(Luna Academy)
(8:29 A.M)
Shace's POV
Agad na akong pumasok sa room namin and umupo na sa tabi ni Alysia at nangalumbaba.
Naramdaman ko naman ang pagtitig nya sa akin kaya tiningnan ko sya ng nagtataka.
"What?" Tanong ko sa kanya ngunit umiling ito.
"You're red as a tomato. Why is that?" Inosente nitong tanong sa akin na ikinalaki ng mata ko.
The hell?! Halata pa rin ba ang pamumula ng mukha ko??
Umiling lang ako sa kanya tsaka iwinagayway ang kamay ko na parang nagsasabing wag na lang nyang pansinin at bumusangot.
"Wag mo ng alamin." Sabi ko at nangalumbaba ulit.
"Eh? May ganun?" Sabi nito pero kalaunan ay tumahimik rin ng maramdaman nyang wala ako sa wisyong makipag usap sa kanya.
Buti naman. Akala ko magiingay pa eh. Nangalumbaba lang ako ng biglang pumunta sa unahan ang class president namin saying na hindi raw papasok ang prof dahil absent ito na ikinatuwa naman ng karamihan sa amin.
Napapansin kong palaging hindi pumapasok ang mga prof namin ahh... Tsk. Anong saysay ng malaking sweldong binibigay sa kanila kung hindi naman sila nagtuturo?
Masabi nga kay harabeoji...But on contrary, wag nalang.. hahaha.. mas gusto kong di pumapasok prof namin. Hahaha
"Uy! Punta tayong cafeteria." Aya ni Alysia na sinang ayunan ko naman. It's already 9 kaya ok lang na lumabas kami.
Pagkarating namin sa cafeteria ay agad kaming umorder ng pagkain at unupo na sa pinakagilid sa may left side ng cafeteria. Ayoko na umupo doon sa gitna at baka paalisin na naman ako nung limang yun pag nagkataon. Tsk.
"Oo nga pala, anong balak mong salihan bukas?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Tinignan ko sya ng 'anong-sinasabi-mo-dyan' na mukhang naintindihan naman nya dahil tumawa sya. Tsk.
"Sports fest na bukas ng school.. Doon sila mamimili ng mga athletes na pwedeng icompete sa other school." Explain nito at napa Aahh naman ako dahil doon.
May ganun pala? I thought na puro aral lang ang ginagawa ng mga estudyante sa school. Di ko alam na may ganito rin pala.
"So, ano nga sasalihan mo?" Tanong ulit nito kaya napaisip ako..
Kung sasali ako, at makuha para ilaban sa ibang schools... may possibility na makilala ako ng iba.
"Wala." Tanging sabi ko at tumayo na sabay lakad palabas ng cafeteria.
Naramdaman ko namang nasa likod ko sya at sumusunod sa akin.
"Pero Shace, required na sumali ang students sa event na iyon. Malaking points rin ang nakasalalay roon." Sabi pa nya na ngayon ay nasa tabi ko na.
"Ikaw, anong sasalihan mo?" Tanong ko sakanya na ikinangiti nya.
"Volleyball. Yun kasi talaga ang forte ko. At isa pa, player na ako ng school sa volleyball. " sabi nito ng nakangiti.
Napatingin naman ako sa kanya na may nagtatakang tingin.
"Kung ganun, Bakit wala ka pang nagiging kaibigan?" Tanong ko sa kanya.
Nagtataka lang ako, if varsity player sya ng school sa volleyball, bakit hanggang ngayon eh wala pa syang kaibigan? Knowing na marami silang member ng team nila. May high possibility na may magiging kaibigan ka roon and maraming makakakilala sayo, but why na wala sya?
Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata nya sa tanong ko.
"Actually, nung unang pumasok ako rito, marami akong naging kaibigan dahil sa friendly raw ako. Lalo pa nung naging varsity ako. But that changes in an instant. Hindi ko alam na si Clarrise pala ang Queen Bee at Campus Queen ng school, nabangga ko sya one time noon sa cafeteria then natapunan ko ng foods and drink ang damit nya. I tried to say sorry to her that time but she was mad and ready to slap me pero dumating si Caile na super crush ni Clarrise at ipinagtanggol ako. " kwento nya habang may malungkot na mga ngiti.
Umupo kami sa bench ng mamalayan kong nandito na pala kami sa south part ng school.
