Kacelyn Samiano “I’m sorry, Kace,” hingi ng paumanhin sa akin ni Briana. “No, Brie. Wala ka namang kasalanan sa akin. Huwag kang mag-sorry,” tugon ko rito habang patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko. “Gosh, Kace! Hindi ko akalain na makikita ulit kitang umiiyak ng dahil sa kanya,” ani Briana. Nakikita ko ang labis na pag-aalala at pakikidalamhati niya para sa nararamdamang sakit ng puso ko. “Hindi ko rin akalain, na ang hina-hina ko pa rin. Ang tanga-tanga ko para magkaganito na naman ako.” “Kace, hindi mo kasalanan kung nasasaktan ka ngayon dahil sa kanya. Hindi mo naman ginustong mahalin ang isang tulad niya,” pag-alu sa akin ni Briana. “Kasalanan ko, Brie. Kasalanan ko dahil umuulit na naman ako. Para akong tanga. Para akong walang natutunan sa nangyari sa nakaraan ko.” Patu

