ONE
TRICIA POV
Ngayong araw gaganapin ang kasal naming dalawa ni Troy, ang anak ng business partner namin. Subalit sa dalawang taon na magkasintahan kaming dalawa, hindi ko naramdaman ang pagmamahal ko para sa kanya. At ito ay dahil sa mayroon akong lalaking ibang mahal. At ito ay walang iba kung di si Drake, ang aking childhood friend na pauwi na galing sa New York.
Tatlong araw ang nakakalipas, nag usap kaming dalawa thru video call at sinabi niya na asahan ko raw ang pagdating niya ngayong araw upang itakas ako sa aking mapapangasawa. Kahit na labag ito sa gustong mangyari ng aking mga magulang. At mas lalong labag ito para kay Troy.
Wala akong pakialam kung siya pa ang pinaka mayamang lalaki sa buong mundo. Magagarang mga kotse, mga mamahaling damit, at iba pang mga bagay na kayang bilhin ng salapi. Subalit ako yung tipo ng babae na hindi nasisilaw sa ganitong bagay. Ang gusto ko ay si Drake at wala nang iba pa!
Handa akong suwayin ang mga magulang ko, maipaglaban ko lamang ang pag iibigan naming dalawa ni Drake. Basta ngayon, habang nag lalakad ako sa isle, pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi niya sa akin na babalik siya rito sa Pilipinas upang itigil ang kasal at maitakas ako.
"Congratulations!" ito ang naririnig ko sa mga bisita namin habang dumadaan ako patungo sa altar ng simbahan. Magarbo ang kasalan na ito at maraming mga tao ang dumalo. At lahat ng ito ay sinalo ng pamilya ni Troy dahil sa pinangarap daw ng binata na ikasal kaming dalawa.
Ilang hakbang na lamang at malapit na ako sa altar kung saan naghihintay si Troy na halos maiyak na habang nakikita niya akong papalapit. Kitang kita ko ang excitement sa kanyang mga ngiti. Halos mawalan na ako ng pag asa ng tuluyan na akong makarating sa altar. This is it, binigo na ako ni Drake at malabo na itong magpakita pa sa akin.
Masakit lang sa akin na makita ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon... at habang buhay ko na itong dadalhin... habang buhay ko nang makakasama si Troy na hindi ko naman mahal. Nang magkaharap kaming dalawa, hindi naman niya napigilan ang kanyang sarili at niyakap ako sa harapan ng pari at harapan ng daan daan naming mga bisita.
"Sobrang saya ko na ikakasal tayong dalawa. Alam mo naman na sobrang tagal ko nitong hinintay di ba?" bulong niya. "Ngayon, matutupad na ang pangarap ko at wala nang makaka pigil pa sa pagmamahalan nating dalawa."
I rubbed his back, "Ako rin, sobrang excited nang maikasal sayo. At sana naman ay maging maganda ang pagsasama nating dalawa."
Pagkatapos nito ay humiwalay na siya sa akin. Nagsalita ang pari sa aming harapan.
"Bago ko simulan ang seremonyang ito, nais ko sanang malaman kung mayroon bang kahit na isa sa inyo ang tumututol sa pag iibigan nila Troy at Tricia."
Nabalot ng katahimikan ang buong simabahan. Napapikit ako, nawala na ang katiting na pag asa ko na darating pa ang aking night in shining armor. Wala na akong takas pa. Pero all of a sudden, mayroong isang sasakyan na huminto sa labas ng simbahan kaya muli akong nabuhayan ng loob.
At nang bumukas ang malaking kahoy na pintuan, lahat kami ay nagsipag lingunan sa isang lalaking naka suot ng coat. Halos maiyak na lamang ako dahil ang buong akala ko ay hindi na ako itatakas ni Drake. Subalit heto siya ngayon, saktong sakto ang kanyang pag dating upang pigilan ang pag iisang dibdib naming dalawa ni Troy.
"Saglit, itigil ang kasal! Ako ang tumututol father!" mariin niyang sabi, napatingin siya sa akin at napangiti naman ito. "Babe, tara na, umalis na tayo sa lugar na ito. Pumunta ako dito kagaya ng ipinangako ko sa iyo."
Bago ako umalis, lumingon muna ako kay Troy at iniangat ko ang belo ko sa ulo. Kung mayroon mang tamang panahon upang aminin ko ang lahat sa kanya, ito na iyon!
"Sorry Troy pero hindi ako papayag na maikasal sayo. Ang mahal ko ay si Drake at wala nang iba pa. Hindi ko kailangan ng lahat ng yaman na pwede mong ibigay sa aki. Sapat na ang pagmamahal ni Drake sa akin."
Halos bumagsak ang luha sa kanyang mukha ng marinig ang buong katotohanan sa aking bibig. Pero wala akong panghihinayang sa aking ginawa. Matagal ko na itong gustong sabihin sa kanya at ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob.
Hinawakan ko ang aking mahabang gown at tumakbo ako papalapit kay Drake. Hinawakan naman niya ang aking kamay at pagkatapos ay sabay kaming lumabas.
Subalit pagsakay naman namin ng kotse ay hinabol naman kaming dalawa ni Troy, nagsilabasan din ang lahat ng mga bisita namin kasama si mama at papa.
"Anak, please nag mamakaawa ako sayo, wag mo itong gawin," sigaw ni mama na umiiyak na.
"Tricia, bakit naman sasama ka pa sa lalaking yan? Di ba wala naman siyang magandang trabaho? Gugutumin ka lang sa kanya anak!"
Sobrang nasaktan ako sa sinabi ni papa kay Drake. Totoo na tambay noon ang nobyo ko ng ipakilala ko ito sa mga parents ko. Pero ibang tao na si Troy ngayon. Nagsumikap siya sa buhay at mayroon siyang matinong trabaho sa ibang bansa.
"Tito Henry, ibang tao na po ako ngayon. Mayroon na din akong ipagmamalaki. Nagmamahalan po kaming dalawa ng anak ninyo at hayaan niyo siya na ako ang mahalin."
"Gago ka Drake! Akala ko ay matagal ka nang patay! Ibalik mo sa akin ang asawa ko, titiyakin ko sayo na ipakululong kita sa pagki kidnap mo sa kanya."
Ngumisi lang si Drake, "Talaga ba pare? Ginagawa kasi iyan at hindi sinasabi. At tsaka wag mo akong tinatakot ng ganyan kasi malayo na rin ang narating ko sa aking buhay. At si Tricia, sa akin na siya ngayon at sisiguraduhin ko sa iyo na ilalayo ko siya. Kaya kung ako sayo ay magmahal ka na lang ng ibang babae dahil handa ko siyang ipaglaban kahit na ano man ang mangyari."
Pagkatapos nito ay mabilis na pina andar ni Drake ang kanyang sasakyan.