"Then the whole bullying thing started, hindi nya matanggap na pinagtanggol ako ni Caile, that's why araw araw nya akong binubully then said to everyone na kapag may lumapit at magtangkang tulungan ako, madadamay sila. That's why wala na akong kaibigan simula noon, dahil lahat sila ay lumayo na sa akin. " Hindi na nya napigilan ang pag iyak nya samantalang ako ay nanatiling nakatingin sa kanya.
It's because of that Clarrise kaya sya naging loner
" Now, more than 3 years na akong loner sa school, kaya I'm really happy na nagtransfer ka kaya sobrang eager akong maging kaibigan ka. And sorry nga pala dahil nadamay ka sa pangbubully ni Clarrise. " sabi pa nito na ngayon ay nakatingin na sa akin.
Umiling lang ako sa kanya tsaka tingin sa langit.
"Don't worry about that, sariling desisyon ko naman tulungan ka eh. " sabi ko at ngumiti sa kanya dahilan ng pagngiti rin nya but kalaunan ay naging malungkot ulit sya na ikinataka ko.
"Why?" Tanong ko sa kanya.
"Naalala ko lang, dahil tinulungan tayo ng mga Prince ng school lalo na ni Caile. Possibleng hindi ka na rin tantanan ni Clarrise at ibully ka na rin." Malungkot na sabi nya na ikinangiti ko nalang.
"Like what I said a while ago, don't worry about me. I can handle myself. " nakangiti kong sabi sa kanya na ikinatango nya.
Ilang sandali pa kaming nakaupo sa bench hanggang sa mapagdesisyonan na naming bumalik ng room. Magt-ten na rin kasi at baka nandoon na ang next Prof namin.
Naglalakad na kami sa hallway ng building namin habang nagkukwento si Alysia ng may biglang humarang sa dinadaanan namin.
Tiningnan namin iyon at nakita si Clarisse na masamang nakatingin sa aming dalawa lalong lalo na sa akin.
Naramdaman ko naman ang paghawak sa akin ng mahigpit ni Alysia sa may braso ko at tila nanginginig pa kaya napalingon ako sa kanya only to find out na kinakabahan sya.
Napailing na lang ako sa isip ko tsaka tumingin ulit kila Clarisse, Mary at Anne.
"Ano na namang kailangan nyo?" Blangko kong tanong sa kanila ngunit ngumisi lamang sila.
"Humanda ka, dahil simula ngayon magiging impyerno na ang buhay mo. Sinisigurado ko yan." Mariing sabi nito sa akin na may halong galit at inis na nginisian ko.
"Talaga? Hihintayin ko yan ahh.." mapang asar na sabi ko sa kanya tsaka hinila si Alysia at binangga ang balikat ni Clarisse at naglakad na paalis.
Nang makabalik na kami sa room ay naabutan namin ang Prof na nakatayo na sa gitna kaya yumuko si Alysia na ginaya ko tsaka humingi ng paumanhin sa pagiging late tsaka umupo sa mga upuan namin.
Ilang segundo pa ng lumipas ay pumasok naman sina Clarisse,May at Anne na dirediretsong umupo sa mga upuan nila at di pinansin ang prof na nasa gitna.
Wala namang magawa ang Prof at napabuntong hininga na lamang tsaka nag umpisa ng magsalita.
"Dahil sports fest na bukas, ngayon na namin if-finalize ang mga sasali. Now kung may hindi pa sa inyo ang sumali, sabihin na ngayon para mahabol pa. Kung hindi, malaking puntos sa inyong grado ang mawawala." Sabi ng Prof pero nangalumbaba lang ako habang nakatingin sa labas.
Wala akong ganang makinig sa kanya dahil wala naman akong sasalihan. Kahit pa sabihing malaki ang mababawas sa grades ko pagnagkataon. Tsk.
"Sir! Si Shace po hindi pa po nakakapili ng sasalihan." Narinig kong sabi ni Alysia kaya napatingin agad ako sa kanya at nakitang nakataas ang kamay nya at nakatayo pa.
Lahat naman ng mata ay natuon sa akin at nahagip pa ng paningin ko ang pag irap ni Clarrise sa akin.
"Ms Navera, kailangan mo ng pumili ng sports na lalaruin mo. Required yun sa lahat ng subjects nyo." Sabi ng Prof habang nakatingin sa akin.
Wala naman akong magawa kaya napabuntong jininga nalang ako tsaka tumingin sa Prof.
