Kacelyn Samiano Isang napakalaking liwanag ang sumabog mula sa kalangitan at kasabay no’n ang isang malakas na pagputok. Mula sa pagkakatitig namin sa isa’t isa ay marahan naming itinuon ang mga tingin sa maganda at maliwanag na pagsabog na iyon. Kapwa kaming namangha dahil doon at nagpapasalamat ako sa mga ingay na nagmumula sa Islang iyon, sapagkat natatabunan nito ang pag-iingay ng sarili kong puso dahil sa mga binitiwang salita ni Brylle na hindi ko alam kung tama nga ba ang pagkakarinig at pagkakaunawa ko. Narinig at naramdaman ko ang paghigit ng malalim na paghinga ni Brylle saka ito muling bumalin sa akin. “Gusto mo bang… sumunod doon?” tanong niya. “Huh?” balin ko sa kanya. Gusto ko sanang tanungin siya sa kung ano ang sinasabi niya kanina na napurnada dahil sa ingay at liwana

