Kacelyn Samiano Nanikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit labis na pagkainis ang nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina. I know he’s a jerk. Kaya hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit tila nakalimutan ko yata ang bagay na iyon at hinahayaan kong maging malambot ang puso ko dahil sa kanya. Ilang babae nga ba ang napapaikot at napapaasa niya? Ilang mga babae nga ba ang ginagamit at pinaglalaruan niya lang? Mariin akong napahawak sa aking manibela habang nagmamaneho. Sa sobrang pagkainis ko, pakiramdam ko ay sasabog ako kung hindi ko ito mailalabas ngayon. Kahit kailan talaga, napakapaasa niya sa mga babae. Hindi lang ako ang nagagawa niyang paasahin. Maging ang sarili niyang kaibigan na si Rica. At sure ako na bukod kay Rica ay mayroon pang ibang mga babae ang napaasa niya