"Ano po ba ang sports na pwede salihan?" Tanong ko nalang dahil mukhang pipilitin ako ng Prof namin hanggat hindi ako nakakapili ng sasalihan ko.
"Ang mga pwede mong salihan na sports ay basketball, volleyball, table tennis,billiards, lawn tennis, softball,baseball, soccer, badminton, taekwando, archery, chess, track and field athletics , bowling at swimming. At dapat sa mga nasabi kong iyon ay dalawa hanggang tatlo ang salihan mo. Pwede rin namang sumobra sa tatlo depende sa kung ilan ang sasalihan mo. Mas maraming sinalihan, nas malaking puntos ang makukuha." Sabi ni Sir sa akin na ikinatango ko naman.
"Now, anong sports ang sasalihan mo?" Tanong na naman sa akin ni Sir kaya napaisip ako.
Hindi ko alam na marami palang sports ang pwedeng salihan rito. Sabagay masyado namang malaki ang campus, ganoon rin ang field nito kaya hindi na nakakapagtataka na isinama nila ang baseball, softball, lawn tennis at soccer sa sports na pwedeng salihan. Pati na rin ang billiards at bowling.
"Ms Navera. Anong sports ang sasalihan mo?" Rinig ko na namang sabi ni ng Prof kaya napabalik ako sa ulirat at napatingin ako sa kanya.
"Siguro wala syang alam na sports kaya hindi sya makapili, masyado kasing lampa at panget eh. Hahaha" rinig ko na sabi ni Clarisse na naging dahilan para matawa ang mga kaklase namin.
Tinignan ko si Clarrise at nginisihan bago ulit tumingin sa Prof namin na halata mong naiinis na dahil sa tagal kong pumili ng sports na sasalihan.
"Ano nalang po ba ang mga sports na konti lang ang mga sumali?" Tanong ko sa Prof namin. Tumingin naman ito sa papel nya tsaka nagsalita.
"Ayon rito ay ang chess,archery, billiards at softball ang konti lang ang mga sumali. Pero hindi na rin ako magtataka dahil mahirap masyado ang sports na iyon at hindi common para sa mga estudyante." Sabi ni Prof na ikinangiti ko.
"Sige po Sir. Doon na lang po ako sasali sa apat na binanggit nyo. " nakangiti kong sabi na ikinagulat ng Prof namin at binigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin.
"Sigurado ka ba Ms Navera? Tandaan mo, hindi ka makakakuha ng mataas na puntos sa simpleng pagsali mo lang. Kailangan mong makapasa sa tryouts para official na makasali ka. At sinasabi ko sa iyo na hindi ganoon kadali iyon lalo pa na itong apat na ito ang sasalihan mo." Seryosong sabi ng Prof na tinanguan ko lang.
"Opo Sir, sigurado po ako." Nakangiti kong sabi sa Prof at wala na itong nagawa kundi isulat ang pangalan ko sa mga mag t-tryout sa apat na sports na yun.
"Huh! As if naman makakapasa ka sa tryouts. Itsura mo palang, hindi na kapasa pasa. Hahahaha." Pagpaparinig na naman ni Clarrise na ikinatingin ko sa kanya ng blanko.
"Let see." Tanging sabi ko na lamang tsaka nangalumbaba ulit aa upuan ko.
Ilang saglit pa ay lumabas na ang Prof namin kaya nagsimula na namang mag ingay ang mga kaklase ko at kung sinuswerte ka nga naman talaga.
Nasa harapan na namin ni Alysia sina Clarrise at may mala demonyong ngiti. Sabay nun ay bigla nyang kinabig ang kamay ko na ikinagulat ko tsaka marahas na hinila ako na naging sanhi ng pagkatayo ko mula sa pagkakaupo at masagi ako gilid ng desk ko kaya napangiwi ako.
Tinignan ko sya ng masama at hinigit sa pagkakahawak nya ang kamay ko na napagtagumoayan ko naman.
"Ano bang problema mo?" Blanko kong tanong sa kanya at pinanatili ang pagkakalma ko kahit na gusto ko nang suntukin ang mukha nya.
Nginisian nya ako at iwinagayway nya ang kamay nya sa ere at ilang saglit lang ay may nakita akong limang lalake na papalapit sa amin na may malawak na ngiti tsaka tumabi kila Clarrise.
Si Alysia naman ay nakatayo na rin sa tabi ko at pinapalibutan na rin kami ng mga kaklase namin.
Tinignan ni Clarisse ang mga ito at pinandilatan ng mga mata.
