Third Person's POV
Natataranta na ang mga estudyante sa labas ng room nila Shace dahil sa nangyayari. Marami na rin ang nakikiusyoso dahil sa nangyayaring p**********p nila Clarrise - ang queen bee/campus queen ng school sa transferee at Alysia.
Nakita nilang binato ng itlog ang dalawa at harina at sinabuyan ng juice. Hindi mapakali ang mga kaklase nila dahil baka maabutan sila ng mga guro at madamay sa nangyayari sa loob pero gusto rin nilang makita ang p**********p ng grupo ni Clarrise sa dalawa kaya nanatili ang mga ito na nanunood sa bintana.
Pero napasinghap ang lahat ng biglang pinunit nila Anne, May at Jax na leader ng apat na lalaking kasama sa loob ang coat at blouse ng mga ito. Ngunit ay nagulat sila sa mga sumunod na nangyari. Sinipa ni Shace si Jax at sinuntok ang dalawang nakahawak sa braso nito kaya agad na nataranta ang mga nanonood at dali daling pumunta ang iba sa student council.
Doon bumungad ang anim na lalaking nakaupo at may kanya kanyang ginagawa. Kunot noo nilang tinignan ang isang estudyanteng babae na hingal na hingal.
"Anong kailangan mo?" Seryosong tanong ng President ng student council na si Jaze
"Pres. Sa room A-4 may nag aaway." Sabi nito ng hinihingal na ikinagulat nilang anim.
'Who has the guts to fight in our school premises? Tsk. Wag mong sabihin na ang babaeng yun na naman ang may pakana nito?! ' tanong sa isip ni Jaze bago tumayo.
"Who's fighting?" Tanong nito sa babaeng estudyante.
"Clarrise's group and the transferee." Sabi nito na ikinagulat ng lima samantalang napakunot ang noo ni Jaze sa narinig.
"Transferee? May bagong transfer rito? Kailan pa?" Nakakunot noong tanong ni Jaze sa limang kasama nya.
"Oo. Meron, nung isang araw lang sya nagtransfer, pero puro problema na ang dala." Sabi ng isa sa mga kasama nya.
Napailing na lamang si Jaze at tahimik na naglakad sa room A-4 at nakita sa b****a at bintana ng room ang mga estudyanteng nagkukumpulan kaya nainis si Jaze.
"All of you, go back to your respected rooms!" Inis na sabi nito kaya napatingin sa kanya ang mga estudyante at nagulat kaya dali daling umalis ang mga estudyante maliban sa mga estudyanteng kaklase nila Shace.
Agad na tumingin ang anim na lalaki sa bintana ng room at nakita na hawak na ni Shace ang buhok ng dalawang babae na si Anne at May kaya agad silang pumunta sa pinto at sinubukang buksan iyon pero naka lock.
"Get the key of this room, now!" Sabi nito sa isa sa kanila kaya dali dali tumakbo ang tatlong estudyante para pumunta sa faculty ng mga teacher at hiramin ang susi ng room A-4.
Tinignan ulit nila Jaze ang loob ng room at nakita na punit punit na ang mga blouse at wala na ring suot na coat ang dalawa at hinagis ni Shace ang punit punit na coat sa kanila.
Ilang saglit pa ay nakabalik na ang tatlong estudyante na may dalang susi kaya agad itong kinuha ni Jaze at isinuot sa kandado para mabuksan ang pinto. Ng makapasok sila, nakita nila ang dalawang babae na ngayon ay magkakabuhol buhol ang buhok at limang lalaki na ngayon ay bagsak sa sahig dahil sa bugbog.
Nakita rin nila si Shace na nakatingin ng malamig kay Clarrise na nakaupo habang nakatingin rin kay Shace at hindi gumagalaw.
"The Fvck?! Ano na naman bang kalokohan to?!" Inis na tanong ni Jaze na nakay Clarrise lamang ang tingin at hindi idinadapo ang tingin sa transferee ng makalapit sila sa dalawang nagtititigan.
Pumagitna na silang anim at tinignan ng masama ni Jaze si Clarrise samantalang nakatingin ang limang lalaki kay Shace.
Nasa isip ni Jaze na malaking problema na naman ang kahaharapin nya dahil sa babaeng ito.
"Get out of my way. That girl owe me something." Malamig na sabi ni Shace sa dalawang lalaking nakaharang sa pagitan nila ni Clarrise.
Ngunit hindi iyon pinansin ng dalawa at napabuntong hininga na lang.
"Clarrise, for the ninth time gunawa ka na naman ng p**********p ng estudyante. Why can't you just let the students have a normal life?!" Bulyaw nito kay Clarrise na masama na rin ang tingin kay Jaze.
"Bakit ako ang sinisisi mo?! Can't you see? That girl hurt my friends!" Sabi ni Clarrise at tinuro sila Anne at May.
