Kacelyn Samiano "Brylle," tawag ko sa pangalan niya. Mataman niya naman akong tiningnan. "Yes?" tugon niya. "May tanong ako," masayang sabi ko sa kanya. Alas onse na ng gabi ngunit magka-video call pa rin kami. Hindi ko na mabilang kung ilang oras na nga ba kaming magkausap. Kapwa kaming nakaupo sa mga kama ng kwarto namin habang magkausap. "Ano iyon?" tanong niya sa akin. "Ano ang tawag sa pusong sumusugod?" Bahagya siyang natawa dahil sa tanong ko. "Seryoso ba iyang tanong mo?" "Oo naman," natatawang tugon ko sa kanya. "Sige na, bilis na." Sandali siyang nag-isip at pagkuwan ay muling bumalin sa akin. "Ano?" tanong niya nang hindi malaman ang sagot. "Eh 'di, heart attack," tugon ko kasabay ng pagtawa ng malakas. Narinig ko rin naman ang malakas at ang gwapong pagtawa niya mu