"Everyone, get the hell out of this room!" Bulyaw na sigaw ni Clarrise sa mga nakapalibot sa amin ngayon.
Mukha namang natakot ang mga ito kaya dali daling nagsilabasan ang mga ito hanggang sa ako, Alysia, Clarrise,Anne,May at ang limang lalake.
Ilang saglit lang ay Nakarinig rin ako ng pag click ng lock na sigurado ako ay galing sa pinto ng roon.
Inilibot ko ang paningin sa paligid at nakita ang kumpol na mga kaklase ko sa labas ng room at may ibang estudyante na rin ang naroroon.
Made of glass ang bintana ng room na magkakahilera kaya malaya nila kaming nakikita sa loob.
Ibinalik ko ang tingin ko kina Clarisse at nakita na naman ang malademonyong ngisi nito na sinuklian ko lang ng blankong tingin samantalang nanginginig na sa takot ang katabi kong si Alysia kaya napa tsk nalang ako.
Napakaduwag naman ng babaeng to.
"Natatakot ka na ba?" Nakangising tanong nito na ikinakunot lang ng noo ko.
"Huh? Natatakot saan?" Pagmamaang maangan ko.
"Sa gagawin kong p**********p sayo." Sabi nito at tumingin sa limang lalake ng nakangisi.
"Umpisahan nyo na." Sabi nito sa lima na ikinatango at ikinangisi ng mga ito.
Nanatiling nakatayo lamang ako habang nasa likod ko si Alysia na kinakabahan na. Hindi ako kumilos dahil tinitignan ko pa kung ano ang gagawin nila pero ganun na lamang ang gulat ko ng bigla na lamang ako batuhin nila Anne at May ng itlog mula sa bulsa nila na ikinatawa nila.
At napasinghap ng biglang hinawakan ng dalawang lalake ang magkabilang braso ko dahilan para di ako makakilos. Ganoon rin si Alysia na ngayon ay nakayuko na lamang at nanginginig habang may basag na itlog rin sa kanyang ulo at blouse.
Masama kong tinignan si Clarrise na ngayon ay nasa harapan ko na.
"Sa tingin mo, basta basta nalang kitang titigilan dahil sa pagliligtas sa inyo nila Caile? Pwes, dahil sa nangyaring iyon. Mas lalo kong pahihirapan ang pag stay nyo rito lalong lalo ka na." Mariing sabi nito sa akin pero binigyan ko lamang sya ng blankong tingin.
Wala pa akong pwedeng gawin sa kanya dahil sigurado akong magkakaproblema ako kapag sinaktan ko sya. Baka rin matunugan ni Harabeoji ang mangyari sa oras na saktan ko ang babaeng to.
Kaya ngayon ay hahayaan ko muna syang gawin ang gusto nya habang nakakapagtimpi pa ako.
"Akala mo siguro, porket iniligtas ka ng Princes ay Prinsesa ka na. Well, sad to say but. Ginawa lang nila iyon dahil mukha kang basura." Sabi na naman nito at ibinuhos sa akin ang juice na ibinigay sa kanya ni Anne mula sa bag nito.
"And remember this, wag na wag kang lalapit sa mga princes, lalong lalo na kay Caile kung ayaw mong lumala ang p**********p ko sayo." Galit na pagbabantang sabi nya pero nginisihan ko lang sya na mukhang nagpainis lalo sa kanya kaya walang sabi sabing sinampal nya ako na ikinapikit ko hindi dahil sa sakit kundi dahil sa inis na naguumpisang maramdaman ko sa loob ko.
Fvck! Nakakailan na tong babaeng to ah! Pag ako na bwiset talaga hindi ko na palalagpasin ang pinaggagagawa nya sa akin.
Idinilat ko na ang mga mata ko at blankong ekspresyon pa rin ang makikita mo rito. Ni bakas ng takot, galit o kaba ay wala kang makikita at malalamig na titig lamang ang ibinigay ko sa kanya.
Lumayo naman na sya sa akin at lumapit ang dalawang alipores nya ng nakangisi at may hawak na harina sa magkabilang kamay nito.
Grabe naman ata ang effort nila sa p**********p 'kuno' nila sa akin. Talagang gumastos pa sila pambili ng juice, itlog at ngayon naman ay harina. Tsk.
Ibinuhos na sa akin ni Anne ang dalawang supot ng harina at ngayon ay punong puno na ako ng harina sa katawan.