"Yeah, kaya hindi ko rin palalampasin iyon. But it doesn't change the fact na ikaw ang nag umpisa ng lahat ng ito." Malamig na sabi ni Jaze at tumingin kay Shace na ikinagulat nito.
Unti unti namang inangat ni Shace ang ulo nito na ngayon ay nakayuko na dahil pinipigilan nito ang inis na nararamdaman nya pero ng iangat nya iyon ay tila nagulat sya ng makita nito si Jaze.
'Fvck! Anong ginagawa nya rito?' Parehas na tanong nila sa isip nila.
Lalapitan na sana sya ni Jaze nang bigla itong umatras at tumalikod sa kanila sabay punta kay Alysia na nakayuko parin ngayon.
"Let's go." Sabi ni Shace kay Alysia at tinulungan na itong makatayo. At walang sabi sabing lumabas na ng room nila at hindi na pinansin sila Jaze.
Balak sanang humakbang ni Jaze papalapit kay Shace pero dire diretso lamang na lumabas si Shace at Alysia hanggang sa makalabas na sila ng room.
Ilang segundo pa ang nakalipas na nakatingin lamang si Jaze sa pintuang nilabasan nila Shace hanggang sa maisipan nitong tingnan ulit si Clarrise.
"I want you to go to the guidance office right now." Seryosong sabi ni Jaze kay Clarrise pero inirapan lamang sya nito.
"Tsk. I don't want too. Tsaka kahit na pumunta ako sa guidance,wala pa rin namang mangyayari." Inis na sabi nito kaya lalong nainis si Jaze rito.
"To the guidance now, or else I will ask the Dean to suspend you in school for one week." Malamig na sabi nito kaya di makapaniwalang tinignan sya ni Clarrise tsaka tumayo.
"Do it. At masisigurado kong makakarating ito kay ate." Saglit na di nakaimik si Jaze pero ilang sandali pa ay tinignan nya ito ng malamig tsaka ngumisi.
"Try me. Wala akong pakialam kung sabihin mo ito sa kanya." Sabi nito kaya wala ng nagawa si Clarrise kundi ang padabog na lumabas ng room nila.
"Bring them to the clinic." Sabi ni Jaze sa kasama nya at itinuro ang mga binugbog ni Shace na lalaki at sila Anne at May.
Tumango naman ang mga ito at agad na inalalayan sila Anne at May para dalhin sa clinic.
Ilang saglit pa ay biglang dumating sina Caile, Reign, Reiko, Akiro, at Clinton na may nagtatakang tingin ng makita ang magulong room.
"Anong nangyari dito?" Nagtatakang tanong ni Akiro kila Jaze.
"Nothing. Gumawa na naman kasi ng kalokohan si Clarrise." Napapahilot sa sintido na sabi ni Jaze sa mga ito.
"Asan na sya ngayon at anong kalokohan na naman ang ginawa nya?" Tanong ni Clinton kaya napabuntong hininga na naman ito.
"Nambully na naman ng estudyante. Nandoon sya ngayon sa guidance office samantalang yung limang lalaking kasama nya at sila Anne at May ay nasa clinic." Paliwanag nito na ikinataka nila.
"Bakit naman sila nasa clinic?" Nagtatakang tanong ni Reign.
"Nabugbog kasi ng binully nila. Tsk. Hindi nila alam na palaban yung transferee kaya ayan ang napala nila." Inis na sabi ni Jaze na ikinagulat nila Reign at tinignan ang isa't isa.
"Transferee? You mean si Shace?" Kunot noong tanong ni Clinton na ikinatango ng limang kasama ni Jaze.
"Kilala nyo sya?" Takang tanong ni Jaze sa lima na ikinatango naman ng mga ito.
"Yeah. Classmate namin sya." Sabi ni Akiro.
Napatango naman si Jaze at tsaka lumabas nang room A-4 at pumunta ng guidance kasama ng limang lalaking kasama nya.
"Bro. Bakit si Clarrise lang ang pina guidance mo?" Takang tanong ng isa sa kasama nya na ikinakunot ng noo nito.
"What do you mean?" Takang tanong ni Jaze rito.
"Hindi lang naman si Clarrise ang may ginawa diba? Pati narin yung transferee meron." Sabi nito sa seryosong boses kaya napahinto sa paglalakad si Jaze ganoon na rin ang lima.
"Look, Jasper. Hindi ko na sya napaguidance kasi bago ko pa sabihin yun ay nakalabas na sila ng kasama nya." Malamig na sabi nito kay Jasper ikinangisi nito.
"Don't fool me Jaze. Ilang taon na rin tayong magkaibigan kaya kilalang kilala na kita. " nakangising sabi nito na ikinakunot ng noo ni Jaze.
Pagkatapos ay naglakad na si Jasper kaya walang nagawa si Jaze kundi ang maglakad ulit hanggang sa makarating sila sa guidance office na may malalim na iniisip.
'When did she comeback?'
-------------------------------------------------
ace_han02