CHAPTER 5

1008 Words
DRAKE POV I smiled at her, "dont worry it is totally fine by me. Kahit naman ako, isang araw ko lang hindi makita ang pinaka mamahal kong girlfriend. And imagine na halos tatlong taon kitang hindi nakita. Muntikan na akong nabaliw." Lumapit siya sa akin at pinalupot ang kanyang mga kamay sa aking baiwang. Nilagay ko naman ang aking mga kamay sa kanyang balikat. I am 6'00 footer at siya naman ay 4'8, para sa akin sakto lamang ang height namin para sa isa't isa. "So may nakalimutan yata tayong gawin kanina. Mayroon tayong naudlot na dapat nating ituloy ngayon-" Wala na akong sabi sabi pa, kaagad ko siyang nilapitan at sinunggaban ng halik sa kanyang labi. Sobrang na miss ko lamang ito. Ang halik na puno ng pananabik. Ilang taon ko ding hindi natikman ang kanyang labi, puro lamang kami flying kiss sa aming mga cellphone tuwing kaming dalawa ay nag vi videocall. Pero ngayon, nagagawa na namin ito ng live. At masasabi kong mas lalong tumamis ang halik ng aking long time girlfriend. Nararamdaman ko ang pagmamahat at pagka miss niya sa akin. Ang sabi nga nila, mas maganda raw kapag mas mahal ng lalaki ang babae. Kaya naman mas mahal ko siya kaysa sa aking sarili. At titiyakin ko na araw araw kong ipapadama kay Tricia kung gaano ko siya kamahal. Mula sa physical touch hanggang sa mga pasimpleng mga bagay. Umabot din ng ilang minuto ang aming halikan bago ako bumitaw sa masarap naming halikan. Hindi ako bumitaw dahil sa nagsawa ako, bumitaw ako dahil nangalay na talaga ang aking labi. Samantala, nakita ko naman kay Tricia na nabitinn ito kaya naman siya na ang nag initiate na muli kaming maghalikan ng hatakin niya ako papunta sa sofa. Ngayon, mas komportable na kaming dalawa sa ganito kasi nangangalay talaga ako kanina. Mas lalo akong nasarapan sa halik niya sa akin. Para bang uubusin niya ang labi ko. Hinayaan ko na lamang siya. Ganito siguro talaga niya ako na miss. I cannot blame her for that. Siguro araw araw siyang nasusuka sa halikan nilang dalawa ni Troy. After this, kumalas na siya. "Ano satisfied ka na?" sabi ko pa. "Thank you, grabe sobra kong minukbang ang labi ng boyfriend ko." "Ayos lang naman sa akin. Ako rin naman, gusto ko ang halikan nating dalawa. So gagala na ba tayong dalawa?" "Tara na!" Excited na sabi niya pa sa akin. Pumunta na kami sa labas, magka holding hands kaming dalawa. Ang clingy lang sa akin ng girlfriend ko. Ito na siguro marahil yung araw na nakita ko siyang pinaka masaya. At ang malamig na simoy ng hangin ang yumayakap sa aming dalawa. Nakasuot ako ng jacket, ngunit siya naman ay naka tshirt lamang kaya sa tingin ko ay nilamig siya. Kaya naman hinubad ko ang aking jacket at binigay ko ito sa kanya. "Salamat babe, dapat pala ay nagdala ako ng jacket," sabi niya habang sinusuot niyanang jacket ko. "Sanay kasi ako sa init ng Metro Manila eh." Kumpara sa kanya, mas makapal ang balat ko kaya masasabi ko na mas kaya kong labanan ang lamig ng panahon. And sanay na sanay na rin ako sa lamig ng Ney York na puro snow na lang. Kaya walang wala sa akin yung ganitong panahon. Sadyang nasanay lang din siguro ako na nag susuot ng jacket. "Dont worry, walang walang sinabi yung lamig ng tagaytay sa America. Trust me, nasanay lang din talaga akong magsuot ng jacket." "Really? Alam mo gusto ko talaga pumunta sa New York. Isa lang din talaga iyan sa mga lugar na gustong gusto ko talagang puntahan eh." Gusto ko sanang tuparin ang kahilingan ng girlfriend ko pero marami lang din akong kailangan asikasuhin dito sa Pilipinas. Lalo na't marami kaming mga clients na naka dipende sa akin at milyon milyon ang mga kontrata namin. "Dont worry babe, pupunta rin tayo sa lugar na iyan. Pero sa ngayon, kailangan lang din natin natin mag tiis. And by the way, before I forgot, gusto ko lang din sanang sabihin na aalis pala ako bukas ng maaga at gabi na ang uwi ko." "Ha? Saan ka pupunta?" tanong niyang mayroong pagkagulat. Although ine expect ko na ang ganitong reaksyon niya. "Jan lang... kikitain ko ang mga tropa ko. Dont worry, hindi naman ako magloloko babe. Minsan ko lang naman din kasi sila makasama eh." "Hindi ba ako pwedeng sumama? Ayaw ko lang din kasing ma bored dito sa bahay at tsaka gusto ko sanang makilala itong mga kaibigan mo." Kung totoo lang sana ang sinasabi ko ay pag bibigyan ko ang gusto niyang mangyari. Kaso lang, it has something to do with my illegal job so I cannot allow her to come with me. "Babe, sorry pero ako lang munang mag isa ngayon. Gusto ko lang talaga silang maka bonding. Wala ka bang tiwala sa akin? You can do whatever you want here," sagot ko pa. "Okay fine. Pero isang araw lang ito ha?" "I cannot promise that but what I can promise is, soon you are going to meet them. However sa ngayon, I just want to have some privacy." Ngiti na lamang ang isinagot sa akin ni Tricia. Nagnakaw naman ako ng halik sa kanyang pisngi upang i comfort siya. "Babawi talaga ako sayo next time. Pramis ko iyan," I said, giving her a reassurng smile. "Sige lang. It does not matter to me. Partner naman kita at hindi isang pagmamay ari. Sure naman ako na magiging masaya ang bonding ninyong magto tropa. Enjoy!" Masaya ako sa naging sagot niya sa akin. And if ever she wanted something, ibibigay ko ito sa kanya. Perhaps, siguro pwede ko siyang bigyan ng bagong alahas o bag. Alam ko naman na paborito niya ang mga ito at natitiyak ko na matutuwa siya. Malaki naman ang deal namin ng client ko. Naglakad lakad kaming dalawa sa kahabaan ng kalye. Medyo mabangin lamang sa gilid at isang pagkakamali lamang ay pwede na talagang ikapahamak ng tao. Kaya naman hinawakan kong maigi si Tricia dahil natatakot ako kung mapaano siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD