sa dalawa sabay turo kay Alysia na namamaga na ang mata pagkatapos ay agad na akong umakyat sa kwarto ko at naglinis na ng katawan.
After 30 minutes ng pagligo at ng masigurong malinis na ang buong katawan ko ay nagbihis na ako at bumaba. Doon ay naabutan ko sa sala sila Stacey at Claudine pati na rin ang bagong ligo lang na si Alysia.
Lumapit na ako sa kanila at umupo katabi ni Claudine. Binigyan naman nya akl ng isang baso ng lemonade pagkaupo ko na tinanggap ko naman.
"Maintenant, voulez-vous expliquer ce qui s'est passé qui vous a fait finir comme un désordre plus tôt?" Agad namang sumama ang itsura ko ng maalala ko na naman ang nagyari kanina. At masamang tinignan sya na wag na akong tanungin pa.
Translation : Now, care to explain what happened that made you end up like a mess earlier?
Pero agad rin akong napakunot ng noo ng maalalang nakita ko rin pala roon si Jaze. Agad akong napatingin kay Claudine na may mapaglarong ngisi sabay tingin kay Stacey.
"Salut les gars! Tu ne croirais pas qui j'ai vu à l'école plus tôt ~ " saad ko na may ngiti sa mga labi na ikinakunot ng noo nilang dalawa samantalang si Alysia naman ay inosenteng nakatingin sa aming tatlo na animoy di kami naiintindihan.
Translation : Hi guys! You wouldn't believe who I saw at school earlier ~
At syempre agad naman akong kinulit ng dalawa na sabihin ko sa kanila kung sino ang nakita ko kanina. Pero tanging ngiti lang ang iginanti ko at sinabing kailangan nilang bilisan ang pag aaral ng tagalog para makapasok sila sa Luna Academy at makita kung sino ang sinasabi ko. Agad naman silang napabusangot at inis na tumingin sa akin na ikinatawa ko.
"Uhm... Shace, anong pinag uusapan nyo?" Nakakamot sa batok na tanong ni Alysia na ikinatingin ko sa kanya.
"It's nothing, Alysia. Don't mind us. Are you fine now?" Saad ko sa kanya na ikinatango naman nya kaya agad na akong tumayo.
"Good. Then let's go back to school. May klase pa tayo." Sabay lakad papuntang pinto pero nakakailang hakbang palang ako ng lumabas si Nana sa kusina.
"Luto ang tanghalian ija. Bakit di muna kayo kumain bago kayo bumalik sa school nyo?" Saad ni Nana na sinang ayunan naman naming dalawa ni Alysia.
.........
[Luna Academy]
(1:34 P.M)
"Sigurado ka bang papasok pa tayo?" Tanong ni Alysia habang mahigpit na nakahawak sa akin. Napabuntong hininga naman ako dahil sa kaduwagan nya.
"Relax Alysia, walang mangyayaring masama sayo ngayon dahil nasa guidance sila Clarrise." Paliwanag ko sa kanya na ikinabuntong hininga nya at bitaw sa akin.
Naglakad na kami papasok ng school pero agad ring napahinto ng may pumalibot sa aming apat na lalaki.
"What is it now?" Inis na saad ko sa kanilang apat pero binigyan lang nila ako ng isang seryosong tingin sabay sabing....
"You're Ms. Navera and Ms. Sy, right? " tanong ng lalaking nakasalamin na dahan dahan naman naming ikinatango.
"Great! Can you come with us to the guidance? " saad naman ng lalaking may Kulay tsokolate ang buhok.
Hindi na kami umimik pa at sumunod na lamang ng mag umpisa silang maglakad ng hindi hinihintay ang sagot namin.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa guidance at pagpasok namin ay bumungad agad ang grupo nila Clarisse kasama yung grupo nung Jax na nakaupo sa may right wing ng classroom.
At Syempre ng makita nila kaming dalawa ni Alysia ay agad nila kami sinamaan ng tingin na ikinangisi ko lang sabay ringing sa kanila ng may pangungutsa.