Narinig ko rin ang tili ni Alysia at nakita na may harina na rin ito sa katawan nya. Umiiyak rin ito habang hawak pa rin ng dalawang lalake ng nakangisi.
Tinignan kong mabuti ang mga mukha ng dalawang iyon pati ng dalawang lalaki na nakahawak sa akin ganun na rin ang isa pang lalaking katabi ngayon ni Clarrise.
I'll make sure na magiging impyerno rin ang buhay niyo katulad ng gagawin kong plano sa mga babaeng itong nagpapahirap sa akin ngayon.
Binulungan ni Clarrise ang lalaking katabi nya at ngumisi ng maloko tsaka ngiti ng malawak sa akin.
Kasabay ng unti unting paglapit nito sa akin at walang pakundangan sirain ang coat ng uniform ko dahilan para mapasinghap ako at narinig sa labas ang mga ingay at usap usapan.
"Basa ka naman na kasi, bakit hindi nalang natin alisin diba? Hahaha" manyak na sabi nito na ikinatingin ko sa kanya ng matalim.
Narinig ko na naman ang tili at hagulgol ni Alysia kaya napatingin ako sa kanya at laking gulat ko na makitang punit punit na ang itaas na bahagi ng uniform nito at binitawan naman na sya ng dalawang lalaking nakahawak sa kanya kanina at ngayon ay nakatakip na ang mga braso nito sa dibdib nya habang nakaupo sa sahig ng humahagulgol at nanginginig sa takot.
"Try to do it again, and I will make sure na pagbabayaran nyo ang ginawa nyo sa kanya." Nagbabantang sabi ko sa kanila pero tinawanan lamang nila ako.
"Oh? Matatakot na ba kami?" Sabi nito at tinangka na naman sanang sirain ngayon ang blouse ko ng sipain ko sya sa sikmura kaya naman napaatras sya at napangiwi sa sakit.
Masama nya akong tinignan at lalapit na sana pero dahil sa inis ko dahil sa ginawa nila kay Alysia ay marahas kong hinila ang mga braso ko sa pagkakahawak nila at nakawala sa pagkakahawak ng dalawa pagkatapos ay agad ko silang binigyan ng malakas na suntok na naging dahilan upang tumilapon sila sa magkabilang gilid ng room.
Tinignan ko ng sobrang talim ang lalaking kaharap ko ngayon at sinipa sa mukha ng malakas dahilan ng pagtilapon rin nito papuntang pisara. Kita ko ang pagdaloy ng dugo sa ilong, noo at labi nito pero hindi ko iyon binigyan ng pansin tsaka tinignan sina Anne at May na ngayon ay gulat at nanginginig na sa takot. Ganoon rin ang dalawang lalaking nakahawak kay Alysia kanina.
Pero sumugod pa rin sila sa akin kaya naman walang atubili kong binugbog ang dalawa hanggang sa nakahandusay na lamang sila sa sahig.
"How dare you tear her uniform? Do you know the consequences of your action?" Sobrang lamig na sabi nito na ikinanginig sa takot ng dalawa na sina Anne at May at tila naestatwa sa kinatatayuan nila.
Hindi na napigilan ni Shace ang sarili at marahas na hinila ang mga buhok nila. Kita ko ang sakit sa mga mukha nila pero hindi ko iyon pinansin at itinali ang buhok nilang dalawa sa isa't isa.
Sunod naman ay hinubad ko ang coat ng uniform ng dalawa at hinubad ko rin ang punit kong coat at itinapon iyon sa kanilang dalawa. Samantalang yung coat nila ay isinuot ko kay Alysia at sa akin.
Pinunit ko rin ang blouse nila gaya ng ginawa nila sa amin ni Alysia. Nakakarinig na ako ng kalabog sa labas ng room pero hindi ko iyon pinansin at lumingon na kay Clarrise.
Tinignan ko ng sobrang lamig si Clarisse na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin pero nakatulala na at binigyan ko sya ng malademonyong mga ngiti na sigurado akong katatakutan nya.
Prepare yourself, dahil walang sino man sa mundong ito ang basta basta nalang tatalo sa akin. Sisiguraduhin kong mas malala pa sa impyerno ang mararanasan nyo dahil sa mga oras na ito, sinagad nyo ang pasensya ko. Pasensya ng isang Nirvana. Lalong lalo na sa isang Shace Ianthe Nirvana na kinatatakutan ng lahat ng tao sa mundo.
-----------------------------------------------------------------
ace_han02