TRICIA POV
Sobrang saya ko ngayon na kasama ko si Drake- ang lalaking totoo kong mahal. At talagang tama lang ang dating niya para pigilan ang kasal naming dalawa ni Troy.
"Babe, sobra kitang na miss," sabi niya pa sa akin.
"Sobra din kitang na miss Drake. Ang buong akala ko talaga ay hindi ka na pupunta rito para iligtas ako."
"Pwede ba yun? Siyempre alam mo naman siguro kung gaano kita ka mahal di ba? Hindi naman ako makakapayag na tutulan ang kasal ninyong dalawa. Sa akin ka lang Tricia, at hindi na ako makakapayag na agawin ka niya sa akin ulit."
Sa kabila ng saya ko, kahit papaano ay nag aalala ako sa aking mga magulang. Sure ako na nag pull out na ng investment ang tatay ni Troy dahil sa kahihiyan na binigay ko sa kanyang anak. Pero ano bang magagawa ko kung ibang lalaki ang tinitibok ng aking puso?
"So paano nga pala ito babe? Hanggang kailan natin planong magtago sa kanila? Lalo na sa mga magulang mo na sigurado akong hindi titigil matunton lang tayong dalawa. They will stop at nothing- obviously!"
"Pahupain lang natin ang sitwasyon. Kahit naman ako, ayaw ko rin na mag alala ang parents ko. Pero di ba nangako ka naman na magbibigay ka ng financial support para sa family ko? Lalo na ngayon na hindi maganda ang takbo ng aming negosyo at lumulubog kami sa utang."
"My assistant said na next week ang dating ng pera ko. Sapat na ba ang 50 million para sa kanila?"
"Oo naman!" mabilis kong tugon, "Maraming salamat Drake, hulog ka talaga sa akin ng langit. At natitiyak ko na magbabago ang tingin sayo ng papa ko kapag nalaman niya ang malaking offer mong ito."
I just can't hide my excitement right now. And it is only a matter of time para matanggap ng parents ko na si Drake ang gusto kong pakasalan.
*************************************
*************************************
TROY POV
Sobrang sakit ng nangyaring ito sa akin. Subalit wala naman akong magawa ngayon kung di ang panoorin kung paano tanghayin ng aking karibal ang babaeng sobrang pinaka mamahal ko.
Ang araw na akala kong punong puno ng saya at pagmamahal, sa isang iglap lang ay naging araw na punong puno ng pighati at kalungkutan. Pero hindi ako magpapatalo, gagawin ko ang lahat para lamang mapa sa akin ulit si Tricia.
"Troy, sobrang sorry sa ginawa ng anak namin ngayong araw. Believe it or not, wala kaming kaalam alam sa mga nangyayari," sabi ni tito Henry, "But I will promise you na gagawin namin ang lahat ng makakaya namin upang ibalik sayo ang anak namin. Just don't pull out your shares from us! Kailangan namin ng investment ng company ninyo."
"Tito, ayos lang po sa akin. Pero ako po ang babawi sa asawa ko. This is not a big deal!"
"Of course it is a big deal," sabi ni Dad who is furious right now. Bihira pa naman siyang magalit pero ngayon, nararamdaman ko ang init ng ulo niya sa tono pa lamang ng pananalita nito. "This is a huge humiliation to my son. Kakalat ito sa social media at sobrang mapapahiya ng ganito. My only son wants your daughter pero anong ginawa niya? Niloko niya ito! And now, you have to bear the consequences of her actions!"
Malapit ang loob ko kay tito Henry at para ko na rin siyang tatay kaya naman hindi ko rin hahayaan na lumubog ang kumpanya niya. After all, hindi ito ikatutuwa ni Tricia. I just want to make her happy, nothing more and nothing less!
"Dad, please do not do this!"
"Troy, you are hurt by this, aren't you? Sobrang laki ng ginastos natin para sa kasal na ito but look what your bride did to you? She left with another man. She cheated on you!"
In spite of what happened, I still smiled. "Dad, let me fix this problem on my own. I am not a kid anymore, I will chase her no matter what happens. And I will bring her back, just don't let your anger gets the best of you."
"Anak, I am doing this for you. And even though you are not kid anymore, I am still your dad at gagawin ko pa rin ang lahat-"
"Dad, ano ka ba? Haven't you heard a word I say? Ako ang magbabalik dito kay Tricia."
Napatingin naman ako kay Ahron, ang pinsan ko na naging dahilan kung bakit ko nakilala si Tricia sa isang bar.
"Pare samahan mo ako," sabi ko kanya.
Naglakad na ako at sinundan naman niya ako hanggang sa makarating kaming dalawa sa parking lot kung nasaan ang ferrari ko. Sumakay kaming dalawa.
"Bro, sobrang sorry sa nangyari sayo ha? Pero gusto ko lang sanang tanungin, saan tayo pupunta?"
"Saan pa? Eh di pupunta tayo sa bar ulit kung saan ko nakilala si Tricia. Sobrang sakit lang ng ginawa niya sa akin. I tried to smile earlier sa lahat ng mga bisita pero deep inside, sobra akong nasasaktan sa nangyari. Ano ba ang sumagi sa isipan niya at pinagpalit niya ako sa ibang lalaki?"
Habang nagsasalita ako, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag iyak. Ngayon lang talaga ako tinatamaan ng sakit ng nangyari kanina. Para bang gusto ko na lamang na kainin ako ng lupa habang nakikita ko ang babaeng sana ay mapapangasawa ko na lumalayo at tinanan na ng ibang lalaki.
"Kaya mo 'yan bro! Ipaglaban mo ulit si Tricia, actually, nakakagulat yung nangyari kanina. Pero sino ba yung kolokoy na yun? Hindi mo ba naramdaman na niloloko ka na niya?"
"His name is Drake at siya yung unang lalaking pinakilala ni Tricia sa family niya kaya lang ay tinaboy nila ito kasi wala siyang trabaho. Yun ang kwento sa akin ni tito Henry."
"Pero ngayon, mayroon na siyang kotse. Para bang magka level na kayong dalawa."
"Wala akong tiwala sa lalaking iyon, sa tingin ko ay ipapahamak niya lamang si Tricia. At ako lang ang may tanging kakayahan para iligtas siya!"
"So anong plano mo? Paano kung tinanan na nga talaga siya ni Drake?"
"Walang imposible sa taong pursigido!" ito lamang ang naisagot ko sa kanya.