Pano ba naman kasi, ang ikli na ng buhok nila Anne at May dahil sa pagkabuhol ko nito kanina. At puro pasa naman ang sa grupo nila Jax at kita ko na medyo dumudugo pa ang gilid ng labi ni Jax at yung apat na alagad nya ay may mga blackeye.
Si Clarrise nga lang ang nakaligtas sa Inis ko kanina dahil dumating ang student council at pinigilan kami bago ko pa mapahirapan si Clarrise.
"Buti naman at nandito na kayong dalawa. Akala ko ay wala na kayong balk na pumasok eh." Napalingon ako sa may desk table at nakita ang nakangiting mukha ni Jaze at sa gilid nya ay ang isa pang lalaking umawat skin kanina.
"Anong ginawa naming kasalan ni Alysia at ipinatawag mo kami sa guidance? " kalmado ko lng tanong na ikinabungisngis ng apat na lalaki sa liked ko pati na rin ng lalaking katabi ni Jaze.
"Bakit raw sya nandito pre. *chuckles * " pigil tawa na saad ng lalaking katabi ni Jaze habang sinisiko ito ng mahina na mukhang ikinainis naman ng huli dahil napahawak ito sa sintido.
"Hindi mo ba talaga alam kung bakit ka nandirto sa guidance, Shace?" Seryoso nitong tanong sa akin pero umiling lang ako ng inosente.
Hah! Bakit naman ako aamin?
"Psh... Anong di mo alam?! Hindi mo ba nakikita ang itsura ng mga kasama ko?!" Inis sa saad ni Clarrise na nginisian ko.
"Well, they deserved it." Nakangisi kpng saad habang tinitignan ang mga inis na mukha ng mga alagad. "Buti ka pa nga dahil hindi ka naabutan ng kamao ko eh. Kung nagkataon sana ay mas malala ang kinahinatnan mo kaysa sa kanila. " sabay tingin ko kay Clarisse na may matamis na ngiti na dahilan upang masuntok nya ang lamesa nya na may galit sa mukha na nakatingin sa akin.
"So anong gusto mo? Magpasalamat pa ako dahil hindi mo ako nabugbog?" Galit na saad nito na ikinatango ko habang nakangiti.
"Precisely. " Saad ko at naglakad na papunta sa may left wing ng classroom at umupo habang nakangiting malapad paring nakatingin kay Clarisse na nag ngingitngit ma sa galit.
" I'm waiting~" mapanukso kong saad ulit kay Clarisse dahilan upang kalampugin na naman nya ang lamesa nya at marahas na tumayo sa upuan nya tsaka lapit sa akin na ikinangisi ko.
Pero agad rin syang pinigilan ng apat na lalaking nagdala sa amin ni Alysia rito. Kaya inalis ko na sa kanya ang tingin ko at umob-ob na lang sa lamesa ko.
'Dapat pala di nalang ako pumasok. *sigh* For sure nalaman na ito ni harabeoji. Tsk. Lagot ako nito.' Sabay tingin ko kay Jaze na may ngiti parin sa mga labi na ikinasama ng mukha ko kaya umob-ob ulit ako sa lamesa ko.
"Ano ba?! Umalis naga kayo dyan! Tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng iyan!" Rinig kong galit na saad ni Clarrise habang pinipigilan syang hindi makalapit sa akin.
Naririnig ko rin sila Anne at May na pinipigilan sya na ikinangisi ko. Halata kasi sa boses ng dalawa na natatatakot ito at ang rason? Hindi ko alam. Haha
"Shace , okay lang bang galitin mo ng sobra si Clarisse? Bulong sa akin ni Alysia kaya napatingin ako sa kanya na bored na mukha.
"Oo naman. Nakakatuwa kayang galitin ang babaeng iyon, nagiging kamatis ang mukha pano kasi mala-espasol ang kutis nya. " saad ko habang natatawa na ikinangiti ni Alysia at hindi na ulit nagsalita pa.
"*sigh* Dahil tapos na kayong dalawang mag usap." Napa ayos ako ng upo ng magsalita na si Jaze habang nakatingin sa aming dalawa ni Clarrise. "I guess pwede ko na sabihin sa inyo ang punishment ninyong lahat dahil sa gulong kinasangkutan nyo." Pagpapatuloy nito na may ngiti parin sa labi.
"Punishment? Pero Pres. Hindi po kami ang nag umpisa. " nauutal na saad ni Alysia kaya napatingin sa kanya si jaze.
"Alam ko. Pero hindi non mababago na binugbog parin ninyo ang kaklase nyo. " saad ni Jaze na may ngiti parin sa labi.
"Self defense lang naman ang ginawa ni Shace kase sinubukan nilang punitin ang damit naming dalawa." Pangagatwiran ulit ni Alysia na ikinailing ko nalang.
'Kahit anong sabihin mo hindi mo na mababago ang baluktot na isip ng lalaking iyan , Alysia. Kaya manahimik ka nalang dahil baka palalain lang ng lalaking yan ang parusa sa atin kapag nangatwiran ka pa.' Sabi ko sa isip ko pero di ko na sinabi sa kanya.
"Shut up already." Tanging saad ko nalang kay Alysia na ikinatahimik naman na nya.
"Thank you." Pasasalamat sa akin ni Jaze ng patahimikin ko si Alysia na inismiran ko lang.
"Hindi na ako magpapaligoy Ligoy pa. Your punishment will be cleaning all restrooms in the campus for at least a month." Nakangiti paring saad ni Jaze na ikinagulat naming lahat.
"Fvck?! Paglilinisin mo kami ng banyo sa loob ng isang buwan?! Sira ka ba?!" Inis na saad ko na for the first time ay sinang ayunan nila Clarrise.
Pero nanatiling nakangiti lang si Jaze samantalang ang limang lalaki na kasama nya ay natataranta na kasi lahat kami nagrereklamo sa parusang pinapagawa nya.
Hello! Ako ang CEO ng Nirvana Corporation sa France! Walang sino man ang may kakayahang palinisin ako dahil isa akong Nirvana tapos sya ay gaganituhin lang ako rito?! Hah! Ang kapal naman ata ng mukha nya para palinisin ako ng banyo!
"I can't take it anymore. Tatawagan ko na ang ate at sisiguraduhin kong isusumbong ko sa kanya ang mga pinaggagagawa mo sa akin!" Inis na saad ni Clarrise pero hindi natinag sa kakangiti si Jaze pero kung titignan mo ng maigi ang mukha nya ay may namumuo na na Paris dito.
Nagdial na sa phone si Clarrise at napangiti ng malapad ng sumagot ang nasa kabilang linya.
"Atee~ help me!......kasi pin--" hindi na natapos pa ni Clarrise ang sinasabi nya ng hablutin ni Jaze ang phone ni Clarrise.
"Hey! Give it back?!" Inis na saad ni Clarrise at pilit na inaabot ang phone sa kamay ni Jaze ngunit hindi nya makuha dahil nakataas ang kamay nito kung saan hawak nya ang phone.
Ang bilis naman ata nyang makalapit sa kanya. Psh... takot lang na makapagsumbong si Clarrise sa ate nya?
Agad na pinatay ni Jaze ang phone ni Clarrise at ang kaninang nakangiting si Jaze ay ngayon ay malamig ng nakatingin sa kanya na ikinatahimik naman nito.
"Wag mong ubusin ang pasensya ko Clarrise at baka makalimutan kong kapatid ka ni Chloe." Malamig na usal na saad ni Jaze na ikinapitlag ng ilan sa amin lalo na ni Clarrise.
Pagkatapos ay binalik na nito ang phone at bumalik na sa harap at umupo. Tila naman natahimik ang buong silid pagkatapos na naging mabigat ang hangin kaya naman napangisi ako.
That's new... Di ko alam na may isang tao palang kaya syang gawing ganyan. Heh! Now I'm curious kung sino yung Chloe'ng sinabi nya kanina. *smirk*
___________________________________
ace_han02